Chapter Four.

1.3K 19 6
                                    

(Kelly’s POV)

Inuwi ko na yung kapatid ko sa condo niya, which is condo naman talaga naming dalawa. She’s way too drunk! Buti nalang sinamahan kami ni Paul. He carried Kylie hanggang sa maihiga na namin siya sa bed. Tulog na yung kambal ko. Ang baho baho niya! Amoy alak. Kailan ba matututo ‘tong kapatid ko?

“Is she always like this, Paul?” I asked.

“Hindi.” Sagot naman niya agad. “Napasarap lang siguro sa pagpaparty. Don’t worry, Kels. Di naman ganyan araw araw si Kylie.”

“Take care of her, ok? Di ko na alam gagawin ko sa kanya eh. She’s too immature. Remind her to be responsible naman minsan ha? I am not always here to guide her. When I go back to Laguna baka December na uwi ko. I will sure be very busy there. Ikaw na muna bahala sa kanya.”

“Sure.”

Pinauwi ko na si Paul kasi gabi na. May pasok na ako in three weeks. Sana naman maging ok yung mga maiiwan ko dito sa Manila. Si Kylie talaga ang main worry ko. Hindi na kasi ako nag aalala kay Dan. I trust him. Alam kong hindi niya ako magagawang lokohin kahit na magkalayo kami, kahit na hindi ko siya tinetext. I know that he’ll remain faithful.

Dumiretso ako sa kusina to get a glass of water. Pantanggal stress sana kaso lalo lang akong nastress sa nakita ko sa kusina namin. Napakakalat!! Hindi ba talaga marunong maging maayos ‘tong kambal ko? Yung mga pinagkainan niya hindi man lang niya niligpit! Hays. Ano pa nga ba?? I decided to wash the dishes for her. Wala namang ibang gagawa nito eh. Ewan ko na lang pag alis ko. Sana maalagaan siya ni Paul. Sana matuto na rin si Kylie to be on her own. Hindi parating may mag aalaga sa kanya eh.

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan niya, nagbihis na ako. Naghilamos na rin at nagtoothbrush. Nagpainit ako ng water. Pupunasan ko ‘tong kambal ko para naman maayos yung gising niya bukas. I hope she’s ok.

By 11:30pm, natulog na ako.

6:00am, tumunog na yung alarm ko kaya bumangon na ako. Tulog pa rin si Kylie. I went inside the bathroom to wash my face and then brush my teeth. After that dumiretso na ako agad sa kusina to look for food. Pagkabukas ko ng ref nabadtrip ako sa nakita ko. Pizza and donuts lang laman tapos ang daming ice cream saka softdrinks. Mamamatay ng maaga ‘tong kakambal ko eh!

I disposed three boxes of pizza and two boxes of krispy kreme. Tinapon ko na rin lahat ng cola na nakita ko. Ni wala nga siyang tubig! Ugh! Wala na ‘kong pakialam kahit na magalit pa siya. Kailangan niya matutong kumain ng real food. Lumabas ako para mag grocery. Bumili ako ng isang tray ng itlog, gulay, bread, palaman and chicken breasts. Bumili rin ako ng fruits and juices. Pagkabalik ko sa condo, tulog pa rin si Kylie. Naghanda na ako ng breakfast. I fried eggs. Nag toast din ako ng bread. Habang hinihintay kong matoast yung tinapay, naghiwa ako ng cucumber. Inayos ko na sa magagandang plates yung mga naprito kong itlog. After matoast nung bread, nag spread ako ng butter then nilagay ko na rin siya sa plate kasama nung egg. Dalawang plato yung ginamit ko. Isa kay Kylie, isa sakin. Tig isa rin kami ng egg. Hati kami sa cucumber. Tig dalawa kami ng tinapay. After I prepared the food, I poured orange juice sa dalawang baso. Inayos ko na lahat sa dining table. Si Kylie nalang kulang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Karibal ko Kakambal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon