Ikalawa

30 1 0
                                    


"Hoy babae! Kanina pa tunog ng tunog yung cellphone mo! Sakit sa tenga!" Inis na sabi ni Paola

"Yaan mo sya, mapapagod din yan" Dalawang araw ko nang dinededma yung mga messages ni Lucas

Consistent si kuya pero ayoko talaga. Oo nakakatuwa kasi very vocal sya pinaparamdam nya pero nakakainis na kasi. Parang over na? Or ayoko lang talaga sa kanya?

But I can't reject him directly. Ayoko naman masaktan yun sobrang bait eh. Mahina loob ko pagdating dyan.

I can't tell them that I don't like them. Ilang beses ko nang trinay yan pero tiklop ako so I just do things na magpapatigil sa kanila.

Tulad nito. I ignored his text messages, calls, viber messages and fb messages.

Magsasawa din yan.

Diba? Ang mga lalaki sa umpisa lang yan pero pag nasa gitna na kayo ng kasiyahan, sya unang bibitaw, sya unang magsasawa. Parang Law of diminishing marginal utility lang yan. Isasatisfy nila ang sarili nila, ang nararamdaman nila, ang pangangailangan nila pero once na nafulfill na yun, nababawasan ang silbi mo sa kanila, nagfofall out of love sila ika nga, nagsasawa sila kaya naghahanap ng bago.

Hays. Kaya ako, di talaga ako naniniwala sa true love. Nako, yung mga lalaki nga dyan makakita lang ng makinis, maputi, mahabang legs, sexy at maganda ayun! Gumagala na agad ang mga mata. Sarap dukutin! Bitter? Never! Sinasabi ko lang ang katotohanan

Nagfocus na lang ako sa pinapanuod ko. Kinuha ko yung chippy at sumandal na sa sofa. Dadamdamin ko ngayon ang rest day.

"Rei, wala ka ba talagang balak sagutin yan ha? Ang ingay! Leche! Di ko maintindihan yung kwento eh. I-silent mo nga" Aniya ng inis na inis habang kumakain ng clover

"Lumayas ka na nga dito! Leche to, pake mo ba! Eh sa feel na feel ko yung pagmemessage nila sakin!" Sabi ko sa kanya sabay inirapan sya. Natatawa ako sa itsura nya. No choice sya. Nasa condo unit ko sya kaya magtiis sya dyan.

Inirapan nya lang din ako at nanuod na ulit.

Tinitignan ko lang sya habang ngumunguya at tutok na tutok sa tv. Kitang kitang naiinis sya dahil sa dalawa nyang kilay na onti na lang magiging linear na at ang noo nyang kunot na kunot, syempre di papahuli ang bibig nyang punong puno ng clover. Sunod sunod ba namang subo. Inis nga!

"Hahahahahahahahahahaha! Bruha! Kung nakita mo lang itsura mo hahahahaha! Hooo sakit sa tyan!" Di ko na kinaya! Natawa na talaga ako.

"Ah ganun?" Bigla syang tumayo

"O-oy teka! Joke lang yun! Aray!! Hahahaha aray ko!" Sinasabunutan ako ng bruha, niwrewrestling ako.

"Ano? Tatawa ka pa ha? Hahahaha" sinasakal nya ako habang nakadapa ako sa sofa

"Hahahahahhahahahahaha! Leche ka! Makakaganti rin ako! Hahahahahaha"

Tinigil na rin nya ang pagwrestling sakin nang nasatisfy na sya sa nakuha nyang picture sakin.

Mahilig yan kunan ako ng mga panget na litrato, palibhasa insecure ang lola mo.

Balik kami sa panunuod nang biglang tumunog ang cellphone nya. Sinagot nya ito at halatang masaya sya.

Oh, It's Jill. Yeah, his boyfriend. Whatever!

I really don't like him for her. She knew that from the very beginning. The guy irritates me big time, he's a big fat liar, a smoker, rude, player and very conceited guy.

But who am I to stop their lovey dovey eww. But when the time that ugly guy (actually he's really handsome) hurt my bestfriend, he'll say hi to my fist and I'll surely gonna introduce blackeye to him.

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon