Prologue:
"P*tah! Summer naman! Kaya kong maging prince charming mo, ikaw ang magiging prinsesa ng buhay ko! Kaya tigilan mo na yang kalokohan mo!" Galit na galit talaga sya. Alam ko naman na magiging ganito talaga yung reaksyon nya.
"Wag mo ngang sabihin kalokohan to. Pring, future ko na yung pinag-uusapan natin dito." Nakakaasar lang. Bakit ba nya sinasabing kalokohan ang pag-aaral ko sa Canada.
"Future?! Ako ang future mo! Sh*t na future na yan! Hindi pa ba sapat? Tinry ko naman na maging ideal man mo diba? Sum alam mo naman na mahal na mahal kita diba? Ayaw mo ba maging Summer Caste?" Gusto ko. Gustong gusto ko Daniel. Pero hindi pa ngayon.
"Sapat na, sobra pa nga yung mga ginawa mo para sakin eh. Pero kaylangan ko talagang gawin to." Sinabi ko yon pero hindi ako nakatingin sakanyan. Ayaw na ayaw kong nakikita yung mukha nyang yon. Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pilit kong pinipigilan.
"Pero bakit ka pa aalis?! Pwede ka namang mag-aral dito sa Pilipinas! Nakakabadtrip yang shit na Canadang yan."
"Wag ka ngang magmura."
"Paano ako hindi magmumura eh yung taong mahal ko aalis na?! Aalis ka pero wala akong magawa! Ilang taon kang mawawala?"
"Mga 5 years."
"Shit! Pano ako mabubuhya ng 5 taon na wala ka?"
Dahil sa sinabi nya tuluyan na talagang tumulo ang mga luha ko. Hindi naman talaga si Pring ang tipo ng lalaki ang gusto ko, kaso hindi ko alam pano nahulog ang loob ko sakanya. Baka ganon talaga ang pag-ibig.