Chapter 3

13 2 0
                                    

"Hi Cheska." Nakangiti nyang bati sa akin. "It's good to see you again."

"Hello Mr. A, tuloy po kayo." Iniwasan kong tumingin sa kanya upang maitago ang kaba na kanina ko pa nararamdaman.

"Thanks, di pa ba umuuwi ate mo?"

"Nandyan na, nagbibihis lang. Gusto mo ng coffee or water Mr. A?"

"Cheska you can call me Drew outside university premises."

"Baka po masanay ako. Okay na po yung Mr. A." Dahil baka makalimutan ko ding Professor kita.

"I insist. Masyado akong tumatanda kasi sa Mister at sa kaka'po' mo. Hindi ko na nga alam kung sino nagpauso nun."

"Bakit Sir ilang taon ka na po ba?"

"Isa pang Mr. A, Sir at pagpopo mo ibabagsak na kita sa klase ko." Nakangiti nyang sagot.

Natawa ako sa pagbabanta nya. "Irereklamo kita sa Dean pag ginawa mo yun 'Sir'." I put emphasis sa huling salita.

"Seriously? Mas matakot ka sakin kaysa sa Dean." Tatawa tawa ng sagot nya.

Takot ako sayo Sir. Takot akong mafall sayo.

"Hindi ka naman nakakatakot e."

Nagulat ako ng bigla syang sumulpot sa likod ko habang nasa kusina ako. "You dont know me well." And I dont know what to do again. Hindi ako pwedeng humarap dahil baka mahalikan ko sya oras na umikot ako. And I dont even have the strength to move right now. I suddenly became weak. "Scared now?" Naramdaman kong tumawa sya at nagmove. "I'll just have water."

Nakahinga ako ng maluwag ng magkaron ulit ng distansya sa pagitan namin. "Stop molesting my sister." Si ate na nakasandig na pala sa pintuan ng kwarto.

Tumawa naman ng malakas si Mr. A. "Ganyan na ba tingin mo sakin ngayon?"

"Wag mong kakalimutang kapatid ko pa din yan Andrew. She's not just your student."

"I know. That's why she is special to me." Hinawakan pa nya ang kamay ko at bahagyang pinisil ng tumingin sya sakin. "Kasi kapatid mo sya."

Sometimes, reality is painful. Just like now, the fact that he is nice to me because he admires my sister slowly stabbing my heart. My admiration for him is not good for me. I need to end this as early as I can before my heart shatter into pieces.

"Kung ayaw mong mahampas ng cymbals at masaksak ng drumsticks ko ay wag mong paglolokohin yang kapatid ko."

Nilapag nya ang baso sa sink at lumapit sa kapatid ko. "Nagseselos ka naman agad. Syempre ikaw pa rin ang pinakaspecial for me." Ginulo pa nya ang buhok nito.

"Tsk! Andrew naman e." Iritableng sagot ni ate Chary.

"We better go, baka hinihintay na nila tayo."

"Lika na nga. Cheska okay ka lang dito o gusto mo sumama samin? Kaso may pasok ka pa bukas e." Tanong ni ate.

"Wag na, masira pa pag aaral nyan pag nakilala nyan si James."

"Pareho lang kayo ni James e."

"Ibahin mo nga ko. Sige na tara na may mga pasok pa din tayo bukas, kelangan natin umuwi ng maaga lalo na at walang kasama si Cheska dito."

Hindi nya na lang sabihing ayaw nyang maging istorbo ako sa kanila.

Pinilit kong ngumiti ng tignan ako ni ate. "Sige na ate, mag ingat kayo." Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Ikaw ang mag ingat dito. Wag kang magbubukas ng pinto pag may nagdoorbell. Maglock kang maigi, uuwi din ako agad." Buti na lang ang sweet ng ate ko kaya't kahit papano ay napapawi yung lungkot ng makita ko silang magkasama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Perfect PickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon