Chapter 3: Meet New Friend

557 10 0
                                    

Edited: July 7, 2016


Chapter 3


Alyanah's POV

"Hoy ano ba sa tingin mong ginagawa mo ahh? Bakit ba ang bilis bilis mong maglakad, nahihirapan na kaya ako sa takong ko."

"Pwede ba huwag ka nang magreklamo. At bakit ka ba sumusunod sakin?" 

"ANO? EH DI BA IKAW NGA TONG HUMILA SAKIN KAYA NAKASUNOD AKO SAYO. GRABE NGA YUNG MAGPAHAWAK MO SA WRIST KO ARGH!!."

"HUWAG KA NGANG SUMIGAW DITO SA HALLWAY." Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Umuwi ka na, may klase pa ako ngayon. Ikaw nalang ang bumili ng gamit mo, siguro naman hindi ka maliligaw dito." Pagkasabi niya nun tumalikod na at naglakad papalayo sakin. Hindi pa nga ako nakakapagsalita tinalikuran na niya ako. Hmmf. Bahala siya sa buhay niya..

Buti may pera akong dala dito kundi, maglalakad ako papunta sa mall. Ang layo pa naman yun dito sa school. Haysss, paano 'to hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito sa pinas? Paano ako makakapunta sa Mall?

*Ting*

Alam ko na,, magtatanong-tanong nalang ako. Tama Yanah, magtanong ka para hindi ka maligaw. Naghanap ako ng taong mapagtatanungan at ayun nakita ko si Kuya.

"Ahm, excuse me. Can i ask you?" Biglang lumingon si Kuya, at WOW, Sobrang gwapo niya? Para siyang anghel na nahulog mula sa langit papunta sakin..este sa lupa. Ano bang nangyayari sayo yanah para kang baliw.

"Yes? What it is?" Tanong ni Gwapong nilalang..ngumiti siya at sa tingin ko malalag-lag na ang panty ko sa sobrang kgwapuhan niya. Nakakasilaw ang mga ngiti niya.

"Ahm, ano kasi, h-hindi ko alam kung s-saan y-yung mall kaya ...kung pwede sana ituro mo sakin kung saan ang Mall dito."

"Ah,,hindi ka ba taga rito miss? sige gusto mo samahan na kita para naman hindi ka maligaw ." huwaa? Pumayag siya! Pumayag siya! Feeling ko kukunin na ako ni Lord sa sobrang saya. 

"Miss?" Nabalik lang ako sa reality nang magsalita siya. Grabe kakahiya naman ako.

"I-I'm sorry. Sure. Thanks for helping me. Ako nga pala si Alyanah Rose Dela Rosa. Ikaw?"

"I'm Mark Kevin Wiston. Just call me Mark or Kevin, you  Kagaya mo taga ibang bansa din ako. Half Pinoy Half American." Inabot niya sakin yung kamay niya., Nagshakehands kami. Ang init ng kamay niya.

"Ah..Hahaha! So shall we?"


Where: Sa Mall


Ganito pala ang mall sa pinas. Ang laki at ang daming mga pedeng pagbilhan dito. Ngayon lang talaga ako nakapasyal sa ganitong lugar. Dun kasi sa America maraming tindahan dun ng kung ano-ano. Lahat ng kailangan mo nandun na. Parang ganito, pero mas malaki parin yung sa America.

"Ngayon ka lang ba nakapunta dito?"

"Oo eh. Ngayon lang kasi ako nagpunta sa ganitong lugar. Dun na kasi ako lumaki sa America. Hahaha!"

"Ah. Oh ano nga pala gagawin natin dito? Saan mo ba balak bumili ng gamit mo?"

"Bibili lang kasi ako ng school supplies. Nakakainis kasi yung lalaking 'yon ayaw akong samahan."

Living with the Cassanova [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon