Ika-Una

39 1 0
                                    


Let's meet later?

Napangiti naman ako sa text ni Lucas

Uhm. I'll just text you if pwede ako. :)

Syempre, hindi dapat umoo agad. Konting pakipot din muna. Medyo magpapilit ka, bigyan mo sila ng idea na di ka ganun ka easy to get.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino, syempre si Lucas na naman na ubod ng kulit.

Please? I really wanna know you better. ;)

Malandi.

I don't know Lucas. Medyo busy talaga ako.

Ang totoo? Di naman talaga ako busy. Natutuwa kasi ako pagpinipilit ako ng mga lalaki tulad nyan kasi feeling ko napaka special ko sakanila. And I love that feeling.

Kahit 30 mins lang? Kain lang naman tayo tapos kwentuhan. Please?

Ubod ng kulit. Nakakairita pero sarap sa feeling. Tinignan ko ang orasang nakasabit sa dingding.

Siguro naman di lalampas ng 30 mins yun.

Fine. I'll be at SM North Edsa at exactly 2pm. Let's meet na lang sa Army Navy.

Para di sayang 30 mins kakalakad at kakahanap ng makakainan. Dun na lang kami magmimeet.

Dumiretso na ako ng kwarto at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng white T-shirt yung medyo manipis tapos jeans tapos running shoes. I tied my hair into a messy pony and grab my keys and sunglasses.

Mabilis lang akong nakarating sa Army Navy. Thank God at walang traffic, sunday kasi ngayon.

Nakita ko na naman si Lucas na prenteng nakaupo sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang tumayo sya agad at naghello sakin.

Umupo naman ako sa harapan nya. Di ko alam kung may dumi ba ako sa mukha at titig na titig sya sakin habang nakangiti ng todo.

"Ahem! Ah Lucas, may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sakanya pero parang wala syang pake dahil nakatitig pa din ito

"Wala naman. Ganda mo kasi!" Aniya sabay kindat

Oh Lord! Bakit ganito tong lalaking to sa harap ko. Malandi.

"Ah hahaha. Teka order na ako ha" saka ako tumayo at umorder na. Hinayaan ko sya dun. Di na ako nagpapigil pa. May kamay ako at paa kaya ko ang sarili ko

Pagkakuha ko ng order ko. Ngiting ngiti pa din sya. Wala atang balak umorder ng pagkain nya.

"Order ka na" sabi ko ng nakangiti sa kanya kaso ang malandi ayun nakatitig at ngiting ngiti pa din.

"Ahem! Lucas umorder ka na bakit ba ayaw mo tumayo dyan?" napailing iling sya habang nakangiti pa din.

Sa wakas at tatayo na sya! Buti naman at napagod sya sa pinaggagawa nya.

Napanganga na lang ako ng bago sya tumayo ay nagbitaw sya ng napakakorning bagay sa mundo

"Baka kasi mawala ka" Aniya sabay kindat

WHAT WAS THAT?!

Napairap na lang ako.

Pagbalik nya nangangalahati na ako sa burger ko. Rude kung rude. Eh kesa naman hintayin ko pa sya. Ang tagal kaya.

"So, May pasok ka mamaya?" Panimula nya habang nag uumpisa ng kumain.

Gaya gaya ng order.

"Yeah, 4:30 start ng class ko" sabi ko habang di nakatingin sa kanya at panay lang ang kain

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon