Wattpad at Pocketbook

3 0 0
                                        


‎Hi, sa dating ako.
‎
‎Alam mo ba, sa paglipas ng mga araw, paunti-unti mo na ring nakakalimutan kung sino ka talaga at kung ano yung mga bagay na dating nagpapasaya sa'yo.
‎
‎Yung simpleng pagbabasa mo ng Wattpad at pocketbook, na dati halos araw-araw mong ginagawa, ngayon parang wala na. Dati kahit puyat ka, basta matapos lang yung chapter. Minsan nga, sasabihin mong isang chapter lang, pero aabutin ka na ng madaling-araw.
‎
‎Ngayon, hindi mo na namamalayan na ang dami nang nagbago.
‎
‎Hindi naman dahil ayaw mo na. Siguro, naging busy ka lang. Maraming kailangang gawin, maraming iniisip, at maraming bagay na kailangang unahin.
‎
‎Pero minsan napapaisip ka rin.
‎
‎Nasaan na kaya yung dating ako?
‎
‎Yung taong masaya na sa simpleng pagbabasa, sa tahimik na oras, at sa mga maliliit na bagay na walang ibang kailangan kundi oras.
‎
‎Siguro hindi naman siya nawala.
‎
‎Baka hinihintay lang niya na balikan mo siya.
‎
‎
‎

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Sep 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSPOKEN 🤐Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon