Present
I don't know what happened. Ang natatandaan ko lang ay nasa baby shower ako ng ate ko and the next thing I knew, hinahabol na ako ng psycho. And he is not just an ordinary psychopath. He's my greatest mistake.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Sinubukan kong gumalaw pero nakatali ako sa kama, spread eagled on the top of his stinky bed to be exact.
And for the record, I'm not naked. I'm fully clothed. Inikot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwartong kinalalagyan ko.
Natagpuan ko siyang nakangising nakatitig sa akin sa gilid ng kamang kinatatalian ko.
"Stupid psycho who can't take his eyes of me," pasaring ko sa kanya tsaka siya inirapan. I'm afraid, terrified actually pero hindi ko ibibigay sa kanya ang satisfaction na makita iyon sa akin.
"Whatever you say woman, you're mine now. And no man can ever take you away from me. Not again."
"Pakawalan mo nga akong siraulo ka!" sigaw ko sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pilit na kumakawala sa pagkakagapos niya sa akin. Namumula na ang mga kamay at paa ko sa pagpipilit ko na kumawala.
Inis na nagmura siya bago masamang tumitig sa akin. "Huwag ka ngang malikot. Masusugatan ka niyan eh!"
"Sira ulo ka palang talaga eh. Paanong hindi ako maglilikot tinali mo ko? Natural kakawala ako!" muling sigaw ko sa kaniya.
Lahat ng takot ko unti-unting nawawala sa inis sa kaniya. Buwisit siya!
"Paanong hindi kita itatali tatakas ka na naman? Tatakbo ka na naman?"
"Paanong hindi ako tatakbo, hinanahabol mo ko?"
Tumaas baba ang dibdib niya habang ang mga matatalim niyang mga mata ay tila humihiwa sa akin.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paghila sa mga kamay at paa ko.
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi at tuluyan ng magkasugat ang mga kamay ko.
"Fuck! Ang tigas talaga ng ulo mo Airina."
"Tss. You know psycho, you don't have to act as if you still care," irap ko sa kanya.
Mas lalong nagigting ang panga niya. Marahas na bumuntong hininga siya at kumuyom ang kamao niya.
"I may have ADHD but I'm not a psycho. I may have an addictive personality but I won't hurt you. Never. And for your information, I do still care. I don't want to but this stupid heart of mine can't stop worrying about you!" lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay kong may sugat.
"But then maybe you're right. I must be really insane, I fell for you. I fell for a heartless woman like you," sabi niya ng may mukhang hirap na hirap. Na para bang sobrang sakit ng dinadala niya.
Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko, tama nga bang itinuring ko siyang isang pagkakamali lang?
BINABASA MO ANG
The EX Chronicles : BYRON
Storie d'amoreTerrified by sudden emotional changes and pressured in chasing her dreams Airina, flew away from the man whom her heart beats for. She hid and went to study overseas just to be away from Byron, her boyfriend. But fate has its own way of bringing the...