Pusong Bato.

29 1 0
                                    

Naranasan mo na ba ma-stuck sa friendzone?

Simula bata palang kayo magkasama na kayo; mula sa paliligo, pagkain, sa agawan-base, sa langit lupa, hangang sa magdalaga at binata na kayo; ikaw ang partner nya sa sagalahan, kasal, ang ika-18th rose nya sa debut, ikaw palagi ang hila-hila nya, kahit sa pag-aapply ng trabaho. Ikaw ang number 1 fan niya, at ganun din siya sayo. Halos kulang nalang magkapalit kayo ng mukha... Pero hindi kayo official na mag-jowa.

#itscomplicated

Pero bakit ang hirap magsabi ng totoong nararamdaman mo?...

Takot?
Hindi siguro..
Pride?
Hindi rin..

Siguro sa madaming posibilidad na pwedeng mangyari sa inyong dalawa, na halos naooverwhelmed ka, kaya mas gugustuhin mong tumahimik nalang.

Oo.

Maghintay ka ng himala.

#paasa

Ilang taon mo na siyang kilala. Alam mo kung ano ang ika-babadtrip nya, ano ang ikasasaya nya, ano ang gusto niya.

Walang masama kung ang mamahalin mo eh ang kaibigan mo, mahirap lang kung ano yung magiging reaksyon niya sayo pag sinabi mo.

#iknowright
#ikr

Kung mahal mo, sabihin mo sa kanya. Mas okey nang mabasted kesa sa ilihim mo habang buhay. Mas mabuting malaman nya kasi malay mo mahal ka din nya, hindi niya lang sinasabi sayo dahil ikaw ang hinihintay niya. Kasi, kung titingnan mo, kahit paikut-ikutin pa yan, magsisisi ka kung magsisisi ka, at sasaya ka kung sasaya ka.

#comewhatmay

Pag sinabi mo ang:

"Wag ka mabibigla ha, may aaminin ako sayo... I love you <insert name nya>. Matagal ko nang tinago eh kaso nahihiya ako sayo."

Sa pandinig ng babae, kahit gano kahaba explanation mo, isa lang ng narinig niyan, yun yung katotohanan na type mo siya.

At heto ang ilang ang posibleng sagot diyan ng mga babae:

>"Alam ko na, matagal na, I love you too! <insert throwback ninyong dalawa>"

>" Sorry, pero hindi pa ko handa. <insert isang tambak na dahilan>."

>"Pag-iisipan ko muna. <insert poker face>

>"Sorry, pero kakasagot ko lang kay<insert name ng karibal na matagal na niyang kinukwento sa'yo>

>"How dare you! All this time nagpapanggap ka lang?? I thought you were my friend!? <insert drama>"

Oo. Kahit anong sabihin mo, kung hindi kayo meant to be, hindi kayo meant to be, ganun lang yun. So better take the risk kesa magmukmok ka habang buhay. Huwag isipin na sayang ang pagkakaibigan, dahil kung tunay siyang kaibigan, maiintindihan din niya ang side mo na hindi mo kasalanan na na-develop ka sa kanya. Sino ba namang tao ang hindi madedevelop kahit papano sa kaibigan niya kung halos kulang nalang magkarelasyon talaga sila?

#bitter

Mahirap din pag ang crush mo, o ang love-of-your-life mo eh walang pagtingin sayo. Nagpaparamdam ka pero parang multo ka sa paningin niya. Kung magpaparamdam ka, utang na loob, yung obvious naman.

Day 1:
" Uy. Crush ka daw ni <insert name>"

"Ah.. okey.....(?)...."

Day 56:
" Uy. Bakit hindi mo pinapansin?"

"Ha? Hindi naman nalapit ah."

Day 109:
"Uy. Bakit mo binasted??"

"Ha?? Hindi naman nanligaw ahh!"

Sa mga kalalakihan, ang pangliligaw ay dapat direct to the point at hindi pa-mysterious. Magpa-mysterious ka pag sa'yo may nagkakagusto, pero kung ikaw ang nagkakagusto, dapat visible ka, at standout ka sa lahat ng lalake sa paningin ng tipo mong babae.

At sa mga babae naman, wag kang manhid. Hindi madali magparamdam, hindi madaling kausapin ang mga barkadang lalake para back-upan ang gusto manligaw sayo, kasi may takot sa isip nila na baka ang magustuhan mo eh ang kabarkada nya.

#friendshipover
#FO

Huwag magkagulo sa isang lalake o babae para maiwasan ang karibal at para sa world peace. Tandaan, madaming tao sa mundo, hindi katapusan ng mundo kung may nauna na sayong manligaw o kung ang kabarkada mo ang nagustuhan ng crush mo. Hindi lang siya ang tao sa mundo. After 10 years, pramis, mapapaisip ka kung bakit naging crush mo siya. So let it go.

Dumadating din tayo sa point na may standards tayo sa taong gusto natin makasama habang buhay. Madaming tao sa mundo, pwede kang mamili sa variety ng lahi, sa mga taong nakakasama mo araw-araw, sa chiks sa kabilang kanto o sa opisina nyo, sa mga number sa phonebook mo o sa bus, o sa yearbook, etc.

Kung gagawa ka ng standards mo at gusto mo siyang idate, isaalang-alang mo kung sino ang karibal mo, monetary value ng wallet mo, at ang facial value ng mukha mo. Hindi masama ang mangarap, pero dapat makabuluhan ang pangarap mo para may patutunguhan. Realistic, hindi imaginary. Mahirap mabigo sa pag-ibig, mahirap mabasted, mahirap maghanap ng bagong matitipuhan.

Iwasan ang kasabihang: collect, collect, and then select.

Ano ka, sinuswerte?

Walang tao ang gustong maging second option. Kung gagawin mo'to, siguraduhing hindi malalaman ng mga taong yon ang ginagawa mo, or else, sila ang aayaw sayo, at ikukwento ka pa sa mga kaibigan nila, sa magulang nila, hangang sa dumami ang haters mo.

#wagkangchoosy
#overconfident
#playboy
#playgirl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon