Part 1
Shaylie's POV
~~~~~~~~~~~~~~~~~
“To my dearest Shaylie,
You are my sweetest down fall. and you are the most beautiful Goddess I’ve ever seen.
Your smile is like a rainbow after the rain
Love, Superman”
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Inilapag ng parekoy na si Carl Terrence yung letter na kasama nung isang box ng ferrero
chocolate then kumuha siya ng isa nito at kinain
“parekoy arl, smile ka nga, tignan natin kung parang rainbow after the rain
talaga yang ngiti mo”
Hinampas ko siya “parekoy naman eh! Nangaasar ka ba?!”
“hindi naman. Masyado lang akong na-sweetan sa secret admirer mong si
Superman”
“ay naku eto ang mas sweet!” inabot ko sa kanya yung napaka tamis na letter ng isa
sa mga secret admirer ko. Kinuha naman niya ito at binasa
~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Dear Shaylie,
Hi
Love Pedro”
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bigla na lang humagalpak ng tawa si Carl “hahahahahaha grabe parekoy! Ano ba
naman tong mga manliligaw mo parang naka hithit ng katol. Mukhang
mga high eh!”
Hinampas ko ulit siya sa braso “eh atleast sila dumadamoves! Eh ikaw?! Sino ba
kasi ang nagugustuhan mo ha? pormahan mo na kaya!”
He just smiled at me then kinuha ang gitara niya at nagstart mag strum
Ayan ang parekoy-slash-best friend kong si Carl. Matalino, mabait at gwapo pero no
girlfriend since birth. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Kung tutuusin madami
nagkakagusto sa kanya pero iniisnob niya lang. Minsan naghihinala ako na baka
parehong lalaki ang hanap namin.
“eh ikaw naman parekoy? May balak ka na bang sagutin sa mga high mong
suitors?”
“wala” sagot ko sa kanya
“bakit naman?”
I just smiled at him at tumingin sa langit.
I’m Shaylie . Fourth year high school student. Sabi ng iba ako na ang heartthrob queen
sa school na to dahil sa dami ng admirers at suitors ko.
Sabi naman ni Carl, ako yung batang siga pero iyakin na parekoy niya. Simpleng tao lang ako pero hindi ko alam kung bakit parang magnet ako sa mga lalaki.
Yun nga lang sa dinami dami nila, wala ni-isa sa kanila ang napamahal talaga ko.
Bukod sa yung iba eh ayaw naman magpakilala saakin at pinupuno lang ng sulat ang
locker ko, yung iba naman nagustuhan lang ako dahil maganda ako.
Wala akong sinasagot sa kanila. Siguro sa kadahilanan narin na parang may kulang sa
kanila. May hinahanap ako na hanggang ngayon, hindi ko mahanap.
Ganito araw araw ang routine ng buhay ko. Papasok sa school, dadaan sa locker ko.
As usual makakakita na naman ako ng kung anu-ano sa locker ko. Sa ibabaw puno ng
chocolates na halos maging diabetic na ko sa dami nila, flowers na nagmumukha ng
flower shop ang bahay namin, at sulat na akala mo eh mailbox ang locker ko.
Buti na lang at nandyan si Carl para taga bitbit ko ng mga flowers at chocolates.
Minsan nga nahihiya na ko sa kanya kasi kung gaano kadaming love letters ang
narerecieve ko, ganun din kadami ang death threats na nakukuha niya galing sa mga
suitors ko.
“uy sorry parekoy. Lagi mo na ko hinahatid sa bahay namin tapos inaaway ka pa
ng mga nakahithit ng asukal na mga lalaking yun. Pasensya na talaga ha?” sabi
ko sa kanya one time nung hinahatid niya ako pauwi.
“ok lang yun. Nakakalibre naman ako ng meryenda ng dahil sayo. Tsaka ng
chocolate”
“gusto mo flowers din?” inabot ko sa kanya yung isang bouquet na hawak ko
“ayoko niyan. Hindi edible”
“umiral na naman ang katakawan mo”
“hahaha saan mo naman ako pamemeryendahin ngayon parekoy?”
“sa mcdo want mo?”
He smile “sure”
Tinignan ko yung likod niya and as usual nakasakbit na naman doon yung gitara niya.
“parekoy bakit lagi mong dala-dala ang gitara mo?” I asked him.
“girlfriend ko yan eh. Kaya lagi ko kasama” sagot naman niya
Tinignan ko si parekoy. Bakit ba napaka lihim nito pagdating sa lovelife? Ayaw niyang
pinaalam o sinasabi saakin kaya naman naiintriga ako ng husto.
“parekoy sino ba ang crush mo sa school?” natanong ko sa kanya one time habang
naka tambay kami sa may school play grounds. As usual, hawak hawak na naman niya
ang gitara niya.
“crush? Yung gitara ko crush ko” sagot niya saakin.
“eh naman eh! Yung matino! Sino nga? Kahit yung simpleng nagagandahan ka
lang?”
“nagagandahan?” he looked at me then he smile “sayo. Nagagandahan ako
sayo” sabi niya sabay iwas ng tingin at nag strum ng gitara niya.
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.
Isa ito sa pinagtataka ko sa sarili ko. Sanay na kong sinasabihan ng maganda. Pero
bakit pag sa kanya nanggaling iba ang pakiramdam ko?
