NOTICE
I KNOW HIM, iyon agad ang sinabi ng isip ni Kyra sa kanya habang nanatili silang nakatitig sa isa't isa; siya na may pagtataka at bahid ng takot sa mga mata habang ang lalaki naman ay ang hindi maitagong galit at poot.
Galit...?
Bakit galit sa kanya ang lalaking 'to?
All her life, she never knew men like him. But she could not know it, could she? Not when she has a huge hole of blankness on her brain, leaving her memories empty. She has nothing to remember for the past four years of her life since she woke up two years ago in a hospital.
So why does she feel, not only think, that she knew this man? Knew those deep black eyes that seemed to see through the depths of her soul, even her unknown memories. She knew that face, Kyra realized with a surprise. Hindi ang mga gano'ng klase ng mukha ang madaling kalimutan.
So why did she?
But then, maybe... he didn't stay long enough in her life for her mind to remember that face, did it?
Simula no'ng nagising siya lahat na lang ng bagay sa buhay niya ay walang kasiguraduhan. There had always been a constant questions in her mind, doubts and a lot of maybes. Nothing was ever sure. Pero iba ang lalaking 'to.
She simply knew. Pero sino ba ang lalaking ito sa buhay niya na pilit kinakalimutan ng utak niya? At bakit siya nakakaramdam ng takot kung kilala nga niya ito? Posible kayang may alam ang lalaking ito sa nawawalang memorya niya?
"Kyra."
That single word was enough to inflict pain in her head. Ngunit pinigil niya ang sariling hawakan ang ulo niya. Sinubukan niyang labanan iyon at hayaan ang sarili niyang alalahanin ang boses na iyon sa utak niya. Pero lalo lang lumala ang sakit na nararamdaman niya.
The man frowned, concern graved on his handsome face. Sa tatlong malalaking hakbang ay nasa tabi na agad niya ito.
"God damn it! Sit down!" marahas na utos nito. Pinaupo siya nito sa malapit na single couch sa harap ng malaking office table nito at saka mabilis na lumayo sa kanya na para bang isa siyang apoy na nakakapaso. "What the hell is the matter with you? You look like someone who've seen a ghost!"
No. Kyra didn't believe in ghost. Pero sa mga oras na iyon, gusto niyang hilinging isang multo ang nasa harap niya at hindi isang tao.
She stared at the man warily from her seat, her head was still pounding. Marahas na tumataas baba ang dibdib nito habang mariing nakapikit ang mga mata. He was obviously keeping his anger in control.
Umahon ang kaba sa didbdib niya. He's very tall and obviously a huge man. Kung sasaktan siya ng lalaking 'to, she doesn't think she could stand a chance.
Pero hindi siguro siya sasaktan ng lalaking 'to lalo na sa loob ng opisina nito. Diba? Isa pa, may dahilan kaya siya nandito.
"Pa-pasensya n-na..." Maagap niyang itinikom ang mga bibig niya dahil sa pagkakabuhol ng mga salita niya at marahas na nagmura sa loob ng utak niya. Bumabalik na naman ang pagiging utal niya.
Please lang. 'Wag ngayon.
Fear was robbing her words. That must be it. Ngunit sa ngayon, kailangan niya ang dila at ang utak niya. Nanganganib siya at ang trabaho niya. If this man was her boss, and for whatever reason she was scared of him, kailangan niyang isantabi iyon ngayon.
Maybe they knew each other before, and perhaps she could ask him some answers. Pero sa ngayon, kailangan niya munang isalba ang trabaho niya.
Kahit papaano ay nakatulong ang mga utang niya para muling bumalik sa katinuan ang utak niya at humupa ng kaunti ang tibok ng puso niya. Sinubukan niyang huminga ng malalim bago muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
Scandalous Affair (The Stanfield Heir #3)
Romance#StanfieldBook3: Sage Steele Shakyra Noelle Lagdameo wants to know the memories her brain had refused to reveal. Kyra only knows her life as a 22 years old woman...