Chapter 3

4 0 0
                                    

"Ingat ka." Maui said before akong bumaba ng bus. I didn't say anything nor gave him a nod in response, eh kinikilig ako eh. And nakakahiya na makita niya akong magblush dahil lang sinabi niyang "ingat ka." Ay pota, bat nageecho sa tenga ko yung boses niya? Takte. Harot hormones, kalma!

Pagkadating ko ng bahay, nagpalit ako ng damit at kumain ng dinner. I turned on my laptop ang started reencoding my article.

The night went well, and hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pageedit ko.

Nagising nalang ako ng tumunog yung alarm ng phone ko ng 5AM.

Piece of sheet! May practice ng cotillion ng 7AM. Bawal nga pala paimportante. So I got on my feet and saved my work. I took a bath and it took me ages to decide on what to wear.

I tried to wear a skirt but then I remembered uncomfortable yun pag nagpractice.

So I ended up with a navy blue pants and our class shirt and a mocassin shoe.

I ate breakfast and bid my mom goodbye at saka umalis. I arrived at school ng 6:59.

"Uy Merry! Sosyal nakaFX" salubong sa akin ni Joyce pagkababa ko ng FX sa tapat ng school.

"Che." I rolled my eyes at pumasok na kami sa loob.

Inintay namin si Ms. Glads, at iba pang kasali sa cotillion.

"Uy Merry. Halangya, bat ganyan ka lang ngayon?" Tanong sakin ni Ruth, classmate ko na Dance Troupe din. I shrugged, "Uh, katamad pumorma at saka magpapractice tayo hindi rarampa. Kaya dapat comfortable. Jusko teh!" Tama naman diba? Jusko andaming nakaflannel ngayon na nakatali sa waist at ang malala may nakamidriff pa. Jusko san ang rampa teh?

Dumating na si Alyssa kasunod ni Ms. Glads, "Merry, malelate daw partner mo." She said. I shrugged, "bahala sya kamo." I said saka tumawa kahit medyo naasar ko. Konti lang naman.

Parang nakakahiya naman sa kanya jusko.

Medyo matagal pa bago magstart. Kaya kwentuhan all you can muna kami. And sakto nakita ko na si Maui, nagmamadali siya. Tangina, napangiti ako, pero I covered my mouth before anyone catches me smiling like an idiot. Nakakahiya guys. Nakakahiya.

"Uy, sorry late ako." He said while putting his bag beside mine. "Okay lang. Late din naman magsstart." Saka ako nagumpisang maglakad papunta sa pwesto namin at iniwan ko sya don. Wala, pabebe lang.

Sinayaw namin yung Traditional Latin, putanginaaaa! May step na nakatalikod ako, tas haharap sa kanya jusko, pagharap ko sobrang titig na titig siya sa akin, diretso sa mata. Natawa ako dahil don. Tangina Merry! Hindi mo ba mapigilan yang sarili mo!? Panira ka ng moment eh. Pano kasi, natawa nga ako diba edi sya tangina iniwas na sakin yung tingin sakin. O dib sayang! Ang landi ko kasi.

Nagchange na yung music, thinking out loud na, Babe, I fall in love with you every single day. Tangina, hinawakan nya talaga yung mukha ko. Ayun, nilamutak ko yung mukha niya letse.

Nakailang rounds din kami ng practice. Then dinismiss rin kami ni Miss Glads, yun nga lang kaming Dance Troupe ay maiiwan para sa practice uli ng dance troupe lang.

"Bye Alyssa. Bye Maui."

"Bye Mers, pasabi nalang kay Mam di ako pwede may practice kami ng Noli eh." Sabi ni Alyssa saka bumeso sa akin.

"Sige, sure. Ingat!" I waved goodbye and nagstart nang maglakad nang,

"Bye Merry!"

Putangina.

All and NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon