Sa isang iglap, maaring magbago ang lahat. Lahat ng masasayang ala-ala, bigla na lang nasadlak sa wala. Sinubukan kong kausapin siya. Ngunit hindi niya ito narinig dahil sa lakas ng hangin. Isang beses naman, ginusto kong yakapin siya. Ngunit hindi ko siya malapitan dahil sa sobrang lakas ng buga ng hangin. Oo. Ginusto ko talagang magtapat sa kanya. Pero sa tuwing sasabihin ko sa kanya ang aking tunay na nararamdaman, tila ba lagi na lang akong pinipigilan ng bulong ng hangin. Ipinapahiwatig ba nitong kahit kailan ay hindi maaaring maging kami? Pero hindi. Hindi maaari. Mahal ko talaga siya. At sa tuwing magtatapat ako, nahaharangan ako ng di-makawalang bugsong ito. Ang pag-ibig ko, hindi na maaari pa, sa kamay ng marahas na hangin.
Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli kong namasdan ang matamis na ngiti sa kanyang mukha. Ang mga kislap sa kanyang mapupungay na mata. Minahal ko siya ng sobra-sobra. Hindi ko maintindihan. Alam kong pitong taon ang tanda niya kaysa sa akin. Pero siya parin ang tinitibok nitong aking puso. Kahit na isa lamang akong hamak na 3rd year high school student at siya'y isang propesyonal at matalinong adult na may trabaho na, alam kong siya na nga at wala nang iba. Hindi ko na siya papakawalan pa.
"Ugh!!!" parang paghihingalo ko habang papatakbo tungo sa bus. Na-late ako ng gising, nag-fb pa kasi ako. "Tabi!" tulak ko dun sa matandang magtitinda. "Hay..." paghinga ko, matapos makapasok sa bus. Tingin-tingin sa paligid. May bakante pa bang upuan? "Uhm... Ayun!" Spotted! Hay salamat, may nakita rin akong upuan. Umupo na ako dun sa tabi ng lalaki.
"Ma'am, san po kayo?" tanong nung manong sa akin. "Sa Maryland Academy of Arts lang po." sabi ko habang kumukuha ng perang ipambabayad kay manong. "Syete!" malas naman! Naiwan ko pa yata ang wallet ko! Hay, anu ba yan! Malas-malas ko naman oh! Nang biglang nagsalita si kuyang katabi ko. "Manong, dun din po ako." at inabot niya yung isang libo niya. "Naku, sir! Wala po akong panukli dito eh." pag-aalala nung manong. "Yaan mo na! Keep the change. Tsaka kadamay na diyan itong miss sa tabi ko." sabi ni kuyang katabi ko. "Oh sige po sir! Bale 98 pesos lang po.." "Sige, manong salamat!" pag-sabi nung kuya. Pagka-alis nung manong, tinitigan ko syang mabuti. Tapos sa paglapit ko sa mukha niya, may narinig akong kantang kasalukuyang naka-play sa earphones niya. 'Kailan. Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong gawing lambing, di mo pa rin pansin.' Nang biglang tinanggal niya yung kanyang earphones. "Bakit miss, may dumi ba ako sa mukha?" Huh? May sinasabi ba siya? Wala na akong pakialam, basta nakatitig ako sa mala-anghel niyang mukha. "Oy, miss!" sinundot niya ang pisngi ko. "Huh?" "Miss, ang sabi ko, kung may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya. "Aaah... Wala! Ah! Tsaka nga pala, thank you dun sa pagbayad mo sa akin ng pamasahe kanina. Wala kasi akong pera eh." pasasalamat ko sa kanya. "Aaah... Wala yun! Nagkataon lang na tinatamad akong kumuha ng sukli." "Huh? May ganun palang uri ng tao! Hehehe!" pabiro kong sabi. "By the way, I'm Peter Mike! PM na lang!" pagpapakilala niya sakin. "Ako naman si Julie Rose, but you can call me Jaemi!"
. . .
"Tuut! Tuut! Tuut!" patuloy ang pagbusinang iyon. "Huh! Anong meron?" pag-gising ko sa medyo pagka-idlip kanina. "Tuut! Tuut!" nang biglang may bumaba sa sasakyang iyon. "Ma'am! Kelangan niyo na pong umuwi! Magsasarado na po ang sementeryo!" sabi nung manong. Tumayo na ako pagka-alis niya. Nag-punas na ako ng basa sa aking katawan at naglakad palabas ng gate. Ngunit sa saktong paglabas kong iyon sa gate, bigla na lang gumunaw ang lahat. Unti-unting bumagsak ang katawan ko sa masanaw na lupa. Pumutok na lang nang parang bula ang mundo.
. . .
"Ayan na pala! School na! Bababa na ako!" pagsabi ko kay PM. "Wait!" paghihintay niya sakin. "Dito kasi ako nagtuturo eh. Hehehe." "Talaga! Edi sabay na tayo bumaba!" pag-aanyaya ko sa kanya. Nag-simula na kaming maglakad papasok ng eskwelahan. "Oh sige sir! Dito na po ako!" paalam ko sa kanya. "Wag na sir, PM na lang!" sabi nya. "Okey, PM! Bye!" "Bye!" Umalis na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Sa pag-alis niyang iyon, naramdaman kong mahal ko na siya. Para bang hindi ko kaya ng wala siya. Para bang may kulang na piyesa sa aking piano. Kaya bigla nalang akong napasigaw na pangalan niya. "PM!" napalingon siya at pinatay ako gamit ang makalaglag-panty niyang ngiti. "Oh?" "Sabay ulit tayo mamaya ha!" "K!" isa muling ngiti ang nanakaw ko mula sa kanya. Ewan ko ba. Basta ang alam ko, mahal ko na siya.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Hangin sa Pag-ibig na Sinukuan
Roman d'amourSa isang iglap, maaring magbago ang lahat. Lahat ng masasayang ala-ala, bigla na lang nasadlak sa wala. Sinubukan kong kausapin sya. Ngunit hindi niya ito narinig dahil sa lakas ng hangin. Isang beses naman, ginusto kong yakapin siya. Ngunit hindi k...