(4)

11.8K 248 19
                                    

Chapter 4

POV 'Bella'

    Napalayo ako kaagad sakanya. He's too close. Pero hawak parin niya ang kamay ko.

      "Uh, thanks." Awkward na nginitian ko siya.

    Pinisil niya ang kamay ko then he smiled again. Shet. Mas hot siya kesa kay Yasser. And then it hit me kaya agad kong hinigit yung kamay ko. I have a possesive boyfriend and then here I am here, flirting I mean talking to this gorgeous guy.

    Napansin ko rin na busy silang lahat sa paglilipat ng mga gamit namin sa sasakyan ng mga lalaki.

      "I'm Jv, and you are?" Naglahad siya ng kamay.

    At siguro naman mabait sila. I hope so.

      "Bella. Just call me Bea." Sabi ko habang inaabot kamay niya. Kaso pagkatanggap ko sa kamay niya hinigit niya ako kaya nabunggo ko dibdib niya at nakayakap na siya sakin? WHAT? Kanina pa siya ah. Sobrang chansing na siya. -_-

      "God. Finally. I can have you." May binulong siya or nabibingi lang ako. Ugh. Nvm.

    Lumayo lang siya saakin ng sumigaw si Dae para iabot saakin ang gamit ko. And thanks to her nakalayo rin ako sakanya. Lumapit ako kay Dae para kuhanin mga gamit ko.

      "Dae do you know those guys?" Tanong ko sakanya.

    Nabitawan niya yung hawak niyang bag at napaiwas agad siya saakin ng tingin. "Huh? Uh-- h-hindi noh. Di ko sila kilala," Napansin ko rin ang paglunok niya ng ilang beses. "May sinabi ba siya sayo?"

    Umiling ako. "Siya? Si Jv ba? Nah. Di kami close noh." Sabi ko habang natatawa pa. Close yung as in friends. Pero kanina literal na close kami eh. Yung as in magkadikit ang katawan. Okay. Ang korny ko. "Baka naman turista lang sila noh? Or nagbabakasyon lang." Sabi ko pa habang tumatango.

      "Uh, s-siguro. Ewan ko."

    Kinuha ko yung iba ko pang gamit sa sasakyan bago siya sagutin. "Hmm I'm a little curious. I bet you know them. Sikat ka dito sa home town niyo, at ano pa kaya sila, diba?" Inaayos ko yung bag ko habang nagsasalita kaya di ko alam kung anong reaksyon ni Dae. At nagtaka ako ng walang sagot si Dae kaya napatingin ako sakanya.

    Nakatangin siya sa direksyon ni Jv na papalapit dito samin.

      "Hey sakin kana sumabay." Sabi nito sakin habang tinutulungan akong kuhain yung mga gamit ko.

    Napatingin ako kay Dae at nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya she smiled. And that smile is fake. I know her. Ano ba talaga nangyayare kay Dae? She seems bothered.

    Nagulat ako ng hawakan ni Jv ang kamay ko. He smiled. "Let's go?" Tumango ako at nagpahila nalang sakanya.

    Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Hinarap niya ko.

      "Uh pano sila Aless? Sabay nalang ako sakanila."

    Umiling kaagad siya. "No! Sikip na sila dun, kaya sakin ka nalang sumabay." Sabi niya habang nakangisi. Tss.

      "Ate Bea!" Napatingin naman ako kay Aless na nakadungaw ang ulo sa bintana ng sasakyan ni Niq. Kasama niya rin si Erine at Kiel dun.

      "Ate Bea, dito na kami ha? Sikip na kapag dito kapa sumakay." Sabi pa nito. Tumango nalang ako at kumaway. Tapos umuna na sila. Si Dae naman ay sa sasakyan ni Ren na 2 seater lang.

    I sigh. No choice. Hinila na ulit ako ni Jv papunta sa sasakyan niya.

    Nginitian niya muna ako bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya.

    Nginitian ko rin siya pabalik. "Thankyou,"

    Pagkaupo ko hindi ko mapigilang mamangha sa ganda at linis sa loob ng kotse niya. Sa sobrang pagkamangha ko hindi ko namalayan na nakasakay na pala siya.

    Hinarap ko siya ng nakangiti. "Ang ganda ng kotse mo. I love it. Tapos ang linis pa. And yung amoy dito amoy lalaki pero okay lang hindi naman masakit sa ilong. Hmm," Tuloy tuloy kong sabi habang inaamoy ang kotse niya.

    Tiningnan naman niya ako ng mariin. "Damn. You're turning me on." Bulong nito pero narinig ko parin yun.

      "Ha?"

    Nanlaki ang mata ko nang unti unti siyang lumapit sakin. Di naman ako makagalaw. Nanigas katawan ko. Wth. Anong gagawin niya?

    Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Yung mainit niyang hiningi nararamdaman ko na sa pisnge ko. Ganun kami kalapit sa isa't isa. Nagtititigan lang kaming dalawa. Tapos napatingin siya sa labi ko, kinakabahan ako. Gusto ko siyang itulak, pero tila sinusuway ako ng katawan ko dahil wala akong ginawang kahit anong pagkilos. Napapikit ako nang mas lalo siyang lumapit. Pero agad din ako napamulat nang marinig ko ang paglock ng seatbelt ko.

    Napahinga ako ng maluwag nang bumalik na siya sa pwesto niya. Sht. Akala ko hahalikan niya ko. Damn. His kissable lips. nababaliw na ko. Pero bakit parang nanghihinayang ako? What? Ughh.

    Bea, may boyfriend kana. Pagpapaalala ko sa sarili ko.

      "As much as I want to kiss you right now, I can't. Baka hindi ako makapagpigil." Sabi nito bago kami tuluyang umalis patungo sa Villa Sylvia.

-

Sorry sobrang tagal ng update. Huhuhuhu. Alam kong walang magagawa ang sorry ko sa tagal ng paguupdate ko. But atleast nagupdate ako 'ayt? :)

Nakakatamad kasing magrewrite kapag nawala yung first draft mo diba? Yung ang ganda ganda na ng draft mo tapos hindi nagsave. Ugh. Halos ibato ko na phone ko. Ayaw ko pa naman yung nasasayang yung effort ko. Lols. LIKE OMG NAKA 4 NA DRAFTS NA AKO PARA SA CHAPTER NA 'TO. TAPOS BIGLANG HINDI NASAVE KAHIT SINAVE KO NAMAN. IT SUCKS. SORRY GUYS. BAKA NGA MAS MAHABA PA ANG AUTHORS NOTE KESA SA UPDATE KONG SABAW 😭😭

Anyways, enjoy! :D magupdate ulit ako tonight. 😉

I'm the Devil's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon