CHAPTER 18.2

37 1 1
  • Dedicated kay Eunice Sagun
                                    

[Hi Eunice! PEACE BE WITH US <3 Loveyou! <3]

JEYKEYs POV

Nasabi ko na bang may pagka-corny tong si Cacay? Ay oo, Sobra! Pero kahit ganun siya, okay lang sakin di ako nagsasawa. Mas gusto ko pa yun e, atleast kampante nakong Masaya siya sa ginagawa niyang pagpapangiti ng sarili niya.

Oo, SARILI niya kasi obviously, siya lang natatawa sa mga jokes niya =_______________=

Speaking of her, kasabay ko siya pala siya mag-breakfast at pumasok sa school kanina. Isipin niyo yun? Halos lagi-lagi na naming gagawin to kasi nga diba magkasama na kami sa iisang bubong? Yie. Iniimagine ko palang dati super kilig nako. E ngayon pa kayang nararamdaman ko na. Syempre, OVER KILIG NAKO.

Hay! Simula bata palang kami crush na crush ko nayan si Cacay e, di ko nga alam kung gusto niya din ako e. Ang sabi niya kasi mga bata pa daw kami para magka-gustuhan sa isa’t-isa. Pero alam niyo nung umalis ako ng biglaan? Super iyak daw siya e. Nakakalungkot yun pero Masaya narin at least nalaman kong mahalaga ako sakanya.

Magkaklase kami sa first subject pero sa second subject hindi na. Ewan ko pero, pag naghihiwalay kami sa second subject naming feeling ko super ang layo ko skanya. Though 3 rooms lang ang pagitan namin. Kasi naman! Feeling ko pag nandun siya free na free siya. Sabagay, kahit magkasama kami e, free parin siya.

Pero ayos lang naman kahit di kami magdamag magkasama e. Wag lang niyang makasama yung MVP nayun. Hay. Oo na, aaminin ko nagseselos talaga ako. E wala e, matagal ko na siyang gusto pero sinabi kong rerespetuhin ko ang mga babae kaya matututo akong maghintay kahit ilang day, weeks, months, years pa ang dumaan.

“huy!”

Nagulat nalang ako nang may tumapik sa balikat ko. Si Eno pala.

“huy! Long time no see ah.”

Awkward pero medyo namiss ko tong tropa ko. E lagi kasi kaming magkasama neto e. Si Elemm kasi medyo may pagka busy din. Teka, oo nga pala, player din yung mokong kong kaibigan na yun kaya hectic ang sched.

“ikaw naman kasi ee… iniwan mo na pala ko di ka manlang nagpasabi L it hurts ya’know! T____T”

Umarte siyang parang umiiyak pero di ko nalang pinansin. Nakakatamad e. Di ko muna kinuwento sakanya lahat basta ang alam niya lumipat nako ng sinisilungan at dahil dun hinila niya nanaman ako sa canteen para naman daw makabawi ako.

Papunta na sana kami ng canteen kaso…

“Asdfgjklmomnhuyjpucbfytujpmi…”

“Oh talaga? Aseuvcbthonbmlrubyrynvonp”

“Oo nga e! ufb hempwsvbfkugfvevbrkbh”

“UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! AKO DIN!”

“TSE! AKO MUNA!!!!!!”

“HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY!! WAG KAYONG MAGULO! AKIN NA YUNG BALLPEN!”

Grabe, ganto ba talaga sa school namin? Sobrang daming estudyante ang gulo-gulo nanaman nila.

“Eno, anong meron dun?”

Tinuro ko yung mga taong gubat ay este, school mates ko na sobrang ang iingay at nagkakagulo pa.

“ahh.. eto naman parang dayo dito. Nag-open na ulit for registrations yung iba’t ibang org. dito sa school and as usual, nag-uunahan sila sa slots!”

Ah, oo. Every start kasi ng school nag-oopen yan for new members. Psh. Akala ko naman kung gano ka-importante. Aalis na sana ako nang bigla akong pigilan ni Eno.

“uy pre! Di kaba maglilista? Baka maubusan ka sa drama club”

Awkward ulit! Pero oo, remember? Dream na dream ko maging isang artista kaya every year naglilista ako sa club nayun. Hinahasa ko ng mabuti yung skills ko. Ang cool nga e, kasi yung school naming kapag may nadiscover na unique and amazing talents ipapadala nila sa ibang bansa para sa career and only for seniors lang yun.

LSS (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon