Yune Shi Speaking
Bat kasi hindi niya pa sinabi kanina balak niya siguro talaga kong pahirapan. Naku! bwiset ka Shao! pasalamat ka natitiisan ko pa ngayun yang kapogian mo. Kung hindi lang talaga! AAAY!
"Asan dun?" tanong ko sa kanya
"Sa trunk nga diba..nabingi ka na ba?" sagot niya saken at aba nagtataray na siya ngayun aghh
"Suse!" sabe ko sa kanya
"Oh ayan! baka pwede mo pang bilis bilisan kumilos." sabay hagis niya sa malayo nung susi
"Bat mo tinapon dun?" tanong ko sa kanya
"Para umalis ka na sa harapan ko..Ano ba dadakdak ka lang dyan?" sabi niya
Padabog kong pinulot yung susi at pumunta sa parking area. Nakita kong andami dami pa lang kotse dun. Hindi ko alam kung asan yung kotse ni Shao. Nakalimutan ko na yung itsura nun kahit kasasakay ko lang kanina.
"Yune Shi!! ang palpak mo talaga! " sabi ko sa sarili ko
Nagisip muna ko kung san ako magsisimula. May sampung susi sa keyholder na binigay sakin ni Shao kaya isa-isa ko yung pinapasok sa lahat ng kotseng madaanan ko. Andami ng kotse dumadaan, nakakahiya na dahil nagmumukha kong modus sa kakasuksok ng susi sa iba ibang sasakyan. Pinagpapawisan na ko kakaikot sa lugar pero di ko pa rin nahahanap yung sasakyan ni Shao.
May narinig akong paparating na naglalakad palapit sakin. Pag-lingon ko nakita ko si Shao.
"Kanina ka pa dito ah! asan na yung gamit na pinapakuha ko sayo! alam mo bang kanina mo pa ko pinaghihintay!" bulyaw niya saken
"Eh hindi ko kasi mahanap yung kotse mo ......"sabay yumuko ako
"Nakakabwiset ka! alam mo ba yon? bago ka pa lang sa trabaho sakit ka na sa ulo!" sigaw niya saken
"Sorry na kasi .. eh hindi ko nga kas--------"pagpapaliwanag ko sa kanya
"Umuwi ka na....sige na ....ayokong magalit ngayon...ALIS!!!" sabi niya sakin
Wala na kong nasabi sa kanya. Di ko naman talaga kasi mahanap yung kotse nya bat naman siya magagalit sakin. Wala ata siyang pag-intindi. Nakakatuyot ng ugat tong lalaking to! $#*@**@!!
~=~--'-'-'-='-''-'-~ THE PHOTO ~=~--'-'-'-='-''-'-
Yune Shi Seaking
Nakakabadtrip naman ngayon. Shao Xue! napakasunget mo! nakakainis ka!. Pinagpapasensyahan lang kita dahil idol kita......Hayyy ewan telaga!
"Mama andito na ko!" bati ko kay mama
"May ulam na dyan sa kusina, kumaen ka na lang." sabi ni Mma
* For the latest paparazzi chika today! Bagong P.A. hinawakan ang pwetan ni Shao Xue! Naku at bago pa lang eh nakachancing agad sa sikat na artista! Eto ang picture na nakunan sa Orchids Hotel matapos maghire ni Shao ng Personal Assistant niya sa isang job fair. * palabas sa tv

BINABASA MO ANG
One Shot Love Stories(ONGOING)
RomansaNagtitipid ka ba sa bill ng kuryente nyo? Gusto mo nang story na di ka aabutin ng one year sa pagbabasa? ehh kung ganon basahin mo na to! :D