Scott’s P.O.V
Putapeteng Chelsea naman yun oh! Dahil sa kanya, di ako nakatulog! Tsk
Pagka-upo ko sa upuan ko, di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako nung Recess nalang dahil kina Eric at Carlos.
“Pare, gising na gabi na!” Sabay tawa ng malakas.
“Ah..” nung nakita ko si Isabel na nakatingin sa akin na nakakalokong ngiti bigla nalang akong napatayo agad.
“Oh, tara na” sabi ni Eric.
Nung nasa canteen na kami, tuwing titingin ako kay Isabel lagi ko nalang syang nakikita na nakatingin din sa akin. Parang may ibig sabihin to ahh. Baka naman sinabi ni Chelsea sa kanya lahat ng mga narinig nya sa akin kahapon. Pwes! Humanda yung Chelsea na yun!
Pagkatapos naming kumain, nakita ko nalang na nauna ng pumunta sa classroom si Chelsea at pinauna ko na rin sila Carlos. Lumapit ako kay Isabel na nakatalikod saka ko sya kinalabit.
“Crush mo ako noh?” Shit Scott! Ano ba yung lumabas sa bibig mo! Sira ka talaga!
“Haha ikaw!? Crush ko!? Asa ka!” Ouch! Pero ilang beses ko sya nakitang nakatingin sa akin ahh.
Mamaya ka sa akin Chelsea. Dahil sa’yo kaya ganyan si Isabel.
LUNCH TIME!!
Nilapitan ko kaagad si Chelsea at inilayo sya kay Isabel.
“Halika nga Chelsea, may dapat kang i-explain sa akin.” Halatang gulat na gulat si Chelsea sa ginawa ko.
“Ano naman ang dapat kong i-explain sa’yo ha?”
“Kagabi hindi ako nakatulog kaya napuyat ako, Si Isabel lagi kong nahuhuli na nakatingin sa akin. At dahil jan ikaw ang may kasalan lahat!”
“So ako ang sinisisi mo?” Oo naman sya lang naman ang may gawa lahat ehh.
“Oo”
“Hindi ko kasalan kung bakit hindi ka nakatulog at hindi ko rin kasalanan kung bakit tingin ng tingin sa’yo si Isabel.”
“Paano mo naman nasabi yun? Eh di ba narinig mo lahat ng sinabi ko kahapon?”
“Oo narinig ko! Lahat! Lahat!”
“Kung narinig mo edi sinabi mo na yun lahat kay Isabel kasi bestfriend mo sya.”
“Hindi pa.” Tama ba yung narinig ko kay Chelsea?
“Hindi pa?”
“Hindi ka naman bingi, di ba? Oo hindi pa.”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko nung sinabi nya yun.
“Bakit gusto mo sabihin ko?” Huh!? Wag!
“Wag, wag. Please? Wag mong sabihin.”
“O di sige.” ‘O di sige’? Yun lang ang sagot nya? O di okay. :D
Biglang lumapit sa amin si Isabel. Bigla kong hinawakan yung kamay ni Chelsea at sinabi kay Isabel na.
“Isabel, hiramin ko muna yung bestfriend mo ahh.”
“Ahh okay!” Nakangiting sabi ni Isabel.
“Ingatan mo sya ah!” habol ni Isabel.
Nung nakalabas na kami ni Chelsea sa School dinala ko sya sa malapit na kainan dito. Sa Greenich kami kumain,
“Bakit ba ako ang sinama mo dito? Dapat nga si Isabel di ba?” Feeler naman tong babaeng to. Hindi to date noh!
“May tatanungin kasi ako sa’yo. Madaming tanong kaya ihanda mo na yang sarili mo.”
“Tungkol naman saan yang itatanong mo?” Edi kay Isabel!
“Kay Isabel”
“Ayy Isabel lang pala. O ano?”
“Ano ang fullname nya?”
“Isabel Maya Lopez”
Napangiti ako sa sinabi ni Chelsea. ‘Isabel Maya Lopez’ ang ganda ng name nya.
“Oh bat ka nakangiti?”
“Ang ganda kasi ng pangalan nya. May facebook sya?”
“Facebook? Wala syang facebook. Twitter at Yahoo ang meron sa kanya.” Kaya pala eh. Naghirap pa akong hanapin yung pangalan nya kagabi.
“Twitter? Eh anong username nya?”
“@PrincessIzzy”
“Paano naging ‘Izzy’?”
“Nickname kasi nya yun sa bahay nila.”
“Saan sya nakatira? Malapit lang ba sa school?”
“Ahh oo sa may TigerVille lang, walking distance nga lang yung bahay nila sa school ehh.” Ahh eh ito? Ang pinakahihintay ko.
“May naging ex-boyfriend na ba sya?”
“Ah wala pa. Pero minsan yung crush nya nung elementary pa nanligaw sa kanya nung 3rd year kami pero wala ehh hindi nya sinagot. Patay na patay pa naman sya doon noon.”
“Anong pangalan nung nanligaw sa kanya?”
“Ryder Kevin Gudotti”
“Saan sya nag-aaral?”
“Nasa ibang bansa na sya.”
Nasa ibang bansa nap ala ehh.
“May gusto ba sa akin si Isabel?”
“Wala naman syang nababanggit tungkol sa’yo saka ang pagkaka-aalm ko, si Lucas ang gusto nya.” Oo halata naman, kasi kahapon lagi syang nakatingin kay Lucas ehh.
“Okay sige, bukas na ulit. Baka malate pa tayo sa klase natin.”
Umalis na kami ni Chelsea sa Greenich sa pumunta ng school.
Dahil may meeting ang mga teachers ngayon wala kaming klase!!
Wala kaming klase ngayon kaya nagkwentuhan nalang kami ng mga barkada ko. Pumunta kami sa canteen at doon kami nagkwentuhan.
“Pre, may nakita akong chicks doon sa Shakey’s kanina taga Dalton sya pero.” Sabi ni Carlos.
“Dalton? Di ba malayo yun dito sa school?” Tanong ko.
“Oo eh, mga 30 minutes pa bago makarating doon.” Sagot ni Eric
“Sayang pre, maganda pa naman.” Carlos said.
Habang nagkwekwentuhan biglang napadaan si Isabel na may dalang 5 libro. Pumunta ako sa kanya at tinulungan ko sya.
“Wait lang pare ahh.” Sabi ko sa mga barkada ko.
“Oh tulungan na kita jan.”
“O sige. Dalhin natin yan sa may library.” Isabel said.
I just smiled at her then she smiled back.
“Parang ang bait mo ngayon ahh.”
“Huh? Eh hehe” she just chuckled.
Pagdating namin sa library, inilapag ko na yung mga libro sa table nung librarian at umalis na kami.
“Salamat ahh” Isabel said to me while smiling.
“Ano ka ba wala yun.”
“ah sige, mauna na ako sa taas.” Pagkasabi ni Isabel, tumango nalang ako at bumalik kina Eric at Carlos.
“Naka-one point ka doon pare ahh.” Biro sa akin ni Eric
“Ano ka ba pare, tinulungan ko lang naman.”
“Pre, wag kang mag-alala ilalakad ka namin ni Carlos sa Isabel na yan!”
“Ano pare, wag na. Mukhang walang pag-asa eh”
“Ano ba pare! Meron yan!” Sigaw ni Carlos.
Umaakyat na kami sa taas at nakita ko si Isabel na nakangiti sa akin.
Ano bang problema nya at bakit sya ganyan makangiti sa akin. Sabi sa akin ni Chelsea si Lucas daw ang gusto nya ehh. Eh ano naming ibig sabihin ng mga ngiti at tingin nya sa akin? Shit naman oh!

BINABASA MO ANG
You Are My Last (Ongoing)
RomanceThis a story about a boy in loved with a girl that hates him much but when the time pass he forgot about that girl and fell in love with the girl's best friend. In the end the girl will realize that boy is ain't a womanizer boy in his old school and...