Chapter 1

8.8K 194 15
                                    

*Precious' POV

"Hoy! Ella, Kim, Kath, Ann! Bilisan niyo namang magligpit ng mga damit at gamit niyo!" sigaw ko sa kanila mula dito sa living room.

"Ang babagal niyo, ano ba!" isa ko pa ulit sigaw sa kanila. Paano naman kasi, makikipag-meet kami ngayon sa parents namin.

Weird ng parents namin, alam niyo 'yun? Sinong 'di mawe-weirdan kung pinapupunta kami dun sa meeting place namin tapos pinadala niya samin lahat ng gamit namin tapos hindi man lamang nila sinabi samin kung bakit. Weird diba?

"Hoy! Ano ba!? Ang kukupad niyo naman, sinabi na kasing magbihis na agad kayo kanina. Grabe lang!" isa ko pang pagmamaktol dito.

"Oo na! Eto na nga pababa na kami. Nandyan na! Atat kasi." sabi ni Kath habang bumababa sa hagdan ay nagdire-diretso papuntang sasakyan. At sumunod na lang din ako sa kaniya at ganon na rin naman ang ginawa nila Ella.

Papunta na kami sa meeting place na sinasabi nila Mommy, kasi 'di naman kalayuan 'to sa tinutuluyan namin. "Bakit ba kasi ang aga? Tapos kailangan pa magmadali. Tss." tanong ni Ann habang nagddrive. Yes, highschool student palang kami pero marunong na kami magdrive kasi ipinasok kami ng mga daddy namin sa isang driving lesson. May license na din kami kaya 'di na hassle magsakay ng jeep kapag papasok kami.

"Iniintay na kaya tayo nila Mommy at Tita, kanina pa sila dun. Mahiya naman kayo kung pagiintayin niyo pa sila." sabi ko naman habang kinukutingting 'yung phone ko.

"OMYGOSH! Talaga!? Bakit 'di mo agad sinabi samin?! You're so nakakainis bessy! Let's go girls!" sabat naman ni Ella, nakakainis din paminsan-minsan ang babaeng 'to. Sobrang conyo, iniisip ko tuloy kung bakit naging kaibigan ko ang isang 'to e. Nakakainis lang kasi, ang arte masyado.

Well, nangyari lang naman kasi na magkakaibigan kaming lima kasi, highschool and college buddies ang mga parents namin. Naisipan siguro nila, na ipasa samin 'yung nasimulan nila.

"Teka lang, bakit nga ba tayo pinapapunta nila Tita? May dapat bang ipagcelebrate or what?" tanong naman ni Kim, as usual, kaharap na naman niya ang pinaka-bestfriend niya - ang mahal na mahal niyang mga books. Kailan ko ba nakita 'to na hindi binitawan 'yung books niya. Grabe, kung ako lang talaga si Kim baka maloka na ako sa kakabasa ng makakapal na libro.

"I don't know. Walang sinabi sakin kung bakit e." sabi ko at busy pa rin ako sa pagkakalikot ng phone ko, naglalaro kasi ako. Eto lang ang way para makaiwas ako sa kanila. Alam nila ang nangyari sakin, lately lang 'yun. Kaya dapat iwasan nilang iopen-up 'yun kasi kung hindi baka masapak ko lang sila.

"Ay, weird. Sa tingin niyo bakit?" tulad ni Kath, curious talaga ako kung bakit e. Kaso wala akong maisip na reason nila kung bakit gusto nilang makipag-meet samin.

"Business." matipid na sabi ni Kim.

Business? Don't tell me na dahil may ipapakilala na naman sila samin na lalaki na anak ng business partners nila. Madalas nila 'tong ginagawa samin nun pero ngayon natigil na nila 'yun ah. Tss. How could them? Ipagpapalit nila kami sa business nila. Myghad!

"What?!" sigaw na tanong ni Ann.

"Nababaliw na naman ba sila?!" ganyan palagi si Ann kapag ganitong sitwasyon na, man-hater you know.

"Gwapo." sabi ni Ella kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Where?" basta kapag sa usapang gwapo, nagkakasundo kami neto, 'di naman sa malandi kami pero natutuwa lang kami makakita ng mga gwapo e. Yeah, I know, we're so weird.

"I mean, if ever na about sa business 'yun, sana gwapo." paliwanag niya.

"At sana 'di katulad nung last na ipina-date nila satin, halos lahat gwapo kaso ang babastos naman."

The Fashionista's meets The Playboy'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon