Nakatingin lang sakin si Timothy. Hindi ko sya mabasa. In fact wala ka talagang makikitang reaksyon sa kanya.Hindi ba sya tinablan? Hindi ba nya narinig yung sinabi ko? Or hindi nya naintindihan?
Bakit parang di sya nagulat? Or matuwa man lang? O kaya tumawa? Pwede din naman magsmirk yung tipong nakakaloko? O kaya pwedeng pwede din yung panliliitan nya ako ng mata? Hindi din naman pinagbabawal yung tumingin sya ng malagkit yung tipong hinahamon ako, mas gusto ko yun
Kesa yung ganito. Hindi ko talaga sya mabasa!
Tinitigan ko lang sya na nakangiti. Hindi ako magpapatalo, ano? Akala nya sya lang magaling magpalaglag ng panty? Kaya ko din magpalaglag ng brief.
Ramdam ko ang titig ni Paola samin at alam kong natutuwa sya sa nakikita nya. Alam na nya kung ano ang ginagawa ko at ano ang mangyayari.
"Hindi ka ba magsasalita or gusto m-"
"You're not my type. And will never be" Aniya sabay iwas ng tingin at ininom ang alak
Hindi na nga nya ako pinatapos sa sinasabi ko ang bastos pa ng lumalabas sa bibig.
Umiinit ang ulo ko. Gusto kong hilahin ang bibig nya at tahiin yun. Kaso I'm so pretty and kind to do that.
Narinig ko ang paghagikhik ni Paola at Jill sa harapan namin pero di ko sila tiningnan. Enjoyin nyo ang show at maglandian kayo dyan. I don't care
This is so interesting. Really.
"Ohhh. You're so mean. Mamaya kainin mo yang sinabi mo, mahirap na" I flashed my deadly smile
"Don't worry hinding hindi mangyayari yun, ako na ang nagsasabi sayo. Hindi ko nga magawang maisubo, makain pa kaya?"
Napanganga ako sa sinabi nya.
WOW! AS IN WOW!
Ang kapal! nakakagago! Kala mo naman sobrang gwapo pero totoong napakagwapo nya talaga pero ang bastos ng bibig! Napakawalang modo!
Onti na lang at iisipin kong bakla to. Malay mo kaya ganyan yan kasi naiinsecure sa ganda ko
"Di ko gusto yung lumalabas sa bibig mo pero dahil gusto ki-"
"Ano sa you're not my type ang di mo makuha?" Binalingan nya ako ng tingin. Seryoso. Walang emosyon.
"You look so damn beautiful, yes. You're tall and I can see that you have a pretty long legs. You have an angelic yet a fucking fierce look. Even you just wear simple clothes, you look so damn hot. You're white, sexy and again hot. You have this killer smile and very bright aura that everyone feels like they can approach you anytime"
"But for the second time lady, You're not my type and not very interested in you"
WHAT THE HELL?!
Did he just compliment me then insult me?!
How dare he?!
First, Oo gwapong gwapo sya. Saksakan ng gwapo pero sumobra naman ang kapal ng mukha nito!
Second, Yes, gustong gusto ko sya pero fuck him
Third, Binabawi ko na yung sinasabi kong magiging interesting at sobrang interesting to dahil pikon na pikon na ako. Leche!
Tiningnan ko si Paola na kala mo ay natatae kakapigil ng tawa ganun din si Jill. Leche magsama kayo!
Tinaasan ko ng kilay si Paola at nginitian sya. Tulad ng sabi ko, kilalang kilala na nya ako. Alam na nya kung ano gagawin nya. Nilabas nya ang cellphone nya at tinaas ng onti kunwari may tinatype
BINABASA MO ANG
Reckless
RomanceShe's an angel outside but a bitch inside when it comes to boys. She do things recklessly, doesn't give a damn to what others might think or what will happen. Falling inlove is not included in her dictionary of life. She's disgusted with that. What...