Waiting For You.

783 17 1
                                    

(A/N:) Yung Slant po POV po yun ng Girl^^

Enjoy Reading ^_^

=============================================================================

After 4 years.......

Apat na taon mula nung umalis siya. Aaminin ko, mahal ko pa din siya lagi ko siyang Hinahanap. Nandito ako ngayon sa bahay namin, kahit saang parte ng bahay namin ay may natitira paring memories niya. Kung saan kami nagkukulitan, kung saan kami nag-iiglip, kung saan kami tumatambay at higit sa lahat kung saan kami nag-sasabihin ng mga sikreto namin.

Hindi naman ako naging martyr, hindi ako naglasing, nanigarilyo at higit sa lahat hindi ako nambabae. Kahit naman na mambabae ako, siya at siya parin ang nasa puso ko, siya lagi ang naririnig ko, siya lagi ang nakikita ko sa lahat ng mga babae na nadadaanan ko.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Kamusta na kaya siya, maayos kaya ang pagtira niya doon? Nambabae kaya yun? Siguro oo, sa sakit ba naman nang ginawa ko sakanya, hindi siya nasasaktan na ngayong alam ko na na mahal niya din ako?.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Ngayon, nagtatrabaho na ako bilang photographer, kahit marami akong nakikitang models na sexy at maganda sa paningin ko ay iisa lang ang maganda, at yun ay si Sam. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagtatrabaho na din kaya siya?.

Meron talagang isang tanong na bumabagabag saakin eh, yun ay kung....... Meron na siyang boyfriend. Tuwing iniisip ko yun parang gusto kong umiyak. Alam kong nakakabakla pero ang sakit nang nararamdaman ko eh. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niyang umalis, ang gusto ko lang naman nun eh yung lagi akong nasa tabi niya.

Nakakahiya daw ang isang lalake na umiiyak pero diba tao lang din naman ang mga lalake pwedeng umiyak kung kailan nila gusto o sa sakit ng nararamdaman ng isang lalake?

Gusto ko ulit siya makita, gusto ko siyang yakapin, alagaan at sabihin sakanya na Mahal na Mahal ko siya pero ang sabi ng Kuya niya na may possibility na bumalik pa sila pero meron ding possibility na hindi na rin sila bumalik at Hindi ko na siya makikita....... Kahit kailan. Ang sakit nun.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Paano kaya kung bumalik ako? Pero baka iwasan niya ako kapag nakita niya ako? Baka sigawan niya ako kapag nakita niya ako? At ang mas malala eh kung kasama niya ang....... Girlfriend niya. Ang sakit kaya nun at higit sa lahat masakit malaman ang totoo.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Papunta na akong company namin kasi kailangan kong magtrabaho. Kahit CEO ako dito kailangan ko ring tumulong para mapabilis ang pag-process. Pero kapag wala ako dito ang Vice-President ng kumpanyang to ay siya muna ang magha-handle, alam naman niya ang bawat information ng mga bagay-bagay doon.

Wala akong ginawa mag-hapon kung di photoshoot lang ng photoshoot. Ang dami kasing nagpa-pa picture saamin. Hindi sa pagmamayabang pero sikat talaga ang company namin.

Pauwi na ako ngayon sa condo ko. Oo, condo, simula nung umalis si Sam nag-condo na ako. Yung kanina kong pinuntahan na bahay, yun yung totoo kong bahay. Ayaw ko na kasi doon baka masaktan lang ako sa mga memories niya sa bahay.

Humiga na muna ako sa kama ko at medyo gumilid para Tignan ang picture na nasa side table ko. Ang picture na masaya, walang problema at higit sa lahat eh nagmamahalan ng patago.

Kinuha ko yun at tinignan ang maamong mukha niya sabay sabi ko "Someday, I will see you again. I'm here waiting for you to come back."

Binalik ko na yung picture sa side table ko at tumingin sa kisame. Puro mukha ni Sam ang nakikita ko kahit Ilang taon ko na siyang hindi nakikita, siya at siya parin mamahalin ko. Mag-hihintay ako kahit kailan man yan, pwera na lang kung sasabihin niya na may mahal na siyang iba at masaya na siya sa lalaking yun, doon na siguro ako hihinto. Diba gusto ko lang naman na masaya siya? Kaya kung saan siya masaya doon ako.

One Shot Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon