Chapter 2 (Meet Shin and Allen)
Nicole POV
"Oh kain na us" sabi ni Erika pag tapos nilapag na nya yung mga dala nyang pag kaen
"Salamat sa libre ha, nakakahiya naman sayo" sabi ko
"Naku wala yun" sabi nya tapos umupo na din sya
"Hayaan mo bukas libre ko naman" sabi ko
"Oo ba gusto ko yan" sabi nya nung isusubo na sana nya yung sandwich bigla nalang yun inagaw ng kuya nya
"Akin nalang toh" sabi ni Enzo pag tapos umupo na din sya pati na din si Ace at yung dalawa pang lalaki na kasama nila kanina
"Kuya naman eh basto ka kamo" -Erika
"Nagugutom ako eh" -Enzo
"Eh bakit di ka nalang bumili dun" -Erika
"Tinatamad ako saka ang dami naman pag kaen dito oh, ano uubusin nyo lahat toh?" -Enzo
"Oo may problema?" -Erika
"Ang takaw mo talaga hindi ka naman nataba" sabat ni Ace
"Eh kung isaksak ko kaya sayo tong tinidor" sabi ni Erika sabay amba kay Ace
"Uy wag yan di ako mamatay dyan" natatawang sabi ni Ace
"Ewan ko sa inyo, bakit ba nandito kayo ha? Kala ko ba may practice kayo?" tanong ni Erika
"Wala eh biglang nawala si Harry di namin alam kung saan pumunta, alangan naman na kami lang mag practice" sagot ni Ace "Penge ako ha" sabi ni Ace sakin sabay kuha ng fries na kinakaen ko
"Oh tingnan mo toh pati pag kaen ni Nicole kinukuha mo" -Erika
"Nang hingi naman ako ha, saka ok lang naman diba?" tanong ni Ace sakin
"Oo naman, ito gusto mo sayo nalang?" sabi ko sabay bigay sa kanya nung fries
"Ay hindi sayo na yan" nakangiti nyang sabi
"Wala bang panulak dyan?" tanong ni Enzo
"Tulak kita kuya gusto mo?" sabi ni Erika kaya naman pinitik sya sa tenga ni Enzo "Aray ha, susumbong kita kay mommy"
"Sumbong mo" sabi nalang ni Ace
"Ahm hindi din ba kayo nag sasalitang dalawa?" tanong ko dun sa dalawang lalaki na kasama nila kaya naman napatingin silang tatlo dun sa dalawa, yung dalawa naman nag katinginan nalang.
"Nag sasalita" sabi nung isa
"Ah, so katulad din kayo ni Harry na madalang lang mag salita?" tanong ko
"Hindi" sagot naman nung isa
"Eh bakit ang tipid nyong mag salita? Saka kayong dalawa lang yung hindi nag sasalita dyan" tanong ko
"Haha wag mo na pansinin yang dalawang yan, sa barkada namin yang dalawa yan ang maingay at magulo" sabi ni Ace
"At maloko" dagdag naman ni Erika
"Ganun?" -ako
"Oo may pustahan lang kasi kami kaya hindi silang dalawa nag sasalita" sabi ni Enzo
"Ah..." sabi ko nalang
"Im Shin" sabi nung isa sabay lahad ng kamay nya
"Nicole" aabutin ko sana yung kamay nya pero pinigilan yun ni Ace
"Oooppsss, wag kang mag tatangka na hawakan yan dahil baka maging isa ka sa mga babae nyan" sabi ni Ace kaya tiningnan naman sya ng masama ni Shin
"Ako naman si Allen" pakilala nya sabay lahad din ng kamay at katulad ng kay Shin aabutin ko din sana yung kamay nya pero si Enzo na yung pumigil sakin
BINABASA MO ANG
Be The One
Random"Wish i may, wish i might find a way to your heart wish that i'll be the sun to warm you all trough your life wish you may feel my love that is hidden in the stars wish i may, wish i might BE THE ONE" *** (Credits sa may ari ng picture)