Chapter 15: THE PROMISE

12 1 0
                                    

Cacay: PO?! =____________= ; T____________T

-

Jeykey: HO?!!! ^___^

JEYKEY’s POV

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko habang kausap ko ang mama ni Cacay. Opo tama nga po ang rinig niyo mama ni Cacay. Hindi ko nga alam kung nananaginip bako sa mga oras na to kasi sobra talagang di kapani-paniwala ang mga sinasabi niya ngayon.

“hindi pa ba nasabi sayo ng nanay mo?”

“ah…eh…hindi po talaga e, ahm. Tita totoo po ba talaga? Sa iisang bahay na kami titira ni Cacay?” ^_^

“oo iho, kailangan na kailangan kasi talagang lumuwas narin muna ako sa probinsya, may sakit kasi ang nanay ko at wala nang iba pang pwedeng mag-alaga sakanya kundi ako nalang. Kaya bilang anak ko si cacay e wala nakong ibang maisip na pwedeng taong mapagkakatiwalaan sa anak ko. Kaya umaasa akong aalagaan mo siya hanggat wala pa ko ha.”

“nako nako tita, opo! Asahan niyo po yan! Hindi po kayo mabibigo sakin. Salamat po sa tiwala”

“wala iyon. Basta ipangako mo lang sakin na iingatan mo siya ha….”

“opo, opo! Pangako po!”

“osya, osya. Salamat! Pakisabi nalang lahat ng bilin ko ha. Aalis narin kasi ako bago pa siya makauwi ng bahay. Mamimiss ko siya L”

Syempre malungkot at naiiyak yung nanay ni Cacay habang kausap niya ko. Feeling ko tuloy ako yung kontrabida extra bigla kasi habang siya malungkot na malungkot ako naman na nasa kabilang linya sobrang saya. Pano ba naman kasi? Yung taong pinakagusto at pinakamamahal mo e pagkagising mo nalang bigla bigla isang araw kasama mo na palang kumain at matulog sa iisang bubong? Haaay. Kahit ako hindi parin makapaniwala e. Ako na yata ang bukod tanging gising sa mga panahong umulan ng MILAGRO mula sa kalangitan. Isang malaking milagro lahat ng nangyayari ngayon.

Binaba ko na yung telepono at parang natatarantang nag-ayos ng mga gamit. Oo nga pala, hindi ko nasabi na iiwanan ko na pala tong apartment na tinitirhan ko. Lilipat na pala ako sa bahay namin ay este ni Cacay pala. Doon kasi kami titira bilang sarili naman nila iyon at masyadong magastos kung magrerent pa kami so syempre pumayag narin ako na iwan tong pinakamamahal kong apat na sulok na sinisilungan simula pa noong pumalagi ako sa Maynila.

Inayos ko na ang mga gamit ko at medyo nagEMOte ng konti. Hehe. Sorry ha, medyo madamdamin kasi tong pag-alis ko sa apartment ko. Marami din naman akong mamimiss no, marami masyadong memorya ang maiiwan ko dito kaya kahit papaano iniyakan ko din siya.

Pagkatapos ng 15 mins na pag-aayos at 25 mins na pag-iyak at reminisce e dumiretso nako sa labas para maghanap ng taxi. Oo nga pala, poor lang ako kaya wala kong kotse. Tsk. Pano nalang pala pag kaming dalawa na ni Cacay? Nakakahiya naman kung papasakayin ko siya sa mga puchu puchung tricycle. Kailangan talaga doble kayod nako ngayon. =_______=

Pumara nako ng taxi at dumiretso na sa bahay nila Cacay. Medyo malapit lang din naman pala sa apartment ko kaya di rin naman pala malabong mabisita ko kahit papano yung apartment ko. Unang-una kong ginawa ay ang buksan ang pinto syempre alangan naming pumasok agad ako bago buksan diba? Di naman ako masyadong excited nun?

And atlast! Here I am walking in the aisle with her.

Ikakasal napo kami.

*BOINK! Joke lang instant imagination ko lang muna yun. Pero infairness malinis ang FUTURE misis ko ^__^ sabi na e, pwede na talaga kaming bumuo ng pamilya.

*BOINK! Joke lang ulit. Bata pa kami no. Remember? Ni hindi panga siya nagdedebut e at ang pinaka importante dun e I promised na gagalangin ko ang mga babae no. Kaya kahit anong tukso ang gawin sakin ng masamang konsensya ko, hinding hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay. Not unless GUSTO NIYA DIN! :P BWAHAHAHAHAHHAHA :D

Joke ulit.

Nag-ayos na ko ng gamit ko at medyo nilibot ko yung buong bahay. Hindi din naman ganon kalaki pero medyo maliit. :D Pero ayos lang naman kasi hindi naman ako mataba at seksi naman siya ^____^ kaya alam kong kasya kami.

Pero teka O________________O

Naging ganto bigla kalaki ang mga mata ko ng mapadaan ako sa lugar na imbes na pinto ay kurtina lang ang takip at imbes na dalawa e ISA lang ang….

KAMA! Oh nos! Don’t tell me….

“future naligo kana ba? ^_^”

“aba, oo naman! Tapos na po my husband. Amoy mo pa e. ;)”

“wag na. sure naman ako e. just tell me if you’re ready. ^_^”

“ready? Hihi. Tinatanong paba yan? Kanina pa nga e. ;)”

“come closer my FUTURE and let’s make some memory together. RAWR! ^_^”

Naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!! OH NOS! Hindi pwede! Nako nako! Maitim na konsensya ano bang naiisip mo? Hindi pa pwede okay? Hay. Bakit ba naman kasi ako nag-iisip ng mga ganung pangyayari e. KADIRI!! Hindi ko gagawin yun! Inayos ko nalang ulit yung mga unan at kumot na medyo lukot at winalis yung bandang baba. Single bed lang yung kama kaya naman nagdecide akong sa sahig nalang matulog at siya nalang ang patutulugin ko sa kama.

Time Check: 9:00pm

Nasaan na si Cacay bakit wala parin siya? Diba dapat mga 7pm nakauwi na siya? Kanina pa nga tapos klase e. Masyado nang maraming oras ang inextend niya. Hays. WHERE NA YOU MY FUTURE?

-

CACAY’s POV

Napaka talaga!!!!!! Hindi pwede! UWAAAAAAAAAAAAA! NO! NO! NO!

Yan ang mga initial reactions ko mula pa kanina pagkatapos na pagkatapos kong marinig ang latest news mula sa aking totoong ina. Ay este, nanay pala ni Jeykey. Argh. Nakakainis naman oh! Mas tanggap ko pa ata na ampon ako kesa makasama ang isang lalaki sa loob ng iisang bubong!

Pero ewan ko. Diba dapat Masaya ako ngayon? Hindi naman na kami magkaaway ah. At tsaka isa pa mas maganda narin to. Mas mapapalapit ako sakanya at mas mababantayan ko siya! Diba dapat Masaya ako? Haaaaay. *please insert a forced smile here…*

Pero bakit ganto? Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Feeling ko may mga pwedeng bago at maging bago sa aming dalawa. Who knows? Baka bukas makalawa maging house maid nako. Maging house keeper nako. Or worse….

MAGING HOUSE WIFE?

Err. Ano bang klaseng budhi meron ako? Badtrep! Stop the meaning of this cacay okay? STOP IT! No! isipin mo nalang na eto na ang simula ng istorya ng buhay mo.

IT’s TIME TO FULFILL YOUR PROMISES.

IT’s ABOUT TIME FOR YOU TO MAKE IT ALL COME TRUE.

I PROMISED.

LSS (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon