Prologue

397 11 0
                                    


" Oo alam ko nahihirapan ka. Pero hindi lang ikaw mahal ko kayong pareho, I know napilitan ka lang na pakasalan ako dahil sa nabuntis kita. Hindi ko pinangarap na maging intersex ngayon wala ng baby papakawalan na kita den." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nanatili parin itong tahimik at nakayuko.

Alam ni God na minahal ko siya at kahit ayaw ko pang mag pakasal at kahit pinilit lang ako ng tatay niya minahal ko siya.

Kahit accident lang ang pagkakaroon ng baby namin minahal ko siya. Kahit pa tinutukan pa ako ng daddy niya ng baril para pakasalan at panagutan si den.

Saka lang nito itinaas ang tingin sa akin. Pakiramdam ko matatangal ang bigat ng dibdib ko kapag pinalaya ko siya.

" I'm s-sorry...." yon lang ang sinagot niya at ibinaba niya ulit ang paningin.

"Hey, look at me..." hinawakan ko ang baba niya para magtama ang paningin namin.

" Slap me, kahit anong gawin mo patawarin mo ako. Hindi ko naman intention na mawala ang baby natin."

" Hindi mo kasalanan den, kasalanan ko. Kong hindi sana ako nakalimot that night sana hindi nangyari ng lahat ng ito Pwede mo nang balikan si Myco." Ngumiti lang ako sa kanya kahit pa may hapdi sa puso ko.

" Aly......" sambit nito.

"No alam ko na sana maging masaya ka sa kanya yong divorce paper ibibigay ko nalang kay Attorney Garcia." Hinalikan ko siya sa Noo bago tumalikod.

" Aly wait!" She grab my hand.

Nakipagtitigan pa ako sa kanya bakit parang sa mga mata niya nagsasabing wag ko siyang iwan.

" Bakit."

"Wala gusto ko lang mag thank you." Ngumiti lang ako sa kanya.

" Okay mmmhhh Den yong kamay ko." Binitawan niya ang kamay.

Dali-dali akong umalis ng bahay namin baka hindi ko mapigilan ang sarili ko baka yakapin ko siya at mag-makaawa na mahalin ako.

Ilang bahay ang layo sa bahay namin ng igilid ko ang sasakyan ko at doon nag simulang tumulo ang luha ko.

Mahal kita den kahit alam kong hindi mo ako kayang mahalin pabalik dahil mahal mo si Myco.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo ng malaya sa pisnge ko at nag drive palayo, malayo sa bahay namin at higit sa lahat malayo kay Den.     


YOU and I (ALYDEN) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon