Hindi kita minahal dahil patuloy parin ang tibok ng puso ko para sa'yo.
Sinabi ko lamang yun sa kadahilanang kailangan kong lumayo.
Inuna ko ang sarili kong ambisyon kaysa sa anoman ang mayroon tayo.
Nasaksihan ko ang luha mo ng mga gabing iyon, ang higpit ng yakap mo at ang bigat ng iyong puso.
"Wag mo kong iwan" yan ang sabi mo kasabay ng pagpatak ng dugo sa labi mo.
Inilayo ako ni Christian sa'yo at ambang susuntok. Ngunit di ko na kayang makita ang masaktan kang muli kaya't sinabi ko ito
"Hindi kita minahal! Ayoko na." salitang pumatay sa'tin.
#100wsc
BINABASA MO ANG
Ang Salitang Pumatay Sa'tin
RomansaPara sa'yo ito, sulat na matagal ko ng itinatago sa aking puso, mula ng tayo'y magkalayo. #100wsc