Chapter Three.

1.2K 10 1
                                    

Nagmadali akong magbihis. Dinelete ko yung text ni Kelly pati yung call log. Natataranta ako! Baka makaiwan ako ng kung ano man, panty o bra kahit ano maski strand ng buhok.

>_<

Si Kelly naman kasi eee!! Inuna pang magsabi sa boyfriend niya na nandito na siya kesa sa kapatid niya. Take note… kakambal pa ha. Asar! Para akong si flash na tumakbo palabas at papunta sa kahit na anong mall makapagtago lang. buti may mall na malapit.

Phew!

-_________________-

Chineck ko yung relo ko. Wow. In ten minutes nagawa kong lahat ng yon. Nakapagbihis ako, nakalabas ng building, nakapunta sa mall. Galing ko talaga!

Tinawagan ko agad agad si Paul.

*Nais ko ay magpakilala sa iyo at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko. Maunawaan mo kaya o baka sampalin mo lang ang aking mukha. Nagdadalawang isip na…*

=_=

Enebenemenyeeen.

Mag bestfriends nga sila ni Jord. Mahilig sa OPM. Weirdo rin netong si Paul eh noh? Uso pa ba ringback ngayon? Abnormal.

“hello?” sagot niya

“Paul!!” sabi ko agad. “Asan ka??”

“Dito sa may infinitea. Yung malapit sa school. Yung lagi natin pinagtatambayan nina Abi.”

“Jan ka lang. WAG ka aalis.”

Then binaba ko na yung phone. Nagmadali akong maghanap ng jeep papunta dun kay Paul. In fifteen minutes, nakarating naman ako.

Wew  >_<

Hingal na hingal na ako! And super haggard ko na rin.

“Anong nangyari sayo?” tanong agad ni Paul.

“Andito na si Kelly.” Sagot ko agad then hinatak ko na siya palabas ng Infinitea.

“Oh? Tapos??” tanong niya.

“Anong tapos?! Putspa naman Paul! Punta tayong 711 dali!”

Dinala ko siya sa pinakamalapit na 711 tapos bumili ako ng black label. Keri na yun kahit mahal!! Tapos bumili rin ako ng isang bote ng Tanduay Ice.

“Anong gagawin mo jan?” nagtatakang tanong ni Paul.

Hinila ko agad siya at sumakay na kami ng jeep papunta sa condo ko. Wew! Road trip. Saya naman.

Time check:  8:15PM

Mula condo ni Jord hanggang dito sa sinasakyan naming jeep ngayon… 30 minutes na ang nakalipas. Sabi sa inyo ako si flash eh!

After eleven minutes, nakarating na rin kami ni Paul sa wakas sa condo. Nagmadali akong sumakay ng elevator papuntang 5th floor. Buti na lang nasa 5th floor lang yung kwarto ko kaya malapit lang.

Pagkapasok ko, nagulat si Paul sa ginawa ko. Naghubad ako at nagpalit ng damit then binuhos ko sa sarili ko yung Tanduay Ice.

“Kyl, ano bang trip mo?” tanong niya.

Tinungga ko yung black label hanggang sa makalahati ko. Tumakbo siya palapit sakin para kunin yung boteng hawak ko.

“Ano bang problema mo?” tanong niya. Nagtataka talaga si Paul sa mga nangyayari. Eto na naman. Nawiwitness na naman niya kagagahan ko.

“sssh. Chill ka lang” sabi ko sa kanya then nagpatugtog ako ng malakas na club music. “Tawagan mo si Kelly. BILIS!!”

Wala na siyang nasabi. Dinial agad niya sa iPhone niya yung number ng kakambal ko. Ayun buti sumagot.

Karibal ko Kakambal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon