THE BOSS
PINANOOD NI KYRA ang sarili niya sa salamin habang iniipit niya ng maayos ang buhok sa likod ng ulo niya. Bilang isang sales lady, kailangan nilang maging presentable mula ulo hanggang paa. Sleek hair, straight crease-free uniform, and polished shoes. Kulang na lang ay ilagay pa sa patakaran nila ang laging mabangong hininga.
Pagkatapos masigurong wala ng hibla ng buhok niya ang wala sa ayos ay isinara na niya ang locker niya kung saan niya sinabit ang vanity mirror, ngunit muli siyang napatitig sa mukha niya bago niya iyon isinara ng tuluyan.
Minsan, iniisip pa rin niya kung mukha ba talaga niya ang nakikita niya sa tuwing hindi sinasadyang nadadaanan ng mata niya ang sarili sa salamin. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nasasanay na tingnan ang mukha niya. Nando'n pa rin ang pakiramdam na hindi siya ang taong iyon. Na ibang katauhan ang nakikita niya.
But it has been two years.
Pero kahit sa loob ng dalawang taong iyon, Kyra still feel like a stranger to her own self. Ang tanging sigurado lang niya sa buhay niya ngayon maliban sa pangalan niya ay ang mga kapatid niya, at ang kaalamang namatay ang daddy niya dahil sa kanya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang maalala niya ang huling sinabi sa kanya ng mga kapatid niya bago umalis ang mga ito at pinabayaan siyang mag-isang harapin ang mga problemang siya daw ang puno't dulo.
Both Sandra and Stella hate her. Kahit pa noong mga bata sila. Iniisip ng mga ate niya na siya lahat ang sumalo ng attention ng daddy nila. They were jealous of her. At galit din ang mga ito sa kaniya dahil namatay ang mommy nila sa panganganak sa kanya.
Her mother was in her mid-forty's when she fell pregnant with her. Kaya naging masilan daw ang pagbubuntis ng mommy nila. And by the time she was in labor, bumigay ang katawan ng mommy nila habang pinapanganak siya. Her sisters were five and six years older then.
Ang sabi ng daddy niya, sa kanilang magkakapatid, siya ang talagang nagmana sa mommy nila. Kaya gano'n siguro ang pagmamahal sa kanya ng daddy nila sa kanya. Kyra reminded him of their mother. Hanggang sa pinag-ugatan iyon ng selos ng mga kapatid niya.
Pero iyon din ang dahilan kaya masyadong naging mahigpit sa kanya ang daddy nila. Kyra was actually jealous of her sister's freedom. Lahat ay puwede nilang gawin, pero hindi siya. They've got to take courses they like, pero siya hindi.
Napilitan siyang kumuha ng Business Management kahit na ang gusto niyang kunin ay Hotel and Restaurant Management. Pero dahil ayaw ng daddy niya, wala siyang nagawa.
And when she graduated, pinapasok siya ng daddy nila sa kompanya. She worked there for 1 and half years when she decided to seize her own dreams. Umalis siya ng bansa para ipagpatuloy ang pangarap niyang maging isang chief, dahil lingid sa kaalaman ng daddy niya, she quietly studied cooking.
Pumunta siya sa France para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya.
And then... everything was a dark black-hole.
Nagising na lang siyang may apat na taon ang nadagdag sa edad niya, kasama ang sugat sa ulo niya at ang mga galos at halos nawawalang pasa sa mukha niya. At ang nakakapagtakang malaking tahi sa katawan niya.
Aside from those, there was nothing.
"Good morning, Kyra," narinig niyang bati ni June no'ng dumaan siya sa puwesto nito sa men's apparel. Tipid lang niya itong nginitian at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa puwesto niya
Matagal ng nanliligaw sa kanya si June simula no'ng nag-uumpisa pa lang siyang magtrabaho bilang isang sales lady sa kilalang mall na iyon pero kahit hanggang ngayon ay hindi niya ito mabigyan ng sagot.
BINABASA MO ANG
Scandalous Affair (The Stanfield Heir #3)
Romance#StanfieldBook3: Sage Steele Shakyra Noelle Lagdameo wants to know the memories her brain had refused to reveal. Kyra only knows her life as a 22 years old woman...