Chapter 29

2.1K 46 19
                                    

*Kyle's POV

"Kinikilig pa rin ako sa kanila." sabi ni Kath habang naka-kapit sa braso ko.

"Tama na ang kilig." sabi ko sa kaniya.

Kanina pa kasi siya nagsasabi na kinikilig siya kay VJ at Precious.

"KJ mo talaga. Aminin mo na din kasi na kinikilig ka kanina."

At kanina niya pa rin pinaglalaban na kinikilig ako sa dalawang 'yun.

"Hindi nga kasi, Kath. Masaya ako sa kanila, hindi kinikilig. Magkaiba 'yun." sabi ko at tinitigan siya.

I saw her pouted.

"Cute mo." I said and pinched his chubby cheeks.

"Tch." sabi niya at tiningnan lang ako.

"Date tayo, mamaya." sabi ko at tiningnan na naman niya ako.

"Next week, exam na natin kaya bago tayo maging busy magde-date muna tayo." I demanded.

"Bakit hindi pa after ng exam?"

"Pwede rin naman. Pero magde-date tayo mamaya at magde-date din naman tayo aftet ng exam. Deal?"

"Deal." sabi niya at nginitian ako.

Hay, ayan na naman siya sa ngiti niyang 'yan. Ang cute-cute niya talaga. Kapag kasi talaga ngumingiti siya, nawawala ang mata niya e.

"Puro kayo date diyan. Tara nga dito!" panira samin ni Kevin.

Ang lalaking 'to, napaka-hilig manira ng moment.

Lumapit kami sa kanila at nakita namin si Spade sa screen ng laptop.

"Facetime!" sabay-sabay nilang sabi kaya natawa naman si Spade.

"Hoy, Kyle! Hindi mo sinabi sa kanila ano!" sabi ni Spade.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Sorry na." sabi ko sa pinsan ko na kaharap namin ngayon.

"Puro kasi date ang inuuna e." litanya ni Kevin.

Ang isang 'yan, lately napapadalas ang pagiging mahilig manira ng moment. Letche.

"I miss you." sabi ng nakapangalumbabang si Kim.

"I missed you too."

"Huwag nga kayong magpaka-cheesy sa harap namin. Tutulad pa kayo kay VJ at Precious." sabi ni Aice kaya nasapak siya ni VJ.

"Kung ayaw niyo, edi umalis kayo dito." pagtataray ni Kim.

"Kamusta na, bro?" tanong sa kaniya ni VJ.

"Oo nga, ayos ka na ba?" tanong ko kaya agad akong hinampas ni Kath.

"Hintayin mo akong gumaling at makauwi diyan, Kyle at masasapak kita." sabi niya kaya napatahimik ako.

"Alis na guys. Maguusap pa kami." pagtataboy samin ni Kim.

Selfish naman ng isang 'yun.

"Pero--"

"Diba susunduin niyo Precious si Ayesha? Kasama mo si VJ." napatango ang dalawa at agad lumabas ng bahay.

"Diba Ann at Aice, may pupuntahan kayo? Napapadalas pagpunta sa bahay niyo ah."

"Ikaw naman Ella at Kevin, diba magm-mall kayo kasi bibili ka ng new arrival ng Nike?" napa-shit naman si Kevin at hinila si Ella.

Kami na lang ni Kath nandito kaya tinaasan kami ni Kim ng kilay samantalang si Spade tumatawa lang sa harap ng screen.

The Fashionista's meets The Playboy'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon