Chapter 3: Ang Pagtatapat

29 6 0
                                    

After 3 years, gagraduate na kami.

Yes, matutupad na ang pangarap ko.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Habang nagbibigay talumpati ang aming prinsipal sa bawat studyante, tila may pumasok na problema sa aking isipan. Ang pagtatapat.

Ipinatawag ko si Trixie at alexa kay ate Tina, pinapunta ko sila sa isang tagong lugar sa aming skwelahan.

Eto ako sa harap nyong dalawa, sabi kong may kasamang kaba, meron akong ipagtatapat sa inyo. Alam kong may masasaktan sa malalaman nyo.

Simula nung elementary ako, may isang babae akong minahal ng buong puso. Ikaw un trixie. Alam ko noon na di mo ako magugustuhan. Nung nawala ka sa ating skwelahan, para akong pinatay sa lungkot. Hindi ako makalabas at makakain sa kaiisip sa iyo. Sinubukan kong kalimutan ka pero di ko kaya. Nung nagcollege ako, nagmahal ulit ako, kala ko makakalimutan kita, hindi pala. Nakita kita muli at tumibok ulit ang puso ko.

Nakita kong nasasaktan si Alexa. Alexa patawarin mo sana ako. Minahal kita pero mas mahal ko si trixie, humingi ako ng tawad habang naiyak.

Alam ko naman un, halata naman sa kilos at galaw mo nang buong college life natin, "I let you go", malungkot na sabi ni alexa.

Umalis si alexa, hiyang hiya ako sa sarili ko. Paalis na ako ng biglang harang sa akin ni trixie. Sandali lang Charles. May aaminin ako sayo. Nung elementary tayo may crush nadin ako sayo. Hindi ko lang masabi sayo dahil nahihiya ako. Sa bawat araw na nagpapakita ka sa akin ng paghanga, tuwang tuwa ako noon, pero ipinapakita ko sayo na hindi kita gusto. Nung araw na papasok ako, sinabi sa akin ng mama ko na hindi na ako magaaral dahil lilipat na kami sa america. Ang sakit sa loob ko na nagpakipot pa ako sayo imbis na sabihin ko sayong mahal kita, nahihiyang paglalahad nya sa akin.

Sa oras na un parang tumigil ang oras, nagkatinginan kami. Tinanong ko sya, trixie mahal mo pa ba ako?, oo sagot nya sa akin.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Makalipas ang 3 taon naging magasawa kami ni trixie. Nagkaanak kami ng 2 babae at 1 lalake. Nabalitaan ko na nakahanap na si alexa ng lalaki na iibig at magaalaga sa kanya.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Baliw na PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon