Part 3
A/N VOTE AND COMMENT DIN PO
_____________________________
Ilang araw ding hindi nagpadala ng letter si mystery guy. Aaminin ko nalulungkot ako
kasi kada umaga inaantay ko palagi yung mga letter niya.
Kada umaga inaantay ko ito para kantahin ni Carl.
Yung mga message ng kanta, at yung way kung paano ito kinakanta ni Carl ang
gumigising sa puso ko kada umaga. Kada makikita ko yung letter, at kada maririnig ko
na ang magandang boses ng parekoy ko aaminin ko, hindi maiwasang lumundag ang
puso ko sa sobrang saya.
Kung dahil ba doon sa letter o dahil sa pagkanta ni Carl hindi ko alam. Ang alam ko
lang, inaabanggan ko ito araw araw.
Isang araw nung buksan ko ulit ang locker ko, halos mapatili ako sa sobrang saya nung
makita ko ang pamilyar na papel. Agad agad ko itong kinuha at binasa ang laman.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Shaylie,
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Ilang araw ko ng hindi nakikita yung masisigla mong ngiti. Naisip ko, dahil kaya saakin?
Pero kung ano man ang problema, sana ang simpleng sulat na ito ay napangiti ka.
Shaylie, kahit hindi mo nararamdaman ang totoo kong nararamdaman sayo, sana dito
man lang sa sulat na ito malaman mo na mahal na mahal kita.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Agad naman akong napatalon dahil sa kilig. Tumakbo agad ako papunta kay Carl para
ipakita yung sulat.
“Parekoy! Parekoy!! Nagpadala na ulit siya ng sulat saakin oh!” inabot ko sa kanya
yung sulat
“aba ayos ha. Mukhang excited ka. Siguro in love ka na dito no?”
Nginitian ko lang siya “dali na tugtugin mo na”
Inayos niy Carl yung gitara niya at nagsimula siyang tugtugin ito.
"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit"
Bigla akong kinabahan. Nakatitig sa mga mata
ko si Carl habang kumakanta siya. Dati kasi lagi lang siyang nakatingin sa gitara niya,
pero this time saakin siya nakatingin.
Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ng humiwalay ng puso ko sa katawan ko.
"Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik"
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam
ko habang kumakanta siya at nakatingin saakin, hindi ko maiwasang titigan siya sa
mata.
"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"
Bigla niyang itinigil ang pagtugtog at hinawakan ang kamay ko
“parekoy, aalis na kami. . .” sabi niya saakin ng may malungkot na tinig
“ha? aalis? Anong ibig mong sabihin?”
“mag mi-migrate na kami sa France”
Natigilan ako. teka nabibingi lang ako diba? hindi siya aalis, niloloko niya lang ako diba? Hindi hindi siya aalis. dito lang siya.
Kahit alam ko sa sarili ko ang totoo.
“aalis ka na?”
Tumango lang siya “next semester hindi na ko mag-aaral dito”
Huminga ako ng malalim para mapigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mata
ko “bakit ang bilis?”
“kahit ako nagulat din. Pero bago yun, may gusto pa akong sabihin
sayo” pumunta siya sa harap ko atsaka lumuhod para makita niya maigi ang mukha ko.
Tinitigan niya ako sa mga mata sabay sabi ng mga salitang alam kong napakaimposibleng mang gaking sa kanya.
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng sabihin niya saakin na mahal niya ko.
Hanggang ngayon paulit ulit parin sa isipan ko ang mga katagang yun.
Matapos niyang sabihin yun, bigla na lang akong tumakbo palayo. Simula nun, hindi na
kami nag kita pa.