Chapter 1- The Beginning

369 10 0
                                    

Hey guys! 👋😏 Ito po ang first story na sinulat ko. Sana po magustuhan niyo! Feedbacks are welcome.. Hopefully positive? 😝

There once was a rich lady named Doña Nidora Esperanza Zobeyala Viuda de Explorer, Lola Nidora for short. Lola Nidora has a yaya named Divina Ursula Bukbukova Smash or Yaya Dub for short. Si Yaya Dub ay ipinagkatiwala ng mga magulang niya kay Lola Nidora dahil nagtratrabaho sila sa ibang bansa kaya naman ganoon kahigpit ang matanda kay Yaya Dub dahil nangako ito sa magulang ni Yaya Dub na aalagaan at palalakihin niya ito ng tama. At dahil wala naman ibang maisip na paraan si Yaya Dub para magpasalamat kay Lola Nidora sa pagkupkop sa kanya, kaya naman nagvolunteer na lang ito na maging yaya ni Lola Nidora. Itinuturing na ni Lola Nidora na parang tunay niyang anak si Yaya Dub dahil napamahal na rin ito sa kanya. Masunurin at masipag itong si Yaya Dub kaya naman gustong gusto siya ng mga taong nakakasalubong niya. Isang araw pumunta ng mall ang mag-amo at nagtataka sila kung bakit may stage sa gitna at ang daming tao. "Lola, may show po yata na mangyayari dito." Sabi ni Yaya sa amo. "Oo nga. Magshoshow si Alden Richards." Sagot ng amo." Lumaki ang mata ni Yaya sabay sabi ng "Alden Richards?! Lola, crush na crush ko po siya! Nuod po tayo, please!" "Naku naku naku, Yaya! Pumunta tayo dito sa mall para magshopping, hindi para manuod ng show. Edi sana nanuod na lang tayo ng sine!" Sagot ni Lola while rolling her eyes. Dahil sabi ni Lola, hindi na sila nanuod ng show at nagshopping na lang. Para icheer-up si Yaya, ipinagshopping na lang rin siya ni Lola. Matapos ang 2 hours ng pagshopping eh they decided na kumain muna sa food court. Napadaan muli sila sa gitna kung saan yung show. Pero ang naabutan na lang nila ang pagligpit ng set. Medyo nanghinayang si Yaya dahil pagkakataon na niya sana na mapanuod ng live si Alden. Habang tinitignan niya yung stage eh biglang may nabangga siya at nabitawan niya ang mga dalang shopping bags. Sabay lumuhod si Yaya at ang nabangga niya para pulutin ang mga nahulog and their hands touched nung sabay nila hinawakan ung bag na nasa gitna nilang dalawa. Ngunit, dali dali rin nila tinggal ang hawak sa bag. Dahan dahan inaangat ni Yaya ang titig niya upang makita kung sino ang kanyang nabangga. Lumaki ang mata ni Yaya nung makita niya ang taong nabangga niya.

Aldub: Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon