5 years ago
"May bagong sulat ka na naman?" namamanghang tanong sa akin ni Erika.
Paano'y may bagong sulat na naiwan na naman sa locker ko. Hindi naman galing sa secret admirer dahil may pangalan kung kanino nanggaling.
Nagkibit balikat lang ako sa kaniya bilang sagot. Ngumiti ako at itinago ang sulat sa loob ng bag ko.
Patapos na kaming sa pareho sa kolehiyo. Business Administration ang kinukuha niya habang ako naman ay nais maging arkitekto.
Bata pa lamang kami ay magkasalungat na ang mga nakahiligan naming gawin pero sa kabila noon ay naging matalik kaming magkaibigan.
"Ewan ko ba kasi sa'yo, bakit hindi mo pa sagutin iyang manliligaw mo nang maranasan mo naman ang magkaboyfriend. Hindi ka na bata no!" Naglagay siya ng pulang lipstick sa labi niya habang ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
Alam naman niya na wala akong hilig sa paglalagay ng kung ano sa mukha ko. Tama na ang nagsuklay ako.
"Madami lang talaga kong plates na kailangang i-submit. Alam mo naman na may pangako ako kay ate," tugon ko sa kaniya. Sumandal na lang ako sa pintuan ng locker ko habang hinihintay siyang matapos sa pagaayos niya.
"Oo na lang, Air, wala na akong sinabi." Sinara niya ang pinto ng locker niya at bumaling sa akin.
"Pabayaan mo na nga ang lovelife ko, Erika. Ikaw, kumusta na kayo no'ng gitarista?" nang-aasar na tanong ko sa kaniya.
"Ayun, may date kami ngayon. Kaya hindi kita masasamahan pauwi. Hinihintay niya na ako sa music room," sabi niya. Ginaya na rin ang posisyon ko, sumandal na rin siya sa locker niya.
"Ha? Sige na puntahan mo na siya, ok lang naman sa akin," bahagyang itinulak ko pa siya para umalis na.
Tumawa lang siya.
"Hintayin natin 'yang amerikanong manliligaw mo para may makasabay ka."
"Hindi pa nga siya nanliligaw!" nakangusong angal ko sa kaniya. E, sa hindi naman talaga.
"Ah hindi pa? Edi hinihintay mo pala?" tumaas baba ang kilay niya habang may ngiting nangaasar na nakapaskil sa labi niya.
"Erika naman eh!" naasar na bulyaw ko.
Humalakhak lang siya ulit bago kinurot ang pisngi ko. "Ang cute cute mo talaga Airina, mauna na ako, nandiyan na manliligaw mo."
Nakangusong inirapan ko siya. "Ingat ka!" pahabol na sigaw ko sa kaniya. Itinaas niya lang ang kamay sa ere bilang tugon.
Bumaling ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa maong na pantalon niya. Ang itim na t-shirt naman niya ay humahapit sa katawan niya kaya naman bakas na bakas ang matipunong pigura niya.
"Hi!" nahihiyang bati niya sa akin. Ngumiti siya pero agad ding napayuko. Namumula ang pisngi niya.
Napangiti ako sa kinilos niya. Hindi siya makaunawa at makapagsalita ng tagalog. Magli-limang buwan pa lang kasi siya rito sa Pilipinas. Kaya naman tinuturuan ko siya.
At sa loob ng ilang buwan na pagtuturo ko sa kaniya ay kahit papaano ay may alam na siya.
Pero iba man ang nakasanayan niyang kultura saludo pa rin ako sa pagiging maginoo niya.
"Hello Byron, kumusta ka?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga librong yakap-yakap ko. "Let me carry those," aniya bago muling timingin sa akin. "I'm good, 'bout you? How's your day?"
"Just same as yesterday," sagot ko naman.
Tumango tango siya tsaka muling nagiwas ng tingin. "Can I walk you home?"
"Ofcourse," sabi ko. Tahimik na naglakad kami patungong gate ng university na pinapasukan namin.
"Airina," maya maya'y tawag niya sa akin.
Nilingon ko naman siya. Nakayuko parin siya na para bang nagiisip kung paano magtatanong sa akin.
"Yes?" Huminto ako nang huminto din siya.
Tumingin ulit siya sa mga mata ko pagkatapos ay bumuntong hininga.
"Can I ask you out tomorrow?" mahinang tanong niya na nakapagpakaba sa dibdib ko.
"Out? You mean, a date?"
"Yes, if your free. But if you aren't I'll under-..." hindi ko na siya pinatapos pa at agad na sumagot.
"Sure."
Nagliwanag ang mukha niya at agad na napangiti.
"I-I'll pick you up tommorow at seven," nauutal na saad niya ng makaraging na kami sa harap ng apartment na tinutuluyan namin ni Erika.
"Bye Byron," paalam ko sa kaniya. Kumaway pa ako bago pumasok sa loob.
Tomorrow indeed is another day.
BINABASA MO ANG
The EX Chronicles : BYRON
RomanceTerrified by sudden emotional changes and pressured in chasing her dreams Airina, flew away from the man whom her heart beats for. She hid and went to study overseas just to be away from Byron, her boyfriend. But fate has its own way of bringing the...