#Four- Dakilang Assumera

4 1 0
                                    


KINA-UMAGAHAN (ALZAHEM U.)

Para akong lasing naglalakad sa hallway. Hindi naman ako naglasing pero para akong may hang over. Alam niyo kung bakit? Tss.

Hindi ako nakatulog dahil sa takot ko kagabi. Huhuhu.

(Balik tanaw nangyari kagabi)

Nasa sala ako at busy kakanood ng tv. Nag-aapartment lang ako kasi taga-probinsiya lang ako atsaka hindi na problema ng parents ko ang tuition ko kasi isa akong dakilang iskolar. Hehehehe. Matalino kasi ako sa math lang hindi. Hahaha.

Nakakakilig ang episode ngayon ng On the wings of love. O My God. Para akong inaatake ng epillypse dahil sa kilig. Hahaha. O my ! Why your so hoy James. I really Love JaDine. ♡♡♡

Sheemay! Tapus na agad . Tss. Nakakabitin. Alam niyo wala na talaga akong absent sa kakanood nito. Sana nga ma-awarda na ko. Tas ang premyo eh makasama ang JaDine. Yeeeeeehhh. Hehehe.

Yun nga tapus na ang OTWOL. Eni-off ko na ang tv. Saka nilinis ang sala at dinoble check ang bintana at pinto kong lock na. Ayun. Lock naman kaya pumunta nako sa higaan ko at nahiga na.

Zzzzzzzzzzzzz.......

Huhuhuhuhuhuhu.hekk.huhuhuhu.hekk.

Hmmm. Ano yun? Ilang minuto palang akong nakatulog may naririnig nakong iyak???

Iyak??

Nabalikwas ako agad ng bangon saka tiningnan ang paligid ko. Pero wala namang tao saka ang tahi-tahimik. 'Baka guni-guni ko lang yun' sabi ko sa sarili ko. Kaya nahiga na ulit ako para matulog.

Huhuhuhuhu.hekk.huhuhuhu.hekk

Minulat ko ang mata. Nakarinig na naman ako ng iyak. Ano ba ?
"Sino yan?" Tanong ko kung sino man yung nantitrip sakin. "Ano ba? Wag mo akong pagtripan? Gabing-gabi na . Bukas ka nalang mangtrip . Please!" Naiiyak nako dahil sa takot. Nagmamakaawa naku sa kung sino man yung nantitrip sakin. Kasi nilibot ko na ang paligid wala namang tao . Saka wala na din yung ingay.

Ginagawa talaga akong gago nito ba. Ano ba inaantok naku.! Huhuhuhu.

Bumalik naku sa kama ko para bumalik sa pagtulog. Hindi ko na pinatay ang ilaw kasi natatakot ako. Baka may biglang sumulpot sa harap ko. Pumikit nako pero ang diwa ko gising pa din parang hindi nako makatulog dahil sa kaba at takot. Alam niyo yun? Yung feeling mo na kung matutulog ka may aataki sayo bigla at patayin ka. Huhuhu. Wala naman sana.

Booooogsssshhhhh!

"Waaaaahhhhhh!"napasigaw ako ng malakas nung may narinig akong bumagsak sa may sala ko. Nagulat ako at dali-daling kinuha ang arnes ko. Nanindig bigla mga balahibo ko sa katawan. Nanginginig ang buo kong katawan natatakot akong tingnan ang sala. Baka makita ko ang kinatatakutan ko. Huhuhu

"Cheska. Kaya mo yan. Nandiyan si Lord. Magdasal ka lang." Bulong ko sa sarili ko habang me hawak-hawak na arnes sa kamay. Meron ako niyan kasi last year ang p.e namin ay arnes. Magagamit ko din pala to. Mabuti hindi ko tinapon.

Dahan- dahan nakong lumabas ng kwarto. Pero nanginginig pa din ang katawan ko.

"Waaaahhh." Patalon at pasigaw akong lumabas ng kwarto. Kaya lang wala namang tao dito sa sala at wala ning gamit na nahulog. Kayaaaaa......

"Aaaaaaahhhhhhh!" Pasigaw akong nagtatakbo papunta sa kwarto at nagtalukbo ng kumot. Naiiyak na talaga ako. Ano ba naman ito? Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi na talaga ako makakatulog nito. Huhuhuhuhu

Welcome To Alzahem MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon