Chapter 6: What The Heck

476 7 0
                                    

Edited: July 7, 2016



Chapter 6



Alyanah's POV


"Ako ang gusto niya."

Sabay kaming napalingon ni Kevin sa likuran namin at nakita si Chase na ang sama ng tingin kay Kevin. Nagbulungan naman na parang mga bubuyog ang mga studyante sa harap, gilid at likod ni Chase. Sumakit ang tenga ko dun ah. Tss. Mejo nagtaka ako sa sinabi niya kaya nagsalita ako sa kaniya.

"What the heck are you saying Chase? I-ikaw gusto kita?" Tinuro ko pa siya.  "Stop joking around here Chase-----" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi inunahan niya ako.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo Miss? Hindi ikaw ang sinasabihan ko. May kausap ako sa cellphone oh." Pakita niya sa cellphone niya. "Huwag kang Assuming. Tss." Tumalikod na siya at kasama sa likod niya ang mga barkada niya ata?

"Tss. Kabago-bago lang dito kala mo kung sino." Bulong Girl 1.

"Oo nga girl eh. Hindi porket magkakilala sila eh close na sila." Bulong girl 2.

"Eh di ba sabi ni Chase 'Miss' daw means hindi sila magkakilala." Bulong Girl 3.

"Hmm. Yaan na nga natin siya. " Sabay silalng tumawa ng malakas na parang nababaliw.

"Pahiya naman siya eh. WHAHAHAHAHAAHAH!" . At talagang sinigaw pa niya. Tss. Ayoko ng binubully ako lalo na't sa harap ni Kevin. Huwaaaa~ kakahiya.

"Hmm. Yanah, I think umorder na tayo. Huwag mo nalang pansinin."


"Mabuti pa nga."

Matapos umorder naghanap na kami ng mauupuan pero wala ng space kaya lumabas nalang kami ng Cafeteria at nagpunta sa lugar na walang masyadong tao nagpupunta.nga


Where: Secret Garden


"Wow! Hindi ko akalain na may ganito palang lugar sa school na 'to."


"Nakita ko lang 'to nung isang araw bago tayo magkita nun. Naglibot libot kasi ako habang inaayos ng PA ko ang mga requirements dito sa school na papasukan ko."

Nilapag na namin ang mga pagkaing binili namin sa isang bench malapit sa malaking puno sa ginta at umupo na kami sa magkabilang side. Infairness malaki din yung upuan nila dito, pwedeng magpicnic din.

"Ah, kaya pala. Buti pa dito tahimik noh? Walang epal, walang sagabal at walang mang-aasar sa'yo." Subo ng French Fries.

"Oo napaka peaceful ng lugar na 'to." Tumayo siya, tumingala at nilasap ang sarap ng simoy ng hangin na dumadampi sa aming balat. "Alam mo ba. Simula nang makita ko ito, ito na ang lugar na palagi kong pupuntahan."

"Ako din Kevin ito na ang lugar na gusto kong puntahan tuwing lunchbreak. Ayoko kasi ng binubully ako ng mga studyante dito na kala mo kung sinong Miss Perfect eh mas hamak namang Perfect ako kesa sa kaniya."

Living with the Cassanova [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon