Chapter 2

10 1 0
                                    

Isabel’s P.O.V.

7 am na, muntik na akong malate sa school. Tamang tama ang dating ko nagbell na. Pumunta na ako sa classroom na namin Room-248.

At Room-248

Pagkapasok ko, bakit ang daming babae doon? may lalake pa sa gitna nila. Matanong nga tong nerd kong bestfriend.

“Psssst” Hay bingi.

“Psssst” Ayon sa wakas tumingin din sya.

“Oh bakit?” my nerd bestfriend said.

“Bakit ang daming babae doon na nagkumpol-kumpol?”

“May gwapong transferee daw ehh.” Gwapo? Siguraduhin lang nila.

Grabe naman tong mga kaklaseng kong babae, basta gwapo di nila titigilan.

Ayyy by the way, di nyo pa pala ako kilala. Ako nga pala si Isabel Maya Lopez. I am 15 years old and turning sixteen on November 26 J At ipapakilala ko na rin sa inyo ang nerd kong bestfriend na si Chelsea Leigh Madrigal. Sya ang parati kong kasama dahil iba sya sa lahat ng babaeng kaklase namin. Simple lang sya at mabait. Yun nga lang may lagi akong kahati sa oras nya, alam nyo ba kung ano yun.. Syempre libro! Nerd nga talaga sya. Weird pa minsan. Hayyy

Okay let me continue...

Dumating na si Mrs. Calimlim at nagsalita.

“Okay class; let me introduce to you our two new students, Mr. Douglas and Mr. Guadalupe.”

Two!? Akala ko isa lang.

Wow! Confident na confident tong isa ahh. Biglang tumayo.

“Hello guys, my name is Scott Edward Douglas. I am a half-Filipino and a half-American. Hope we can be friends later.”

Scott Edward Douglas!? Sya yung sinasabi nilang babaero ehh. Sayang gwapo pa naman. Tsk.

“Okay, next is Mr. Guadalupe.”

Mr. Guadalupe? Pang mayaman ang dating ahh. Siguro mayaman to.

“Hi, my name is Lucas Gabriel Guadalupe. I am a pure Filipino. We can be friends if you like to.”

Ang cute nya naman. Mas lalo na kung nag-eenglish sya. Nakangiti pa sya habang nagsasalita. Yiiiieeeh!

Crush ko na sya! XD

Ano ba! Isabel! Wag ka ngang maging malandi! Gising gising!

“Lucas! Ang cute mo!” Hay nako! Mga babaeng malalandi talaga oh.

“Okay boys, sit down.” Mrs. Calimlim said.

From the beginning until the end of our class kay Lucas lang ako nakatingin. Ano ba yan, Isabel! Gising ka nga!

RECESS TIME!!

“Uy! Di ka ba jan tatayo?” sabi sakin ni bestie

“Huh!?” Ano bayan, Isabel gising ka nga! Nag-iimagine ka nanaman ehh!

“Alam mo, napansin ko lang kanina ka pa nakatitig jan sa Lucas na yan. Di bale, cute naman sya.” Si Chelsea ba to? Ba’t parang ngayon ko lang syang narinig na magsalita ng ganyan ahh.

“Chelsea, ikaw ba yan?”

“Hay naku, Isabel! Tara na nga recess na tayo!”

Tumayo na ako at sabay kami ni Chelsea na bumaba papuntang Canteen.

Pumila kami at bumili ng aming pagkain. Nang matapos na ang recess umakyat kami sa classroom namin at hinintay ang susunod na subject.

Nang matapos na ang klase, nagmadali akong bumaba at hindi ko na hinintay si Chelsea. Dala-dala ko ang mga librong hiniram ko sa library.

You Are My Last (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon