Pers Lab.

83 1 0
                                    


Bakit nga ba ang daming nagpapaka-tanga sa pag-ibig? Kung iisipin mo, parang maiin-love ka sa taong ni hindi mo kilala sa umpisa. Stranger in disguise ang peg.

GETTING TO KNOW EACH OTHER stage ika nga.

Magsisimula sa isang ngiti, susundan ng malagkit na titig ng mata, tapos kikiligin ka. . .

Anyare?...

Aminin mo nangyari ito sa iyo noong bata ka pa at (siguro nangyayari parin ito sa iyo hanggang ngayon. :) )

Nung bata ako, iniisip ko kung ano ba ang pag-ibig. Pano ba yun? Ano ba ang pakiramdam ng in-lab? Bakit madaming quotes sa cellphone ko tungkol sa pag-ibig?

Isip... isip... isip...

Hindi ko alam kung ano ba ang kahulugan ng pitong letrang yun...

Hangang sa nagka crush ako...

Naaalala ko ang pinaka una kong crush. Cute na cute ako sa kanya. Kamukha niya kasi si Spencer Reyes.

Grade 4 ako nun at usong uso pa ang kanta na:

Di makatulog sa gabi sa kaiisip...
Sa diwa ko ikaw ang aking panaginip...
Oh bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip koooo...

Kaba.

Kinakabahan ako noon. Tandang tanda ko yung feeling na heaveeenn pag nakikita ko siya. Nagkakaklase kami. Napapasulyap ako. Hinihintay ko na tumingin siya sa akin. Hinihintay ko na mahuli niya ako, at pag nahuli nya 'ko, bigla akong susub-sob sa armchair ko.

Naalala ko din na sinisilip ko siya sa labas ng classroom, nung biglang sabi sakin ng classmate ko na:

"Huy!Lumabas na siya!"

Bigla akong tumayo, and next thing I know, may nahulog na fire extingusher sa ulo ko, sabay tanong ng classmate ko:

"Huy. Ok ka lang?"

Timang lang.

Ganun nga ba yun?

Ung nanlalamig ka, at parang tumataas ang balahibo mo pag nandiyan na siya. Yung taranta ka na magpa-impress.

Sabi ng nanay ko, wag ako ma-inlab. Unahin ko daw ang pag-aaral dahil magiging sagabal lang daw yun. Sa isip ko, bakit magiging sagabal? Pipigilan ba nya yung Math teacher ko na bigyan ako ng magandang grades?

Hindi ko alam ang sinabi sakin na yun ni nanay... dahil sa totoo lang inspired akong pumasok araw-araw para lang makita siya. Ang lalim ng sinabi ni nanay para sa mura kong utak.

Oo. Minsan ang pag-ibig, may magandang idinudulot. Hindi man ito nakikita ng iba, pero ikaw mismo, nararamdaman mo ang epekto. Naiinspired ka sa lahat ng bagay, natutuwa ka sa maliliit na detalye, na kahit maamoy mo lang kung ano yung pabango na ginagamit nya, o kaya brand ng t-shirt na sinusuot nya, minsan kahit balat ng kendi na itinapon nya, kukunin mo at isisipit mo sa pagitan ng mga libro mo. Hindi sa obssess ka. Yung essense kasi nung taong yun yung nandon sa kendi, kaya naman nung natapos ang school year, sinermonan ako ng nanay ko dahil nilalanggam ang mga libro ko.

Siguro masyado lang akong na-adik sa mga Disney movies, kung saan ililigtas ng prinsipe ang prinsesa nya mula sa mga masasama and they will live happily ever after.

Ngayon ko lang naisip... ngayong pagtanda ko... na puro kasinungalingan ang lahat nang yun.

#walangporeber

Akala ko ganun kadali humanap ng prinsipe. Akala ko madali main-lab sayo ang natipuhan mong prinsipe. Akala ko meron talagang happily-ever-after...

#walangporeberngadiba

Dumating yung panahon na may nagka-crush sakin... Baligtad naman ngayon... akala ko magugustuhan ko yung feeling, kaso hindi... andun yung pakiramdam na hindi ka makagalaw pag nandiyan siya kasi alam mo tinitingnan niya ang bawat galaw mo, yung tipong pag makakasalubong mo siya, ikaw pa yung magtatago sa kanya, yung tipong ayaw mo makikita ka ng mga classmate mo na nakakasabay mo siya kasi iintrigahin ka nila... Oo, uso na ang chismis sa gradeschool.

#hindikitatype

Highschool.

Feeling dalaga at binata na ang mga tao dito. Awkward stage din ng paglaki ng isang tao. Bukod sa mga itinuturo ng mga kwela mong teacher na minsan pasimuno pa sa kalokohan, dito mo matututunan kung pano makipagkaibigan, kung pano magka boyfriend/girlfriend, kung pano manligaw, kung pano mag adjust sa mundo, at ang huli...

kung babae ba talaga o lalake ang gusto mo.

#confused

Mahirap pag ikaw lang ang single sa barkada nyo. Ang magiging role mo ay:
Taga-bantay.
Taga-awat.
Taga-pagligtas ng inaapi.
Taga-kuha ng picture.
Taga-bigay ng tissue sa nagdadrama.
Taga-absorb ng kwento ng kaibigan mo tungkol sa kanila ng bf/gf niya.
Taga-pagbati.
Taga-hatid ng lab letter,roses etc.

Deep inside, nakakainis. Yung tipong hindi makaramdam ang kaibigan mo na halos gusto mo na siyang jombagin sa ginagawa sau, halo-halong emosyon at tanong ang kumakain sa pagkatao mo... kung negative thinker ka, naisip mo ang mga tanong na to:

Bakit sila lang?
Bakit hindi ako?
Hindi ba ako maganda/gwapo?
Mas lamang ba sila sa paligo kesa sakin?
Mas may 'K' ba sila?

Hindi lahat ng tao ay pinagpala sa pag-ibig. Hindi lahat ng tao nakakahanap ng partner nya, minsan dumadating yung iba pag nasa tama nang panahon, yung iba naman dadating ng sobrang aga, at iiwan ka lang. Mabuti nang maghintay at hindi magmadali, kesa sa ipilit ng maaga at madapa ng BONGGA.

Tandaan,

Magkaiba ang Type mo na, sa Lab mo na.

Minsan akala mo MAHAL mo na, yun pala na-aattract ka lang sa pisikal na katauhan nya o sa pagiging mahiwaga niya. Merong mga taong ang lakas ng sex appeal kahit hindi kagwapuhan o kagandahan. Merong iba na nakukuha sa pabango, sa make-up, yung iba nakukuha sa galing nila magsalita, ung iba idinadaan sa pambobola. Sa iba naman, nakukuha sa yaman o dami ng gadgets o kotse na meron sila. Bihira ka ng makakakita ng taong tama ang timpla, parang kape, hindi lang 3-in-1, minsan, all-in-one, my kasamang kape, asukal, gatas, ginseng at mushroom (at vitamins pa pampahaba ng buhay)

#YouAreTheBestINeverHad

Pag-ibig 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon