Oo, BASE yan.
Pag may natipuhan ka, hindi mo maiiwasan na hindi mapangiti pag nakikita siya, o manlamig ang mga kamay at paa pag nandiyan na siya. Parang tumitigil ang mundo pag kasama mo siya at wala ka ng ibang hahangadin kundi huwag matapos ang oras na iyon na magkasama kayo.
Ang tanong..
Pano mo siya lalapitan? Pano mo siya kakausapin?
#Torpedo
Ang pinakamahirap na stage kung tinamaan ka sa murang edad eh yung pag-iisip mo sa kanya araw-araw
Dahil sa murang edad palang, stress ka na.#kawawangbata
Pag naranasan mo na ipikit ang mga mata mo pero gising parin ang diwa mo, at ang tanging imahe na nakikita mo eh ang mukha nya, dyan mo na kelangang gawin ang THE MOVES.
Ano ang The Moves?
Pag-magkakasabay kayo sa jeep ni ate/kuya na crush mo, unahan mo sya sa pagbabayad, sabay sabi ng
"Dito ka din pala sumasakay."
O kaya naman,
"Uy, ako na, bertdey ko ngaun."O,
"Manong!bayad!dalawa!..(sabay) Hi. I'm <insert name here>. Lagi kita nakikita dito. Anu name mo?"#suavemoves
Dapat kalmado, presence of mind, at may back-up plan ka pag sumablay ang suave moves mo.
"I don't talk to strangers."
"I'm no stranger, I'm <insert name>. What's your name?"
"Wtf..i said I don't talk to strangers."
"Pano mo ko makikilala kung hindi mo ko kakausapin??"
"..."
"Want my number nalang?"
#pushmoyante
Yung ibang ligaw moves, o The Moves, kung torpe ka, idaan mo sa makabagong teknolohiya ngayon katulad ng paggamit ng cellphone at online accounts.
"Hi cn u b my txtm8?"
"Hu u?"
"I'm d man of ur dreams."
<walang reply>
"Haha! C <insert name> 'to! Hehe nkuha q num m kay <insert name ng kaibigan na walang kaalam-alam>. Kamusta? =D"
Effective. Dahil una, dahil sa kakornihan mo, mawawala ang gap, ice-breaker ba. Wag lang sobrahan.
Ingat-ingat lang sa mga mapagpanggap, lalo na kung makikipag eyeball ka:
"Tol sandali lang, nakapula daw siya at naka-shorts, pupuntahan niya nalang daw tayo."
"Sabihin mo nasa tapat tayo ni Jolibee."
After several minutes may lumapit na nakapulang t-shirt at shorts..
"Kayo ba ang ka-eyeball ng anak ko??"
O kaya..
"T*** pare, girlfriend ko pinapatos nyo! Gusto nyo suntukan tayo??"At ang malala..
"Inay?? kayo si Sherley-meow??"Alalahanin, kung makikipagkita ka, magbaon ng magandang motibo, at ikaw ang magtanong kung nasan siya, para maiwasan ang mga bagay na'to.
Sa online accounts naman gaya ng pinakasikat na Facebook, magparamdam ka sa pagla-like ng mga picture nya.
Like.
Like.
Like.Mage-gets niya na you want to know him/her better.
Like.
Like.
Like.#likepamore
Pero huwag adik sa pagla-like. Dahil baka hindi admirer ang kalabasan mo.
#stalker
#creepy
#block
#unfriendKung may girlfriend/boyfriend na siya, at halos wala ng pag-asa dahil sobrang torpe ka, dapat updated ka sa mga nangyayari sa newsfeed nya, dahil dito ka makakakuha ng mga tamang impormasyon (samahan mo na din ng hiling na sana it's your turn na):
>Listening to "Gotta go my own way by HSM3." (AUG 29, 2015)
>Post:Distance is keeping you apart from me, but I know someday, we will be happy. #crying #ihatethisfeeling #iguess (OCT 12, 2015)
>WALA NA................... #brokenhearted (APRIL 4, 2016)
>Post: Bakit lagi mo nalang ako ginaganito? (JUNE 15, 2016)
>Listening to "Unfaithful by Rihanna." (JULY 21, 2016)
>Post: Ayoko na! (JULY 23, 2016)
>Post: Sorry. (JULY 23, 2016)
>Life Event: Pabebebabe ended relationship with Sakuragi (Just Now)
Timing is very important. Huwag sumunggab agad sa pakikipagrelasyon sa kanya pag nakakita ka ng ganitong tsansa.
#wagkangexcited
Dapat kaibiganin mo ang friends niya, para maconfirm ang mga nakikita mo. Pag-inapruban kana ng mga friends nya, sunod mong kaibiganin ang aso nya, o ang katulong nila, o kaya naman ang mga kapitbahay nila.
#boynextdoor
Dapat din meron kayong common interest, kung sporty sya, magpaka-sporty ka rin, kung gamer sya, laruin mo din ang nilalaro nya, pero dapat paimpress ka:
>I need reinforcement troops. 1min ago
>You donated Level 4 dragon.
>Thank you kuya!
>hehe wc <kilig kilig>
> I need reinforcement troops. 15 min ago
> You donated Level 6 Wizard.
>Bait mo tlga kuya. ;)
>wag mo na ko twaging kuya.:) <ngiting hanggang tenga>
>I need reinforcement troops. 15 min ago
>Kuya?
>Kuya?
>teka, nagluluto pa'ko ng troops. Ano ba kelangan mo?:) <feeling Wonderboy>
#coc
Minsan mahirap talaga magmahal, dahil yung ibang tao, inaabuso na ang pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila, akala nila hindi natin napapansin na inaabuso na nila tayo, pero ang totoo nyan, hindi lang tayo umiimik o nagsasalita, dahil ayaw natin silang masaktan, kahit gusto mo ng ipamukha ang mga ginagawa nya sa'yo at ang mga ginagawa mo para sa kanya, hindi mo magagawa na sagutin siya o saktan siya... MAHAL MO EH! Ganun talaga pag nagmamahal, mahirap pag nasasaktan pero titiisin mo kasi alam mo na that person completes you.
#martyrnyebera