24 - Cassiel

828 23 1
                                    

CID KYROS KWON (Cross)

"Makakarating ka ba?" pangungulit ni Selene, friday morning palang ngayon. Nandun na kasi sila sa beach house.

"Susunod ako, will you please stop? Paulit ulit ka. Sinabi na ngang dadating ako" sabi ko sa kanya.

"Sinabi mo yan ha. Sumunod ka, kundi di ko na ibabalik yung anak mo sayo" pananakot niya.

"Oo nga! Ang kulit mo, pag sinabing susunod susunod ako. Okay? Tska hindi mo pwedeng kunin anak ko, iisa lang yan. Ikaw tatlo na anak mo may asawa ka pa. Si Kier na nga lang ang meron ako kukunin mo pa?" tumawa siya.

"You'll find her soon, ewan ko nga lang kung mahal ka pa non. After what you did" Selene

Sht. Pinaalala nya na naman.

"Wag mo nang paulit ulitin. Okay? Tapos na eh. Papaalala mo na naman" sagot ko sa kanya.

"Aba! Kung naririndi ka tuwing ipapaalala ko sayo, dapat lang. Dahil sa kagahuhan mo hindi lang ikaw nagdudusa" sabi ni Selene.

"Tsss!" yan nalang ang naisagot ko sa kanya.

"Oh basta pumunta ka mamayang gabi. Okay? At tigil tigilan mo nga ang kakatrabaho" hindi ko na siya sinagot at binabaan ng phone.

Sinabi na kasing ang dami ko pang tatapusin eh. May meeting pa ko mamaya. I wonder what my Son is doing. Pero panatag naman ako dahil alam kong safe sya kila Selene.

Ilang minuto lang ay kumatok si Aya.

"Sir, the meeting will start in 5 minutes" tumango lang ako at niready lahat ng documents na kailangan.

It's about the partnership with Matthew Smith Corporation, company nila Winter. Pag naclose ko ang deal na'to, i'll be working with her. Na ayoko sanang mangyari pero kailangan.

Nagstart ang meeting pero parang hindi interesado ang Daddy ni Winter. But the rest of the board seems okay with the presentation.

Natapos nalang ito nang wala akong narinig na kahit ano. I am the CEO since hindi na kaya ni Dad mag-manage. Nagsialisan ang lahat pero naiwan si Winter, ang Kuya nya na si Warren at ang Daddy nila.

"I'll not go to circles Cross, marry my daughter and i'll sign the contract" Mr. Smith

"Papa, hindi naman ata tama yan" sabi ni Warren.

"Mr. Smith, hindi ko alam na ganyang klase pala kayo na ama. You'll let your daughter be miserable with me for your company's sake?" nangunot ang noo niya.

"Why is she going to be miserable?" tanong niya

"I don't love her" Nagulat siya sa sinabi ko, tahimik lang ang magkapatid.

"Love? You'll know how to love her pag nagsama na kayo" Mr. Smith

"Oh you know I don't, besides my son doesn't like her" mas lalo siyang nagulat. "You didn't knew I have a son? Mr. Smith, kalat po ang balitang yan sa lahat ng business partners namin, hindi nyo man lang po ba ako pinaimbistigahan?" natulala si Winter at namutla.

"You didn't tell me he has a son, Winter" Mr. Smith

"I tried to tell you Papa but you never listen" Si Warren ang sumagot "Masyado niyo na pong na-spoil si Winter, maybe you should stop, let's just sign the contract and let Cross live his life. Wag nyo na po ipagpilitan si Winter sa kanya" dagdag nya pa.

"A son never mattered to me Pa, I love him! I can be a perfect wife, just give me a chance" sagot ni Winter.

"We'll call you Mr. Kwon, i'll talk to my daughter" Tumango ako, with that lumabas na sila ng board room.

Bumalik ako sa opisina ko. May mga bagong delivered na magazines doon, tinignan ko isa isa, karamihan ay galing sa Melodia.

Pero iisang magazine lang ang pumukaw ng atensyon ko Cassiel.

SOMEONE's POV

"Daddy, what time is mommy coming home?" asked my little Angel.

"She'll be here after an hour, you missed mommy too?" tanong ko sa kanya.

"Yes Daddy, she's not leaving again right?" tanong nya.

6 months palang nung umalis ang Mommy nya para magtrabaho abroad, pero sobrang namimiss na nya.

"She's not baby" sagot ko sa kanya. "Now go to your yaya, tell her to help you get ready, we'll fetch your Mom at the airport" tumango siya sakin at nakangiting tumakbo paakyat ng hagdan.

"Sigurado ka ba sa mga desisyon mo anak?" tanong sa akin ni Mama.

"Ma, napagusapan na naten 'to. Ayoko na ulit ibrought up okay?" sagot ko sa kanya.

"Hindi naman sa kinokontra kita ha? But sooner or later malalaman niya rin ang lahat" Mama

"Mama, hindi ko alam kung saan patungo tong usapan nato" nagkakasagutan na kami.

"Hindi mo dapat ginagawa ang mga bagay nato" sabi nya.

"Then tell me what to do? Yung bagay na alam kong makakasakit na naman sa kanya?" sagot ko.

Nagring ang phone ko kaya hindi sya nakapagsalita. Lumayo ako at sinagot iyon.

"Anong oras ang dating nya?" tanong nang nasa kabilang linya.

"About an hour" maikli kong sagot sa kanya.

"Ayoko sanang sabihin to sayo, tinawagan niya ko. Hindi ko alam kung pano nya nagawa yon. But i'm sure you two have a lot to talk to" kinabahan ako bigla. How come?

"Bahala na mamaya, galit ba siya?" tanong ko sa kanya.

"Nope. Nagpapasalamat pa nga siya, pero kailangan nyo pa rin magusap. And i'm expecting you to come tonight" sabi nya.

I sighed at the thought.

"Hindi ko alam, masyadong risky" sagot ko sa kanya.

"Don't you trust me" tanong niya sa akin.

"Ofcourse I do" sagot ko.

"Good to hear, So? Tonight ha? Same place, bye!" with that she hanged up.

Bumalik ako sa living room, nakaayos na ang anak ko. She's wearing that cute jumpshorts again, one of her favorites.

 She's wearing that cute jumpshorts again, one of her favorites

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photo not mine)

"Daddy let's go, i'm excited to see my Mom" sabi niya pagkakita palang sakin.

Tinignan ako ni Mama.

"Yung bilin ko anak, masakit yan pag nagkaalaman" at umalis papunta sa taas, hays!

Alam kong malaking problema ito, pero ready ako sa kahit anong sakit na pwede kong maramdaman.

A/N:

Ngayon pa lang mag sosorry na ko kasi super short na naman ng update. Sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit minamadali ko ang updates eh. Siguro kasi gusto ko na din matapos to? Hmm. Anw, kung bitin man kayo pasensya na. Yan lang nakayanan ng utak ko. Peace!

Remembering CROSS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon