Every Minute Counts.

693 15 1
                                    

~ Dylan's P.O.V. ~

3 Days na lang....

3 Days na lang at.... Christmas party na namin....Hindi pa kami nagbubunutan kasi busy pa si Ma'am at ibang officers sa buong school para sa gaganapin ngang Christmas Party. Lagi ko nga silang nakikita na may dalang-dala na napakaraming papel.... paminsan nga tinatanong ko sila kung kaya nila pero sinasabi nila wag na lang daw.... Ayaw ko namang pilitin sila sa ayaw kaya umaalis na lang ako.... what's the use of "Kung ayaw, edi ayaw" na term...

Habang naglalakad ako... may nakita akong tao... si Hayley.... Hayley Fontanelle.... ang Student Council ng buong school.... hindi lang sa buong school pati na rin sa classroom namin... 

Tama nga kayo ng nabasa... namin... means magkaklase kami.... kaya lagi ko siyang nakikitang napakabusy niya... laging may kausap na kapwang officers.... laging nasa table ng student council president na upuan... laging may hawak na bolpen para pirmahin kung ano man ang papel na inaabot sakanya... at kung anu-ano pa..

"Ahhmm... Dylan... ahh... ano kasi..." maya-maya may lumapit saaking babae, mukha siyang kinakabahan... pero bakit ang pula niya.... Ah alam ko na.... magco-confess siguro saakin.... hindi sa pagmamayabang pero lagi na lang ganyan ang nangyayri saakin araw-araw...

"Anong kailangan mo?" mahinahon kong tanong doon na nasa harapan kong babae... ayaw ko namang ipahalata na alam ko na ang sasabihin niya....

"Ahh.... kasi... m-may gusto l-lang akong s-sabihin...." nauutal niyang sabi saakin... lagi namang ganyan.. mauutal... sasabihin ang nararamdaman nila.... at sa bandang huli ay i-rereject ko din naman agad sila...

"Anu yun?" tanong ko na lang sakanya... I admit it na nakakasakit ako ng ibang tao...... not in physically but emotionally.... at hindi lang yun... hindi ako interesado sa mga babae.... ewan ko kung bakit... pero sadyang ayaw ko lang... ata?

Nung hindi pa siya nagsasalita, nagsalita ulit ako... "Please... sabihin mo na... straight to the point.... may gagawin kasi ako eh... kung wala kang sasabihin mas mabuti nang sa susunod mo na lang sabihin"... Sabi ko sakanya... 

At pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako sakanya at nakakailang hakbang pa lang ako ay bigla siyang nagsalita ng... "May gusto ako sayo Dylan.... gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako!!" sigaw niya saakin habang nakatalikod parin ako at nakapamulsa pa... pero napatigil nga ako dahil nagsalita siya bigla habang naglalakad ako.

Hinarap ko yung ulo ko pero yung pa-side view lang at tama na yun  para makita ko kung sino yung babae kaya sinabi ko kaagad sakanya ang gusto kong sabihin... isa ako sa mga straight-forward na tao kaya sinasabi ko kaagad...

"Sorry... pero ayaw ko sayo.... may iba na akong gusto... Sorry" sabi ko sakanya na nakangiti at naglakad na ulit ako palayo pero nung hindi pa ako medyo nakakalayo ay nakita ako ng student council president namin... siya ay si Hayley...

"Ano na naman ang nangyari dito?" tanong ni Hayley saaming dalawa at pagtingin ko sa babaeng nagconfess saakin ay parang nagulat sa sinabi ko kanina...

"Wala... ni-reject ko lang siya.... what's the problem with that?" inosenteng tanong ko sakanya... pero ganyan lang talaga ako sumagot kay Hayley ewan ko nga kung bakit eh... pero isa na doon yung dahilan na straight-forward ako...

At tsaka mas mabuti nga yung straight-forward para wala nang paligoy-ligoy eh... "Aiisshh >.< Ang mga puso ng mga babae ay iniingatan, hindi sinasaktan..." sabi niya saakin at yung hintuturo niya ay nakaturo saakin maya-maya ay tumalikod na siya at naglakad na ng palayo...

One Shot Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon