Chapter 1

23 2 0
                                    

I was waiting for my sister to come home when a blue chevrolet stopped in front of me. Nakaupo ako sa may gutter at parang batang nag aantay.

Ang pogi ng kotse. Sana yung driver din.

I am surprised to see my sister stepped outside that car. Dali dali akong lumapit sa kanya.

"Ate! Kanina pa kita tinatawagan bakit late ka umuwi ngayon?" Dere deretsong saad ko saking nakakatatandang kapatid.

"May gig kami ngayon. Sorry nakalimutan ko sabihin sayo."

"Pinag alala mo ko ate." I said as I pouted my lips.

"Kambal ba kayo?" Tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay syang naghatid sa ate ko.

Biglang nag init ang ulo ko sa gutom at pag aalala kaya't pabalang akong sumagot sa kanya " Ate ko nga diba? Mas bata ako sa kanya."

"Woah. Easy." When I look at him I was mesmerized. He is a gorgeous rockstar and I cannot help myself not to admire his face. "May mga mag ate naman kasi na twins, diba?" He smile again as I met his gaze.

"Sorry" napayuko ako sa pagiging rude ko. Nagulat ako ng ginulo nya ang buhok ko na parang isang bata.

"By the way, Drew this is Cheska. Cheska this is my bandmate Drew." Finally inintroduce din kami ng ate ko sa isa't isa. I really want to know his name -no, not only his name. I want to know him well.

"Nice to meet you young lady." Young? What the hell? Do I really look that young to be treated this way? I stay my eyes on the floor to hide my disappointment. Maybe he likes my sister that's why it seems I am just a little sister to him.

"Sige na Drew, magpapahinga na kami. Salamat sa paghatid."

"You're welcome." Tumingin sya sakin saka ngumiti. "Bye Cheska."

Tumango na lang ako. Ng makaalis ito ay agad akong humarap kay ate. Hindi ako matatahimik kung hindi ko ito matatanong. "Manliligaw mo yun ate?"

"Hindi a, di kami talo nun." Mabilis na sagot niya.

"Kala ko pinagpalit mo na si kuya Jeremy e, buti na lang hindi."

"May girlfriend na yun, ano ka ba. Tara na nga sa loob." Hinila nya na ako papasok ng apartment. I get the hint not to ask more, maybe she's not ready to talk about kuya Jeremy tonight.

--

Maaga akong nagpunta sa school kung saan ako pag aaralin ng aking kapatid kung kaya't maaga rin akong natapos. Dahil enrollment ngayon ay madaming estudyante na nagkalat. Naguguluhan ako sa ingay at dami ng tao dito sa Metro Manila, malayong malayo sa buhay ko sa Bataan. Naupo ako sa cafeteria, upang magpalamig muna. Sigurado namang mag isa lang ako sa apartment dahil gabi pa ang uwi ni ate kaya't minabuti kong manatili muna dito.

"Hi. May kasama ka ba?" Bati ng isang babae. Simple ito at maganda.

"Wala. Magkakaron na, kung uupo ka dyan at dadamayan mo ako." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"I'd love that." Ibinaba nya ang gamit at umupo sa tapat ko. "I am Antonette Weiss. Tony for short."

Inabot ko ang kamay nya para makipag shake hands. "Cheska Hamilton."

"Oh. Do you have a foreign blood? Yung lastname mo kasi."

"Yung biological father ko may pagkaalien.. kaya half alien din ako." Pabiro kong sagot. Ayokong pagusapan ang family tree namin dahil ni hindi ko na nga maalala yung totoong tatay ko.

"E nasan yung space ship mo?" May saltik ba tong babaeng to? Mapagpatol.

"Binenta ko na para makasurvive dito sa earth. Secret lang natin yan ha?"

My Perfect PickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon