8 - Regrets

988 20 4
                                    

SIX months.

Na ang nakalipas matapos kong ipaalam sa tatay ng anak ko na siya ang ama.

Hindi ko siya mahal pero ewan ko, bakit ganito yung nararamdaman ko. Araw araw akong umiiyak. Siguro malungkot si baby?

"Umalis ka nga dyan!" Sabe ng ate ko matapos nya kong datnan sa balcony ng bahay nya. "Araw araw nalang Isha, tigilan mo na" mariing sabi ni Ate.

"Gustong gusto ko Ate, pero hindi ko alam kung pano" humihikbi kong sabi. She hugged me at pinakalma ako. Araw araw sa loob ng anim na buwan siya yung kasama ko.

"Isha, madali lang" pinunasan niya yung mga luhang pumapatak sa mata ko "Kailangan lang alisin mo siya dyan" she pointed at the left side of my chest.

"Sinusubukan ko naman Ate. Bat ganun? Bat ayaw pa rin?" Sabi ko

"Kasi hindi mo pa tanggap, natatandaan mo nung mga bata tayo? Lagi mong sinsabi gusto mo ng engrandeng kasal sa taong mahal mo, at bumuo ng masayang pamilya. Panghawakan mo yung alaala na yun, unti unti Isha, unti unti mong makakalimutan lahat ng sakit" she hugged me even tighter. "Pag-aralan mo ring patawarin ang sarili mo, pag nagawa mo yun malaya ka na" she smiled.

Si Ate. Siya yung naging lakas ko. She's also my bestfriend. Silang dalawa ni Chloe.

Later that night tinawagan ako ni Caden. Don't get me wrong were good friends. Nalaman ko din na nasa poder niya yung mag-ina nya, pero friends lang daw sila.

After i wrecked their lives mabubuo na ulit sila, while i was paying for the things i caused.

"Next week na yun, i expect you to come" Caden.

"Sigurado ka? Kaya nya na ba ako makita?" I was referring to Selene.

"Akong bahala sa kanya, wala na sakanya yun. Nakamove on na 'to" Caden

"Daddy, sinong kausap mo?" Sabi ng isang batang boses babae.

"It's a friend Chione" sagot niya. A friend. Yes. Hanggang dun nalang yun. I smiled bitterly.

"A girl?" Tanong nito muli, Caden chuckeled. Siya pala yung ampon ni Selene.

"Yes" sagot ni Caden.

The girl responded in shock "Hala! I hate you na Daddy, isusumbong kita kay Mommy" then i heard a loud banging of the door.

"Sorry, where are we? Ah, about next weeks event. So ano na? Pupunta ka ba?" Tanong nya ulit.

"Bago mo ko intindihin, di mo muna hahabulin anak mo? Magsusumbong na yun kay Selene" natawa siya sa sinabe ko.

"You got it right, okay. I'll get back to you" binaba niya na agad. Ganyan yan! Wala pang babye nagbababa na agad ng tawag.

"Maybe this is the right time to face those people you hurt Isha" Dinig kong sabi ni Ate. She knew all the details. Inamin ko sa kanya lahat, sabi niya. Hindi niya na daw magawang magalit because she knew exactly what her parents attitudes are. "Bibilhan na kita ng ticket online, tapos pag uwi ko galing trabaho mamili tayo ng mga pasalubong, don't tell mom and dad na uuwi ka. Dad would be so angry" Excited niyang sabi. Kilala ni Ate si Caden, once na kaming nakarating dito nung boyfriend ko pa siya.

"Eh Ate san ako titira?" Tanong ko sa kanya.

Lahat kasi ng properties ko binenta na nila mommy. Wala naman na daw gagamit at maluluma lang, they shouldn't have done that, dugo at pawis ko pinuhunan ko dun tapos ibebenta lang nila. Wag na daw ako umangal sabi ni Ate. Marami pa naman daw akong pera sa bangko.

Mali siya, nilalaan ko yun para sa anak ko.

"Si Caden na bahala sayo, i already talked to him na kung sakaling uuwi ka ng Pinas pahiram niya muna yung dati niyang Condo sayo. Atleast yun hindi malalaman nila mommy diba?" she chuckeled habang nagtitipa sa kanyang laptop.

THREE DAYS LATER

Nakarating na ko ng Pinas. Driver ni Caden ang nagsundo sakin, which is dati ko ring driver.

"Kamusta na ho kayo ma'am?" tanong sa aking ng matanda. 

"Ayos lang po ako Mang Nestor. Kamusta naman po ang Pinas?" tanong ko sakanya.

"Ay naku ma'am, ganun pa rin ho. Traffic pa din, bahain pa rin sa karamihan ng lugar sa Maynila" tumatawa niyang sabi.

Noong pinagdadrive ako ni Mang Nestor talaga namang nawawala yung pagkabadtrip ko kasi palabiro talaga siya.

"Ganun naman po ata talaga, hindi na po yata mababago yun" sagot ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Mukhang lalaki ho ang magiging anak nyo ma'am" out of the blue niyang tanong.

"Ha? Pano nyo naman po nasabi?" tanong ko muli sa kanya.

"Kasabihan lang po pero naniniwala kasi ang asawa ko, pag daw po mataas ang tiyan babae daw ang anak, pag mababa naman lalaki daw" natawa muna siya "Ganyan din ho ang ginawa ng asawa ko bago siya mag pa ultrasound noon." marami pa palang naniniwala sa ganyan ngayon. HAHA!

"Ganun po ba yun? Hayaan nyo po, pag nalaman ko na sasabihan ko po kayo" marami pa siyang sinabi sa akin habang nasa biyahe kami.

Pupuntahan daw ako ni Caden mamaya sabi ni Mang Nestor. He really is caring, marami akong nagawang kasalanan sa kanya pero nandiyan siya at willing pa rin tumulong.

*DING*DONG*

Nagising ako dahil sa ingay ng doorbell. Alas siete na pala ng gabi. Lumabas ako ng silid para silipin kung sino yung dumating. Si Caden lang pala. Oo nga naman, no body would visit me rather than him.

"I brought foods" nakangiting sabi niya sa akin. "Sabi ng Ate mo ito kasi ang gusto mong kainin" dagdag niya pa habang naghahain ng pagkain sa mesa.

Sinusundan ko ng tingin bawat galaw niya, sayang. Sobrang sayang, ang tanga ko dahil nung nasa akin siya pinakawalan ko pa. I admit minahal ko siya noon, pero hindi kasi ako yung tipo ng tao na nagsesettle agad sa isa. I always find replacement incase may mangyaring hindi maganda. This is karma.

"California Maki?" tanong ko sa kanya. Amoy palang alam na alam ko na, hindi pa man niya yun nailalabas sa lalagyan.

"How'd you know?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Sa loob ng anim na buwan yan palagi ang kinakain ko pag nagugutom ako, sa tingin mo hindi pa ko masasanay?" sagot ko sa kanya.

"Seryoso pala yun? Akala ko nagjojoke lang Ate mo" tumawa siya. How i missed those laughs. "Tara kain na" pinaghila niya ako ng upuan, uupo na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na ni Selene? I'm sure she cooked something for you, palagi naman diba?" bigla siyang natauhan.

"Shit! Oo nga pala, nawala sa isip ko. I need to go, babalik na lang ako. Lock the doors okay?" he kissed me on my forehead bago mabilis na tumakbo palabas.

Naramdaman kong nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Ang dami ko pala talagang sinayang na pagkakataon.

I wasn't aware that everything that i have is perfect, until all of it vanished in one click.


to be continued...


a/n: Owkaaay! I know maraming nagbago. Pasensya na. Hindi na kasi ako nagbaback read. Kung nacoconfuse kayo kalimutan nyo nalang po muna yung scenes ni Crystale sa TVS. Huhuhu, sobrang sorry talaga.


Remembering CROSS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon