Prologue

5 0 0
                                    

Prologue (Suplado)

Nandito ako sa school, bago lang ako dito kaya naman nag iikot ikot pa ako para magamay ko ang paikot ikot dito. Nakarating ako sa isang field at dun nakita ko yung mga nag kukumpulang tao habang may malakas na sounds akong naririnig kaya lumapit ako sa kanila.

"Excuse me anong meron?" tanong ko dun sa girl, tiningnan lang nya ako saglit pero di naman nya ako sinagot "Suplada" mahina kong sabi, at dahil sa dami ng tao hindi ko makita kung anong meron kaya naman pilit kong isiningit yung sarili ko para lang makapunta sa unahan.

At dun ko nakita ang limang lalaki na sumasayaw, pero wala akong pakelam sa apat dahil dun lang na focus yung paningin ko sa isang lalaki na nasa gitna nila, naka kulay gray na damit at pawis na pawis na. Ang tangos ng ilong nya ang puti nya ang tangkad nya at ang gwapo nya.

*stop the music*

"Ang galing talaga nila" sabi nung babaeng katabi ko

"Tama ka dyan lalo na si Harry" sabi naman nung kausap nya

"Ayan na papalapit na sila dito, ok na sakin kahit maamoy ko lang yung pawis nila" sabi nung isa kaya napatingin ako sa kanya.

"Waaaahhhhh!" tilian nung mga babae kaya napatingin ako ulit sa mga lalaki, papalapait na ito sa pwesto ko. At nung malapit na ito sakin binangga ako nung lalaking naka kulay gray na damit kaya napaatras ako pero sya tuloy tuloy lang yung lakad kaya naman sinigiwan ko sya.

"Hoy lalaki!" sabi ko pero hindi sya lumingon kaya naman hinila ko yung damit nya mula sa likuran nya kaya napahinto ito at napatingin sakin.

"What?!" pagalit nyang sabi

"Wow ikaw pa itong may ganang magalit eh ikaw na nga itong nakabangga sakin! Hindi ka man lang ba mag sosorry ha?" sabi ko

"Sorry? Ano yun? Absent ata ako nun nung pinag aralan yun" sarcastic nyang sabi

"Baliw ka ba parang sorry lang hindi mo pa alam?" inis kong tanong sa kanya, pero tiningnan lang nya ako ula ulo hanggang paa.

"Bago ka lang nuh?" tanong nya nag nod ako sa kanya "Kaya pala, sa susunod wag mo na ako kakausapin maliwanag?" sabi nya pag tapos nag lakad na ulit sya paalis

"Aba hindi man lang talaga nag sorry" sabi ko

"Sya si Harry, walang masyadong kumakausap sa kanya dito dahil never nyang pinapansin yung mga kausap nya. Suplado yan kaya swerte mo dahil kinausap ka pa nya kahit saglit lang" sabi nung babae napatingin naman ako sa kanya. "Ako si Erika" pakilala nya

"Ah, ako si Nicole" sabi ko tapos nun nag shake hands kaming dalawa

Harry pala pangalan nya, pogi nga sya pero suplado naman.

***

Itutuloy...


Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon