Chapter 3

307 7 0
                                    

Chapter 3

Habang tinatype ko to, biglang nabura yung chapter 3 at 4. hindi ko alam ang dahilan kaya naman inulit ko.

Hindi ko na inisip yung nangyari noon dahil wala sa isip ko yung mga weirs na bagay at inakala ko na baka guni guni ko lang ang lahat. I was grade 4 ng may kakaibang nangyari ulit sa akin.

Walang kasama ang lola ko kaya naman sinamahan ko sa kanyang bahay dahil ito ang sabi ni mama. Unlike sa ibang mga bata na maaga matulog ako kabaliktaran kasi madalas ay inaabot ako ng madaling araw. Ewan ko ba kasi hindi naman ako mabilis antukin eh.

Lagpas na ng 12 midnight ng makaramdam ako ng antok kaya naman humiga na ako sa kama, katabi ko si lola kaya hindi nakakatakot at nakatulog naman ako agad.

Madaling araw na ng bigla akong maalipungatan. Mabilis ang tibok ng puso ko, nagpapalpitate at halos dinig ko na, dumating din yung time na halos kinakapos ako ng paghinga at ang tangi ko lamang naiisip ay dahil sa sakit ko na asthma at  parang may kung ano sa lalamunan ko ang nakasabit. basang basa naman ako sa pawis samantalang nilalamig ako at sa katunayan nagtatayuan na ang balahibo ko. Hindi ako natatakot pero ewan ko ba, nakakaramdam ako ng parang may mga matang nakatingin sa akin. at ang bagay na yun ang ikinatakot ko. Nagtalukbong ako ng kumot ipinikit ko ang aking mga mata. Sa mga oras na ito kailangan kong makatulog.

Kinabukasan sinabi ko ito kay mama, at ang tanging sagot lang nya ay naninibago lang ako sa pinagtutulugan ko.

Alam kong dapat hindi ito balewalain, dahil ramdam ko na hindi na ako nag iisa. na may nakatingin sa akin.

Help Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon