Chapter 3 (Hi!)
Nicole POV
Pag uwe ko sa bahay nadatnan kong bukas lang yung gate at nasa garahe na din ang kotse ni kuya.
"Kuya!" Tawag ko sa kanya sabay katok, pero walang nasagot "Oy kuya buksan mo yung pinto yuhuuuu!" Sabi ko habang nakatakot, pero wala talagang nasagot.
Pinihit ko yung doorknob pero nakalock talaga yun. Kaya kinuha ko yung phone ko at tinawagan sya, pero di nya din sinasagot yun.
"Aysh si kuya talaga oh" sabi ko sabay kamot sa ulo. At dahil walang balak ang kuya ko na buksan yung pinto dadaan nalang sa ginawa kong daanan... Sa may bintana ng kwarto ko.
Pero nasa second floor yun kaya kailangan ko pang umakyat dun sa puno na ginawan ko pa ng akyatan.
"Buti nalang talaga naisipan ko tong gawin. Masyado kasing bingi yun si kuya eh. Paano ba yan wala ng atrasan toh" pang kukumbinsi ko sa sarili ko, bago ako umakyat huminga muna ako ng malalim.
Pag dating ko sa dulo tumungtong na ako sa may bubong at binuksan yung bintana ng kwarto ko pag tapos pumasok na ako sa loob.
"Para akong akyat bahay ha" sabi ko habang inaayos ko yung sarili ko. Nung isasara ko na yung bintana napansin kong may naka hintong sasakyan sa tapat ng bahay pero patay yung ilaw sa loob kaya di ko makita kung sino yung nasa loob.
"Hoy!"
"Oy!" Napaigtad ako ng biglang mag salita si kuya.
"Sino tinitingnan mo dyan?" Tanong nya tapos sinilip nya din yung tinitingnan ko
"Ayan oh" turo ko sa sasakyan pero pinaandar na nya yun paalis
"Sino yun?" Tanong nya
"Hindi ko alam" sagot ko "Teka kanina pa ako kumakatok ha di mo ba ko naririnig?" Tanong ko
"Naririnig"
"Eh bakit di mo ko pinag buksan ng pinto?"
"Kasi nakita kong may ginawa kang daanan dyan sa puno, sinubukan ko lang kung magagawa mong pumasok dito sa pag daan mo dyan"
"Ganun? Eh paano kung nag kamali ako at nahulog ako ha"
"Edi dadalhin kita sa hospital problema ba yun?" Sabi nya tapos nag lakad na sya palabas ng kwarto ko
"Grabe ka kamo sakin" sabi ko
"Ang sweet ko nga eh, sige na mag palit ka na ng damit tapoa bumaba kana agad kakaen na tayo" sabi nya at sinarado na nya yung pintuan.
...
Pag tapos kong mag palit ng damit bumaba na agad ako at dumertsyo sa kusina.
"Kuya anong ulam natin?" Tanong ko habang sya nakaupo at nag sisimula ng kumaen
"Sinigang, bilisan mo mag sandok kana matatapos na ako kumaen"
"Eh bakit kasi di mo ko inintay?"
"Nagugutom na ako eh, nakakapagod mag hanap ng trabaho" sabi nya. Nung nakapag sandok na ako umupo na din ako, mag kaharap kaming dalawa.
"Bakit kasi ayaw mong tanggapin nalang yung alok ni lola na trabaho?" Tanong ko
"Naku ayaw ko masyadong srikta yun si lola. Ok na yung tinaggap natin tong bahay na bigay nya pero wag lang yung trabaho na alok nya" sabi ni kuya sabay subo ng kanin
Matagal na kasing patay ang magulang namin, bata palang ako nung nawala sila kaya si lola na halos nag palaki samin, pero dahil nga masyadong strikta si lola eh mas ginusto nalang ni kuya na wag na kami tumira kela lola. Kaya ito lumipat kami ng tirahan dito sa Manila.
"Kamusta naman pala sa school mo maganda ba?" Tanong nya
"Oo, maganda at malaki sya"
"May kaibigan ka na ba dun?"
"Yup isang babae at limang lalaki" ooppss di ko nga pala kaibigan si Harry kaya apat na lalaki lang dapat "Mali pala apat na lalaki lang pala"
"Mas madami pang lalaki ha, ikaw umayos ka ha, sabi nga nila study first later pabebe"
"Oo na kuya Nate alam ko na yun" sabi ko
"Good, paano matutulog na ako good night" sabi ni kuya pag tapos tinap nya yung balikat ko at nag lakad na sya paakyat sa taas
"Ok at dahil wala na si kuya uubusin ko na tong lahat" nung isasalin ko na sana sa plato ko yung lahat ng ulam bigla nalang may humawak sa kamay ko kaya natigilan ako
"At isa pa nga pala, hindi ka pwde kumaen ng marami dahil ayoko ng mataba ka" sabi ni kuya pag tapos kinuha nua yung bowl ng ulam
"Kuya sayang naman yan kung hindi mauubos" sabi ko
"At sino naman nag sabing di ito mauubos ha?" Sabi nya pag tapos sinimulan nyang kainin yun
"Kuya naman eh ang daya mo" sabi ko sabay pout. At dahil wala na akong magagawa inubos ko nalang yung pag kaen sa plato ko.
***
Kinabukasan....
Habang nag lalakad ako papunta sa room namin, nakita ko si Harry na nakasandal sa pader habang busy syang nakatingin sa phone nya. At dahil classmate ko naman sya lumapit ako sa kanya.
"Hi" nakangiti kong bati sa kanya kahit na alam kong maiinis sya kapag nakita nya ako.
"Hi" bati din nya sabay tingin sakin. Nanlaki yung mata ko nung nag hi din sya, at sya naman halatang nagulat din sa pag hi nya sakin dahil nanlaki din yung mata nya at umiwas sya ng tingin sakin
"Wow! Totoo ba yun nag hi ka din sakin?" Hindi ko makapaniwalang tanong
"Shut up" sabi nya pag tapos nag lakad na sya
"Uy saglit lang!" Sabi ko at sumabay ako ng lakad sa kanya
"Pwde bang lumayo ka sakin" sabi nya
"Sasabay lang naman akong pumasok sayo sa room tutal mag classmate naman tayo eh" huminto sya sa pag lalakad at tumingin sya sakin, yung mata sa mata talaga. At dahil medyo naiilang ako sa kanya umiwas ako ng tingin.
"Wag mo na akong susundan" sabi nya pag tapos nag lakad na sya ulit.
"Ang sungit sungit! Nakakagigil" sabi ko
"Haha, ang cute mong mang gigil" napatingin naman ako kay Ace at kasama nya si Enzo at si Erika
"Kanina pa kayo dyan?" Tanong ko, lumapit naman sila sakin
"Hindi, pero nakita kong pinag sungitan ka nya" -Ace
"Oo nga eh" sabi ko
"Masanay kana sa kanya" sabi ni Enzo
"Siguro nga dapat na akong masanay sa kanya lalo na at seatmate ko pa sya"
"Tama tama, bakit mo pa ba kasi sya kinausap?" Tanong ni Erika
"Eh nag hi lang naman ako sa kanya, tapos nag hi din sya sakin kaya sumunod ako sa kanya" pag kasabi ko nun nag katinginan silang tatlo at saay sabay na tumawa "Eh anong meron?" Tanong ko
"HAHAHA! Si Harry mag h-hi sayo? Eh samin nga miski hello hindi nun masabi eh" sabi ni Ace
"Tama HAHAHA, may sakit ka ata eh" sabi naman ni Enzo
"Hala hindi ako nag sisinugaling sinabi nya talaga yun" sabi ko
"Hahaha alam mo Nicole kaen nalang tayo baka gutom lang yan" sabi ni Erika pag tapos hinila na nya ako
"Pero sinabi nya talaga yun" pag tatanggol ko sa sarili ko
"Oo na Nicole, hahaha!" Tawang tawa pa ding sabi ni Erika.
Bakit kaya ganun? Ayaw talaga nilang maniwala sakin? Ganun ba talaga kaseryoso yun si Harry na miski hello eh hindi nya masabi sa kanila? Wow, ngayon lang ako nakakita nga ganung tao ha. At isa pang poging nilalang ang mukang may tama pa sa utak, haha!
***
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Be The One
Random"Wish i may, wish i might find a way to your heart wish that i'll be the sun to warm you all trough your life wish you may feel my love that is hidden in the stars wish i may, wish i might BE THE ONE" *** (Credits sa may ari ng picture)