Chapter One.

1.6K 21 4
                                    

(Kylie’s POV)

Ako nga pala si Kylie Jane Fernandez. Eighteen years old at second year college na. First day of class ngayon. Block section kami kaya kung sino mga ka-block ko last year, sila pa rin blockmates ko this year. Boring ngayong first day. Parang ewan lang kasi nag introduction na naman kami. Wala ee…. Bagong prof. haist.

“Aguilar, Jordan Spencer” sabi nung bagong prof kaya tumayo si Jordan para magpakilala.

“Jordan Spencer Aguilar po. Eighteen. Taga diyan lang sa tabi tabi.” Sabi niya. Yun lang yung pagpapakilala niya kasi nga magkakakilala na kaming magkakablock. Yung prof lang talaga yung umeeksena kaya may ganitong introintroduction pa.

Ay. Siyanga pala… si Jordan yung all time crush ko since preschool. Same school din kami grumaduate nung highschool. May loyalty award kami. Haha! Napakagwapo niya. 5’11’’ ang taas. Di gano kaputian pero macho. May eight pack abs tapos ang laki ng biceps. Malaki rin yung hidden warrior niya dun sa pagitan ng mga hita niya. Pano ko nalaman? Well, we had sex.

Hindi mo siya matatawag na casual sex kasi punong puno ng pagmamahalan yung ginawa namin. Damang dama ko yun sa bawat pagbaon sakin ni Jordan. Nag “I love you” pa nga siya eh. Sabi pa niya “You’re my everything” kaso hindi ko pangalan yung binanggit niya. Pangalan ng kakambal ko, Kelly.

Badtrip! Naalala ko na naman. Ewan ko ba. Alam naman ni Kelly na since preschool ko pa crush si Jordan, sinagot pa rin niya. Third year highschool kami nung naging sila. Dalawang taon nanligaw si Jordan. Oh di ba? Napaka pachix ng kakambal ko. Pano ba naman kasi??? Nagmana sakin ng sobrang kagandahan tapos top 1 pa ng batch. Plus!! Student Government President. Siya naaaaa!

Eh ako? Ano bang meron ako? Capital W-A-L-A bukod sa napakagandang mukha at napaka sexy na katawan. Since grade 1 tutorial ako. Di nga tumataas ng 79 grade ko eh. Nung nasa tiyan siguro kami ng nanay namin lahat ng katalinuhan hinigop ni Kelly. Teka, san ba ako magaling? Hay. Ayun. Magaling ako sumayaw. Matigas katawan ni Kelly. Magaling ako kumanta. Sintunado si Kelly. Yun lang lamang ko. Yun lang.

5’7’’ ang taas namin ni Kelly. Parehong pareho vital stats namin na 38-24-38. Ewan ko ba dun! Napaka gaya gaya >_< Maputi kami pareho. Sing puti ni Coleen Garcia mga ganun. Super identical naming dalawa! Di ko nga alam pano nalalaman ng mga magulang namin kung sino si Kelly at kung sino si Kylie. Pati nunal namin parepareho ng pwesto. Birthmark lang namin yung kailangan mong hanapin para malaman pagkakaiba namin. Yung akin nasa right ankle ko. Crescent moon yung shape niya. Ang astig nga eh. Yung kay Kelly naman nasa left wrist hugis apple na walang tangkay.

Sa Unibersidad ng Pilipinas nag-aaral yung kakambal ko. Talino talaga niya noh? Top four nga siya nung UPCAT eh kaso first choice niya sa Los Baños hindi sa Diliman kaya malayo siya samin. Ewan ko ba dun. Eh may boyfriend naman siya dito sa Manila. Di ko siya maintindihan bakit gusto niyang mapalayo. Sabi niya gusto daw niya ng bagong environment para makapag aral daw siya ng maayos. Yung malayo raw sa polusyon. Nako. Baliw talaga yun.

Medyo bata yung prof namin ngayon kaya hinayaan niya kaming mamili ng gusto naming seating arrangement. Limang upuan sa iisang row. Hinihintay ko si Jordan mamili ng upuan niya bago ako magdecide. Gusto ko kasi tabi kami eh. Kaso ayun. Naunahan -_- umupo si Jordan sa tabi ng kaklase naming si Paul tapos agad agad naman siyang tinabihan ni Marga. Dun sila sa likod sa may sulok. Punyeta talaga. Napakalandi talaga nung babaeng yun. Siya si Margaret Dixon. Girlfriend ng sikat na sikat na si Troy Cortez, fourth year college dito din sa university na ‘to. Bakit sikat si Troy?? Kasi sex god. Yun lang naman. Halos lahat ng babae sa batch niya nakantot niya na. eh tapos ‘tong girlfriend niyang si Marga, ganun din. Sex goddess. Dami na rin naka tira sa kanya. Napakalandi talaga!!! >_<

Ayun no choice ako. Pumili na lang ako ng matino tinong katabi. Tinabihan ko yung kaibigan kong si Abigail Montero kahit na alam kong OP ako dito. Katabi rin kasi niya sa kabila yung BFF niyang si Keith Vargas. Hay. Bahala na.

“Di mo tinabihan si Jord?” tanong agad sakin ni Abi pagkaupo ko.

“Ay ayaw mo ako katabi?? Gusto mo solohin si Keith? Sige alis na ‘ko hanap na ‘ko ibang pwesto.” Sabi ko bago tumayo at lumakad palayo kaso hinila ako ni Abi pabalik sa upuan ko kaya napaupo na naman ako.

“Ba’t ang sungit mo?” tanong sakin ni Abi habang tumatawa. Napalingon siya sa pwesto ni Jordan at ayun lalo lang nang asar. Tinawanan na naman ako. “Naunahan ka ni Marga. Wawa ka naman.”

“Yan ayaw ko sayo Abi eh. Pagtitripan mo na naman ako.” Sabi ko.

“Hayaan mo yun. Loyal si Jordan kay Kelly. Di niya papatulan si Marga.” Sabi ni Abi. Mas nang asar pa.

“sige laaaaaaang. Ganyanan tayo Abi eh. Tangina naman.”

Tumawa siya lalo. “Bakit? Ayaw mo nun? Makakasigurado kang walang mangyayari kina Jordan at Marga.”

“Payag na akong may mangyari sa kanila. Go na. wag lang siya maging loyal kay Kelly.”

“Eh ba’t ayaw mo maging loyal siya sa kambal mo?”

“Para may chance na maging akin siya.”

Lalong tumawa si Abi. “Baliw ka noh? HAHAHAHAH! Sa tingin mo ba pag naghiwalay sila gugustuhin ka niya? Eh iisa lang naman mukha niyo ni Kelly.” Sabi niya.

Sabagay. Tama naman siya. Pero ayoko rin naman mawalan ng pag asa. Ever since si Jordan lang minahal ko ng ganito.

Ater class, buong lakas ng loob kong nilapitan si Jordan.

“Hi, Jord!” nakangiti kong binanggit ang pangalan niya.

“Oh, Ky… bakit?” tanong niya sakin. Wew. Kinikilig ako :”>

“Uwi ka na? sabay na tayo.” Sabi ko.

“bakit? Magkalayo naman condo natin.” Sagot niya.

“Wala lang. Eh kasi wala rin ako kasabay eh.” Pinipilit kong ngumiti kahit sobrang pigil na pigil ako sa pagkakilig ko. Gusto ko tumalon talon sa tuwa. Ewan ko ba. Lagi na lang ako ganito pag sobrang lapit sakin ni Jordan ee

“Paul!!” sigaw ni Jordan. Kaya lumapit yung bestfriend niyang si Paul Hernandez. “Samahan mo si Kylie. Wala siyang kasabay umuwi eh. Ingatan mo yan ha.” Sabi ni Jordan bago ako tuluyang iwan kay Paul.

-_-

Haaaaay.

Pero kinilig ako dun sa part na “Ingatan mo yan ha.” Kaya ok na yun :”””””””””””>

“Di ka na naman napansin” Sabi ni Paul. Alam niya kasing mahal na mahal ko si Jordan. Si Jordan lang naman yung sobrang manhid na di makaramdam nun eh.

“Oo nga eh.” Sagot ko then nagsimula na kaming maglakad. Kinuha ni Paul mga gamit ko. Siya nagbitbit.

“Fourteen years ka nang may gusto kay Jord at alam mo namang walang pag-asa. Di ba pagpapakatanga na tawag diyan?”

“Tangina mo naman Paul eh. Loyal lang ako. LOYAL.”

“Bakit ayaw mo pa maghanap ng iba? Alam mo namang kay Kelly na siya.”

“Puta. Alam mo yung loyal? Paul naman.”

“Kahit alam mong masasaktan ka lang?” tanong niya. Hay. Ouch ha. Ba’t ba ito usapan namin?

“Kahit masakit.” Sagot ko agad.

“So ok lang sayong ahasin kakambal mo makuha lang si Jord?”

T____________________T

Haaaaaay.

Sad to say… YES.

“Oo. Walang kapatid kapatid pagdating sa pagmamahal ko kay Jordan.” Sabi ko.

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

Updated na :* Dedicated to JDInvader92711 :D siya lang ata kasi yung only reader netong story na 'to eh. Sobrang natagalan ako sa pag update guys.. pasensya na. Pero here it is na!! Sana magustuhan niyo :) Msg me if interested magpa dedicate.

Karibal ko Kakambal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon