Chapter 2: Enrollment + Cassanova = Disaster

605 11 0
                                    

 Edited: July 7, 2016


Chapter 2


Alyanah's POV


"Mama, bakit ang laki naman ng bahay na kinuha niyo? Ako lang naman po titira dito?"

Kausap ko ngayon si mama sa phone. Tumawag kasi siya ngayong madaling araw, kaya ang aga kong nagising.

["Baby, a-ahm, g-gusto ko kasi na maging komportable ang matitirhan mo kaya malaki yung k-kinuha ko."]

"Eh bakit nauutal kayo jan? Anong plano niyo ha?"

["W-wala. S-sige babye na baby, nasa office ako."]

"T-teka la-----." Tss. Binaba na ni mama yung phone. Hindi pa ako tapos magsalita eh.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Bigla ako inuhaw eh. 

"Hayss, ang hirap mag-isa dito. Wala man lang akong kakilala sa pinas bukod kay Tita Anna." Nsabi ko nalang sa sarili ko at uminom na ng tubig. 


*****


"Ma'm Alyanah. Ma'm Alyanah. Gising na po kayo, papasok pa kayo sa bagong school niyo?"

"Hmmmm. Teka lang. 5 minutes pa pede?" Sabi ko at nagtalukbong ng unan sa mukha.

"Pero Ma'm. Mala-late na po kayo niyan eh." 

Biglang bumukas ang pinto. Ako naman hindi nagbabago ng posisyon. Nakadapa at nakabaon ang mukha ko sa unan at nakatalukbong ng kumot.

"Sir ayaw pong gumising eh."

"Sige manang ako nang bahala dito sa babaeng 'to."

Narinig ko nalang ang mga hakbang at pagsara ng pinto. Parang familiar yung boses na yun eh. Hmmm, san ko nga ba narinig. Anu ba yan makakalimutin na ako.

"Hoy babaeng maliit ang katawan. Bumangon ka na nga jan. Mala-late tayo sa school."

Hindi parin ako kumikilos.

"Hoy anu ba? Gising na sabi." Pag-uulit niya.

"Tss. Ayaw mo talagang gumising ah." Oo ayaw ko talaga gumising. Inaantok pa ako.

BOGSH*

"ARAY KO NAMAN. WHAT THE FUCK ARE YOU DOING TO ME. ARGH!!!" Hinimas-himas ko ang pwet kong nasaktan. Grabe talaga to, tama ba namang buhatin ako at ilag-lag sa kama. Sakto ung pwet ko ung timama sa sahig. Huhuhuhu, ang sakit !!

"Bagay lang sa'yo yan. Tss. Bilisan mo, hahatid na kita sa School natin. Tandaan mo ayoko ng bababagal-bagal kumilos." After niyang sabihin, padabog niyang isinara ang pinto. Kulang nalang masira na ito sa sobrang lakas.

Inis na pumasok ako sa banyo at ginawa ang rituals ko. Iniisip ko parin na 'Bakit nandito ang anak ni Tita Anna? At ano daw ang sabi niya? Ihahatid niya ako sa school NAMIN??' Bahala na nga siya. Tutal siya lang naman ang kakilala ko dito. 


*****


Living with the Cassanova [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon