Nakaraan ang 4 na taon, ako'y kolehiyo na. Ako ay 1st year college sa isang malaking skwelahan sa Manila (UST). Eto nakamove on na, may girlfriend na nga pala ako, si Alexa Sambroso. Nakilala ko sya nung kami ay 4th year highschool.
Ngayon ay ang aming 1st year anniversary. Nagpareserve ako sa isang fast food chain para supresahin aking girlfriend. Kumakain kami at nagkwekwentuhan. Ang sarap pala sa feeling nang may mahal ka. Pagkatapos naming kumain, lumabas kami sa restaurant, parang may isang babae na pumasok na parang namumukaan ko sya si?, si?,. Ito ang nasabi ko sa sarili.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Nang kinabukasan pagpasok ko sa skwelahan, may nagbalita sa amin na may bago kaming kaklase, babae daw at galing daw sa america. Pagpasok ko sa classroom, nakita ko si Trixie sa aming silid. Tinanong ko sya, kamusta kana?. Ok lang naman, sagot nya, ikaw?, ok lang din, sagot ko na may kasamang kaba. Bakit 1st year college kalang?, tanong ko sa kanya. Tumigil kasi ako ng isang taon. Ahhh ok.
Nagbreak na, pinuntahan ko si alexa sa kanyang silid. Niyaya ko siyang pumunta sa canteen. Habang nakain kami, hindi ko namalayan na tinatanong na pala ako ni alexa. Ano ba ang nangyayari sayo?, tanong sa akin ni alexa. Wala may iniisip lang ako, tulalang sagot ko sa kanya.
Pagkauwi ko sa bahay, pumunta ako sa aking kwarto at nagbihis. Habang nakatingin sa salamin, tinanong ko ang aking sarili. Bakit ganon, biglang tumibok ang aking puso na tila sinasabi na mahal ko pa si Trixie. Binali wala ko ang aking nararamdaman at nanood nalang sa TV.
Kinabukasan, nagkita kami ng magkakaklase para gawin ang aming report sa science, imbis na hanapin ng aking mata si alexa, parang si trixie ang hinahanap nito. Sabay na pagdating ni Trixie. Hi, sabi ko kay trixie, hello pabalik na sagot nya sa akin. Nagsimula nakaming maggawa ng report. Tumatakbo ang oras. Hapon na, pasigaw na sabi ko sa mga kaklase ko. Kinuha ko ang aking kotse at isinakay si alexa. Nakita namin si trixie na naghihintay ng masasakyan. Tinanong ko si trixie, gusto mo bang sumabay?. Ok lang ba, nakakahiya naman sa inyo.
Habang nasa byahe kami, tinanong ni trixie si alexa. Alexa kayo pala ni Charles?. Ah oo. Kelan pa kayo nagon?. Nung grade 10. Ahh ok, pabulong nasagot ni trixie.
Bumaba si alexa sa bahay ng kanyang mga tita, naiwan si trixie kasama ako.
Saan ka nga pala bababa?,tanong ko sa kanya. Sa santa rosa. Ahh ok.
Sa kahabaan ng traffic, biglang nagkwento si trixie. Alam mo ang hirap ng buhay sa ibang bansa, kailangan mong pakiunawaan ang ibang lahi. Sa isip ko. Ako rin nahirapan sa sitwasyon nung umalis ka. Uyy, okay kalang ba?, tanong ni trixie. Ahhh oo, naisip ko lang ung project natin sa science. ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Nakaraan ang sabado at linggo, tuloy tuloy parin sa pagtakbo ang aking isipan sa pagdidicisyon.
BINABASA MO ANG
Baliw na Pagibig
NouvellesPOV of Charles Ako nga pala si Charles Gutierrez Ako ay 15 years old. Nakatira ako sa Manila. Ang kwentong ito ay dedicated sa akin. Ito ay tungkol sa isang lalaki na umibig sa isang babae. Minahal nya ito ng lubusan pero di sya nito pinan...