Chapter 3 - Cause I'm Dreaming of you tonight

154 4 0
                                    

3 days had past since the mall show pero si Yaya, hindi pa rin makamove on! Everyday, chinecheck pa rin niya sa social media kung may nagpost na ba ng video or kahit picture man lang tungkol sa show aside duon sa backstage picture na pinost mismo ni Alden sa instagram niya. She was about to give up pero nunf ika 3rd day, ayun na nga, may nagpost na sa youtube ng video kung saan eh kinakanta ni Alden ang bago niyang single. Hindi mapigilan ni Yaya ang pagsmile ng malaki dahil kahit pinapanuod at pinapakinggan niya lang kumanta si Alden, eh feeling niya hinaharana siya nito ng harap harapan! "Magkikita at makikilala rin kita, Alden!" Bulong ni Yaya sa sarili habang nakasmile pa rin. Pagkatapos mapanuod ang video eh nag sign in si Yaya sa kanyang twitter account (oh diba, sosyal!) at nagtweet ng: "Salamat sa nagupload ng video ni @aldenrichards02 na kumakanta sa mallshow niya nung Sept. 7, 2015! 😊❤️." Pagkatapos magtweet eh balik na naman si Yaya sa gawaing bahay. Pagkatapos nila maghapunan ni Lola eh chineck ulit ni Yaya ang twitter niya, laking gulat niya ng malaman na finavorite ni Alden ang tinweet niya kanina. "Ahhhh!!!!! OMG!!" Sigaw ni Yaya. Dali dali naman siya pinuntahan ni Lola dahil baka napano na ito. "Yaya, anong problema? Bakit ka sumisigaw?" Nag-aalalang tanong ni Lola. "Sorry po, Lola! Finavorite po kasi ni Alden yung tinweet ko kanina." Excited na sagot ni Yaya habang pinapabasa niya kay Lola ang tweet. "Ano ka ba naman, Yaya! Ginulat mo ako, akala ko kung napano ka na!" Sabi ni Lola matapos basahin at pakinggan ang explanation ni Yaya tungkol sa twitter. Si Yaya ngumiti at nag peace sign na lng kay Lola para mapatawa niya ito. "O siya, Yaya, magpahinga na tayo dahil bukas, dadalaw si Frankie kasama ang mga magulang niya. Magbrebreakfast tayo kasama sila." Sabi ni Lola na nakangiti. Yaya was confused pero sumunod na lang siya kay Lola. Hinatid niya muna si Lola at pinainom ng gamot bago siya nagpahinga. Hanggang sa panaginip eh hindi pa rin makapaniwala si Yaya na napansin ng celebrity crush niya ang tweet niya kaya naman kahit tulog eh nakangiti siya. Maagang nagising si Yaya para maghanda ng kakainin nila gaya ng bilin ni Lola. Pagkatapos magluto eh naghanda na si Yaya para sa pagdating nina Frankie. Mabigat sa kalooban ni Yaya ang pagbisita nina Frankie, hindi dahil hindi niya ito na-mimiss ngunit dahil alam niya na iseset-up lang sila ng mga magulang ni Frankie at pati na rin ni Lola. The truth is, kaibigan or kapatid lang talaga ang turing ni Yaya kay Frankie nuon pa man. Siguro dahil kilala na nila ang isa't-isa dahil magkababata sila kaya parang wala nang mystery.

Aldub: Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon