34 - Revelations

937 23 4
                                    

CID KYROS KWON

Eto yung sinasabi nilang moment of truth. I am willing to tell her eveything. Every hell days of that damn two weeks that had passed.

Pumasok lang ako saglit sa kwarto ko at kumuha ng maiinom sa mini ref. Eto yung kwartong dati naming pinagsasaluhan. I still smell her scent. Damn 5 years. Malamang ay katabi ko pa rin sya gabi gabi kung hindi nangyari yun before the wedding day.

Pabalik na sana ako pero narinig ko siyang may kausap sa phone. Yes! I'm eavesdropping. Eh sa naririnig ko, anong magagawa ko? Hindi muna ako pumasok agad. I heard their sweet talks.

Good thing Marco take good care of her while I was gone. Nang hindi ko na ma-take ang mga usapan nila nagpakita na ko. Nagkatitigan kami and she signaled me to wait. Aba! Iba na rin ang priorities nya.

Nakinig lang ako habang nakatitig sa kanila. Napangisi ako nung ipaalam nya kay Marco na maguusap kami.

"So. Done?" tanong ko sa kanya, tumango sya at pinatong ang phone nya sa mesa. She grabbed the water in front of her at uminom ng kaunti.

"Yep. Now start talking, no more hindrances" sabi nya sa akin. I smirked at her. Alam kong nainis sya.

"Well, i want to tell you the truth about the marriage thing" sabi ko, I know nasaktan sya dahil narecall nya na naman.

I'm about to get married in two weeks time. Yun ay kung hindi magagawan ng paraan ni Warren.

"Don't care about your marriage, wala na akong pake don. The important thing is the setup, I want to clear things out. Besides, your bitch doesn't want my son" sabi nya sa akin.

Sino nga namang babae ang gugustuhin ang anak ng iba kung pwede naman siyang gumawa ng sarili nya? Well, some of the woman I know ganun ang ugali. Palibhasa'y mga rich kid. They never want a men who already have kids. Iba si Winter, she wants to be with me kahit na may anak na ko.

But she never liked Kier, kasi nga naman ay anak din ito ni Crystale. At alam kong magkalaban sila sa industriya.

Napangisi na naman ako bago sumagot. "If the wedding will push through" nagulat sya.

"What are you saying?" naguguluhan nyang tanong.

"Crystale, you really expect I want to marry Winter?" may bahid sa boses ko ng pagkadismaya. Because she didn't trust me.

"Well, ofcourse. It's out in every news paper in the country" she paused. "Oh, and it's on the internet. Hindi na nga ako makapagbukas ng facebook dahil kayo ang trending topic" sabi nya.

Natawa ako. "Jealousy" mahina kong sabi na alam kong narinig nya rin.

"I am not jealous! How many times should I tell you?" inis nyang sagot. I chuckeled at the thought.

"Crystalisha Yncierto is jealous. Don't deny the fact" She hates being called by her full name

"It's Crystale!" See? Kinorrect nya agad.

"For me you're Crystalisha. Because every body knows Crystale but not your true self" sagot ko. Natahimik sya. "Listen okay? Wag ka munang maginterupt. Mas matatagalan tayo" she just lift her right eyebrow. Tss! Nagtataray na naman. "The thing is, Winter is pregnant" nanlaki ang mata nya.

"Yours?" maluhaluha niyang tanong. I know she's jealous, kanina pa. And I know she still loves me.

"Ang judgmental mo na naman, sinabi nang wag muna maginterupt" she shrugged her shoulders. "Ofcourse it wasn't mine, abstinence nga ako for the past five years of my life. Imagine that" muli na naman siyang nagulat. Pero hindi pa rin sya nagsalita. "Simula nung araw na tinakbuhan mo ako sa simbahan and that night na hindi ka na namin mahanap nawalan na nang gana mabuhay, I quit business. Na ikinagalit ng parents ko. Napabayaan ko si Kier" magsasalita na naman sana sya but I signaled her to shut up. "Totoo yun, napabayaan ko ang anak natin. My mom took over my place, she cared for our son so much. Yun yung mga panahong hindi pa rin ako makaget over nang mawala ka" 

I looked at her. Teary eyed.

"It took me five fucking years to realize that I should move on, I have a son to protect and to take care kahit wala ka na. I need to push through with my life kahit kami na lang ni Kier nung mga panahong yun" Nagunahang tumulo ang luha ko. Nakakabading. But brave men cry. Yun ang sabi sakin ni Daddy noon.

"Kaya nawalan ka na rin ng gana sa sex?" napaangat ako ng ulo. Ang drama ng scene pero ang bold nya magsalita, hindi na sya demure katulad noon.

"Let's just assume that" sagot ko.  Hindi na sya muling nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Seriously, at first hindi ako payag na magpakasal kay Winter" tumingin ako sa kanya.

"But you did agree" mataray niyang sabi. Same old bitch Crystale.

"Yes! Yun ang mali ko, pumayag ako. Assuming that I can save someone's life. Hindi ko naisip na mawawalan na naman ako ng panahon sa anak ko, lalo na't dalawa na sila ngayon" sabi nya.

"Oh. Correction, isa lang Cid. Cassie is your daughter but Marco is her hands on father. Yes she calls you Daddy, but deep inside. It's still Marco" Aaminin ko. Oo nasaktan ako sa mga sinabi nya. Tangina eh! Anak ko tapos deep inside iba pala ang gusto?

Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy. "Ngayon ginagawan ko na ng paraan para itama ang lahat, Warren already contacted Mavin. Si Mavin ang nakabuntis kay Winter" I assume she knows him. 

"Oh that asshole? Bagay nga sila, isang malibog at isang malandi" Seryoso. Ibang ibang Crystale ang kausap ko ngayon. It's her bitch side. "But why do you need to cover for his mistake?" tanong nya. Inis na inis.

"Because Winter committed suicide. Sobrang laki ng controversy pag nalaman na tinakbuhan sya ng nakabuntis sa kanya, hindi yun kakayanin ng tatay nya" paliwanag ko.

"Kaya naisip mong talikuran ang mga anak mo para sa buhay ng ibang tao? Naririnig mo ba yung mga reasons mo Cid? Nung tinalikuran ko ba ang career ko dahil nabuntis mo ako ganyan din ba ang nasa utak mo? Hindi diba? All you want is for me to suffer and take back Selene" Yeah right. Tama nga naman sya, hindi ko naisip ito dati.

"I'm sorry, alam kong mali lahat ng nagawa ko noon sayo. Akala ko napatawad mo nako?" tanong ko sa kanya.

"I did. Hindi ko lang maiwasang ipamukha sayo yung mga desisyon mo ngayon" sagot nya.

"Alam ko namang mali, kaya nga tinatama ko na" sagot ko naman.

"Sa papaanong paraan mo itatama? How are you gonna explain this to Kier and Cassie? Nagtatanong na sila, at hindi kita kayang pagtakpan sa kapalpakan mo" sagot nya sa akin.

Paano nga ba?

"Ieexplain ko pag ayos na ang lahat" lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan nya. "Please, don't make this hard for me everyday" niyakap ko sya sa bewan. Matagal bago nya ako niyakap pabalik.

"I'm sorry, please fix this. I'll give you one week. Pag hindi mo naayos, we'll go back to Denmark. We'll stay there for good" tumango ako. Magkayakap pa rin kami. "Once it's not fixed by the time given, i'll file a case for Kier's custody. Sana naman wag mo na tutulan yun" tumango akong muli.

"I'll do everything, just please. Pag naayos ko 'to. Let's fix our relationship, let's get married again" sabi ko. Hindi sya sumagot.

I need to hurry, there's seven days left. Alam kong hindi yun madadaan sa paguusap lang, alam kong hindi papayag si Winter.

Remembering CROSS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon