Chapter 45

2K 45 13
                                    

*Precious' POV

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin kagabi. Kung bakit ganon na lang ang ikinilos ko. Nakakahiya na sobra 'yung ginawa ko kagabi.

Nakakahiyang humarap sa kaniya ngayon. Kung pwede lang sanang kainin na ako ng lupa ngayon, please. Nakakahiya talaga as in.

"Ate..." tawag sakin ng isangi bata na nasa labas ng pintuan ng room ko.

Ang cute niya, manang-mana talaga sakin. Hindi ko ipagkakaila na kapag lumaki na talaga 'to madami ring magkakandarapa dito tulad ko.

"Ate.. Nakikinig ka ba sakin?" kung titingnan mo 'tong batang 'to inis na inis na siya sakin.

Tiningnan ko siya, "Ano nga ulit 'yun?" tanong ko sa kaniya. Tsaka naman siya napasabunot sa buhok niya.

"Ugh! You're spacing out Ate! Nakakainis ka na ah! Porket ba ayos na kayo ni Kuya VJ ganyan ka na? E kung pabalikin ko kaya siya sa U.S at ipakasal na dun sa dapat fiance niya!" inis na sabi niya sakin. Napapatawa na lang ako dito.

"Walang ganyanan Aye, hindi mo ba alam na binalikan niya ako kasi ako 'yung mahal niya." sabi ko sa kaniya na parang bata. Imagine-nin niyo na lang kung anong itsura ko. Cute pa rin ako.

"Edi kakausapin ko si Kuya VJ at sasabihin na balikan niya na 'yung babae niya." sabi niya sakin.

Natigil ang pagtatalo namin ng dahil ni Kim. Ang adik din neto. 'Di ko alam kung matutuwa ako sa kaniya o maiinis. Matutuwa kasi nilagtas niya ako dito sa kapatid ko para sa topic na 'yun. Maiinis kasi ngayon na lang ulit kami nagusap ng ganito ng kapatid ko tsaka siya eepal.

"Oh?" tanong ko sa kaniya.

"Sungit. Red days ba?" tanong niya.

"Bakit nga?!" sira rin 'to. Wala naman palang kailangan.

"Chill," sabi niya at nagtaas ng dalawang kamay. Parang suko na siya, pero aaminin ko. 'Di ko red days ngayon, di 'ko lang alam kung bakit nga ang sungit ko. Epekto ba 'to sakin nung pagsingit niya sa bonding namin ng kapatid ko.

"Nasa baba ang boyfriend mo." sabi niya. Na-excite naman ako nung marinig 'yun.

"Paakyatin mo." seryosong sabi ko.

Rinig ko pa nga ang pagdadabog niya at nagparinig pa sakin. Kesyo para daw akong boss. Bakit hindi na lang daw ako 'yung bumaba dun. 'Yung babaeng 'yun talaga oh.

"Ayan. Andyan pala si Kuya e. Sasabihin ko na sa kaniya." nabalik naman ang diwa ko ng magsalita si Ayesha.

"Sige lang. Kung akala mo namang babalik pa siya dun." sabi ko.

"Babalik 'yun. Kung ayaw niya bumalik dun, edi ako. Sasabihin ko intayin niya akong lumaki para kami ang magpapakasal."

"Walang agawan. Ako nauna sayo e."

"Ano naman kaya ang pinagtatalunan ng dalawang 'to?" sabi ng isang familiar na boses ng makarating sa room ko.

"Eto kasi e. Ang bata-bata pa, kung ano-ano ng alam." para lang ako ditong timang na nagsusumbong sa Daddy.

"Anong ako? Ikaw nga diyan e. Tutupadin ko din balang araw 'yung sinabi ko Ate."

"Hindi na nga kita inaano diyan. Ikaw 'tong nakikipagtalo."

"Hindi ko gusto 'yun Ate. Talagang kami lang talaga ang itinadhana."

"Manahimik ka Ayesha! Ako ang nauna, kaya sakin siya. Humanap ka ng ka-edad mo!"

"Teka nga.." pagputol niya sa pagtatalo namin dito. "Ano bang pinagaawayan niyo?" natatawang tanong ni VJ. Siya na nga nangistorbo sa pagaaway namin, siya pang may ganang tumawa.

The Fashionista's meets The Playboy'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon