Chapter 2

18 2 0
                                        

First day of School

Kakapasok ko pa lang ng auditorium ng may kamay na umangkla sa braso ko. "Miss san ka pupunta?"

"Tony, ikaw pala yan." napangiti ako ng makilala sya. Malaki masyado tong university kaya't mabuti na ring may naging kaibigan na ko para hindi ako maligaw.

"Yes, at oras na para kidnappin kita." hinila nya ko palabas.

"San tayo pupunta?"

"Itotour kita."

"Hindi tayo aattend ng assembly?"

"Wag na aksaya oras lang yan e."

"Ang pasaway mo pala lagot ka sa kuya mo."

"Sya kaya nagutos saking itour ka remember, knowing Mr. A kailangan ko syang sundin."

"Hindi ba tayo mapapagalitan nito?"

"Mapapagalitan, kaya wag tayong papahuli." tatawa tawa pang sagot nya.

"Di naman ako nainformed na extra challenge pala yung first day of school ko." sagot ko sa kanya habang pabilis ng pabilis ang lakad namin.

Nagulat ako ng may humila sa kamay ko at isinandal ako sa pader. He was surprised ng takpan nya ang bibig ko at sumenyas na wag ako maingay. He felt it too, the spark between us. Sa sobrang lapit ng mukha nya sakin ay tila nagwawala ang puso ko. My heart beat is not normal again. I am sweating and I felt something burning inside me, ang init init ng paligid na pati mukha ko ay siguradong pulang pula na ngayon. Dahil ba yun sa kuryenteng naramdaman ko kanina?

Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "Good thing, He was gone." seryosong sabi ni Mr.A pagkabitaw ng kamay nya sa bibig ko.

"Cheska?! Where are you?" naririnig kong sigaw ni Tony.

"Here, Antonette. She's here."

"Talagang Antonette kuya?" Inirapan niya si Mr.A saka tumingin sa akin. "Okay ka lang ba? Bakit pulang pula ka?"

"Ahh. Ano.."

"May masakit ba sayo Ms.Hamilton?"

"Wala po S-Sir. Mainit lang.. tama, tama.. mainit kasi yung panahon." Nagkakandautal na sagot ko. Ano bang nangyayari at kinakabahan ako ng ganito?

"Be careful, both of you. First day of school and you are already roaming around."

Umirap si Tony bago sumakit. "Sabi mo itour ko si Cheska."

"Yeah, but not before the program began."

"Hindi mo nilinaw yan."

"Antonette. You promised Mom, you'll behave."

"Fine." Tumingin sya sakin. "Let's go back to Auditorium Cheska." Tumango ako at sumunod na sa kanya.

"Ms. Hamilton, Enjoy your stay here. If you need anything you can approach me."

"Thank you, Mr. A."

"See you around."

Tanging tango na lang ang sinagot ko at hinabol na ang papalayong si Tony.

Kailangan ko ng ikakaturn off sayo at magpapakalma ng heartbeat ko. Maibibigay mo kaya?

--

I need to be distracted before my class with Mr. A. Sinuot ko ang headset ko at maaga akong pumasok sa classroom kung saan kami magkaklase. Bakit ba naman kasi sya pa ang first subject namin tuwing thursday? Simula nung first day ng school ay hindi na kami ulit nagkita.

Umupo ako sa sulok at pumikit. Hearing my favorite song makes me calm. Kung bakit din ba ko di nakatulog ng maayos kagabi? I dont know why I'm nervous and excited at the same time.

My Perfect PickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon